Chapter 1

1 1 0
                                    


"Celeste's POV”

Hayyy buhayyy...

Nandito ako sa paborito kong lugar, nakahiga sa ilalim ng puno habang nakatingin sa lawa

Habang nagmumuni muni, naaalala ko noon dito ko din nakita si Luna

*FLASBACK 1.1*

Nung limang taong gulang pa lamang ako, tumatakas ako sa aking guro, dahil puro na lang aral aral aral!

Nababagot na ako kaya tumakas ako at pumunta na lang sa lawa, may kalayuan ito sa palasyo pero wala akong paki

Habang naglalakad lakad, inilibot ko ang paligid

Napakaganda talaga sa lugar na ito, malalago ang mga halaman at puno, masisigla rin ang mga huni ng ibon — saad ko sa aking isip habang ngingiti ngiti

Nang papaupo na ako sa aking pwesto nakarinig ako ng iyak ng bata, inilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makita

Nang sinubukan kong hanapin ang tinig iyon, napunta ako sa bandang dulo ng lawa, at doon ko naririnig ang tinig na umiiyak, sa may puno

Nang lumapit ako may nakita akong bata ng mapansin ng bata ang presensya ko tumingin sya sa akin, ang dumi ng suot nya pati ang mukha nya at ang buhok nyay magulo din, para syang pulubi sa may bayan, nakakaawa sila

Lumapit ako sa bata at kinausap ito

“Bata bakit dumi ikaw?” - tanong ko sa kanya

Huhuhu m-ma-y h-huma-ha-bol s-sakin huhuhu” - pagsagot nya habang umiiyak

Hala! Yung sipon mo lumolobo! Ito oh panyo” - pag abot ko sa kanya ng panyo ko

“Ang galing naman, lumolobo sipon mo, bakit nung umiyak ako, hindi lumolobo sakin?” - pagtatanong ko sa kanya

“Eh kasi bata kapa” - sagot nya sabay tawa

Napasimangot ako pero kalaunan tumawa na din ako

“Kanina pa tayo nag uusap pero di ko pa alam pangalan mo” - nakanguso kong sabi

“Wala akong pangalan, nung kaedad kita dati ako lang mag isang nabubuhay” - malungkot nyang saad

“Ganun ba... ahmm ako si Celeste, nakatira sa palasyo ng Dohmnall, at ikaw naman si... hmm... - saad ko

Habang naghihintay sya ng ipapangalan ko, nakaisip ako agad ako

“Ikaw na lang si Luna! Kasing ganda mo namab ang buwan sa gabi, kutis moy maputi din na parang nagliliwanag, ano sa tingin mo?” - masaya kong mungkahi sa kanya

Napatingin sya at napatango “Sige Luna na lamang nang sa ganun hindi kana mahirapang mag isip, maganda rin naman ang paliwanag mo, HAHAHA, magaling kang mambola, pero salamat” - ani nya

“Matanong ko lang” - pagputol nya sa pagtatawanan namin kanina

“Ano yun?” - tanong ko

“Kung nakatira ka sa palasyo ng Domhnall, ibig sabihin, isa kang prinsesa?” - pagtatanong nya

Hindi ko alam kung oo ba ako o hindi, kasi baka magbago ang pakikitungo nya

Bahala na ang bathala

“Ahm oo, isa nga akong prinsesa” - pag aalangan kong sagot sa katanungan nya

“Dapat bang tawagin kitang Prinsesa Celeste? Dapat bang nakayuko ako kapag kausap ka? Kailangan ko bang gumalang sayo???” - sunod sunod nyang tanong

“Ano kaba Luna, wag kang oa, kahit wag mo na gawin yang mga tanong mo, okay lang” - natatawa kong sagot

“Pero baka hulihin ako? Baka makulong ako? Bata pa ako, ayoko ko pa!” - oa nyang saad

Natatawa ako sa tinuturan nya

“Huwag kang mag alala Luna, hindi mangyayari sayo yun, ako bahala” - pangungumbinsi ko sa kanya ng matigil na ang ka oa-yan nya

Nang muang nakahinga sya ng malalim, tinawanan ko sya at napasimangot na lamang sya

Nang sumapit ang hapon at mukang kailangan ko ng umuwi

“Ahm Luna, kailangan ko ng umuwi eh, gusto mo sa amin kana lang tumira?” - wala daw syang kasama sa buhay, kaya naisipan kong isama na lang sya sa palasyo

Nakita ko ang gulat at saya sa mata nya, pero mukang nag aalinlangan syang sumagot

Ngumiti ako at sabay sabing “Huwag kang mag alala, akong bahala sayo, papayag naman ang aking ama at ina na doon kana manirahan sa palasyo, mabait naman sila, kaya huwag kang matakot”

Tumango syat ngumiti sabay sabing “Sige! Sama ako sa palasyo!”

Naglakad na kami pauwi habang nagdadaldalan, nang makarating na kami sa likod ng palasyo tumakbo agad kami papasok sa loob dahil baka mahuli akong pumunta na naman sa lawa

Pumunta agad ako sa silid-opisina, kung saan madalas sila ama at ina, kumatok muna ako ng tatlong beses bago makarunig ng “Pasok!”

Pagkapasok ko tumakbo agad ako kila ama

“Ama! May baka akong nakita sa may lawa!” - excited kong sabi pero mukang mali na sinabi ko kung saan

“Ano!? Sa lawa!? Hindi ba sinabihan na kita na wag kang pupunta sa lawa!! Pero bakit Hindi mo sinunod—”

“Mahal, kalma, bata pa si Celes, malamang ay susuway talaga sya, kapag lumaki sya matuto din sya, kaya hayaan na lng muna natin sya” - putol ni ina kay ama

Napabuntong hininga na lang si ama sa sinabi ni ina

“Oh sya sige sige, pwede bang malaman Celes kung nasaan ang batang tinutukoy mo?” - kalmadong tanong ni ama

Tumango tango ako at sumagot ng “Opo opo! Luna!!! Pasok kana!!!”

Maya maya pumasok ng nakayuko si Luna

“Ama, ina, sya po si Luna, wala po syang pangalan kaya Luna na lang po ang pinangalan ko, hihihi” - pagkwekwento ko

“H-hi p-po”

Halata ang kaba na nararamdaman ni Luna, dahil pati bibig nya, kinakabahan din

“Ano kaba Luna, wag ka ng kabahan diba sabi ko sayo kanina mabait sila, kaya kalma di sila nangangain” - ako

“O-Oo Celeste”

Napabuntong hininga na lang ako sa tinuran nya, napabaling ako kila ama at ina ba mukang gulat na gulat, binaliwala ko na lng iyon

“Ahmm, Ama? Ina? Pwede po ba syang tumira dito sa palasyon? Pwede po?” - pagtatanong ko

“A-Ahh oo naman Celes, pwedeng pwede” - sagot ni ama

Tumingin naman ako kay ina, ngumuti at tumango naman sya na ibig sabihin ay pumapayag sya

Napangiti ako dahil di ako nagkamali na papayag sila

Pero... Nakakapagtaka ang mga itsura nila ng makita nila si Luna

Parang di sila makapaniwala sa kung ano

Parang nakakita ng kakaibang elemento

Hayss ewan ko ba...

*ENDS OF FLASHBACK 1.1*

———

Bitinin ko muna kayo, HAHAHA
Sorry na agad sa mga nabitin

Pero bakit kaya ganun na lang ang gulat sa mga mukha ng ama at ina ni Celeste

Nawawala ba nilang anak yun?
Or baka may something kaya Luna?

Abangan na lang natin sa next chapter!

Salamat sa pagbabasa❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Adventure of SacramentsWhere stories live. Discover now