PROLOGUE

22 7 3
                                        

Nakatingin lang ako sa kumpulan ng nga taong nandito sa loob ng stadium habang inaayos ni Ate Kit ang damit ko. Nandito kami ngayon para sa isang malaking awarding na kung saan ay isa kami sa mga nanominado.

"Sera!!" Rinig kong sigaw. Nakita ko naman ang babaeng may hawak ng banner na nakaprinta ang pangalan ko, hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa nakikita.

"Se" Tawag sakin ni ate Herin. Pinuntahan ko naman ito at kinuha ang binibigay nyang baso ng gatas.

"Ate kinakabahan parin ako" pag-amin ko.

Kahit na nagpeperform na ako at napanood nadin ng maraming tao ay nandito padin ang pakiramdam na parang dinadaga ako.

"We can do it baby, trust yourself" ani nito.

Ngumiti nalang ako at nagpaalam na ng tawagin kami ng planner para mag-practice.

Mamaya bago ang performance naming magkakagrupo ay may performance din kami ni Paige kasama ang mga ibang girl group artist.

"Pangalawa daw tayo, Opening, then may isa pang magpeperform tapos tayo na" si Paige.

"Pang ilan tayo? Our group?" Tanong ko.

Ibinaba muna nito ang hawak nyang banana milk at bumaling na sa akin. "Pang-eleven"

Tumango naman na ako at dumeretso kila Entice, isa din sa kasama namin dito. Sa ilang araw na practice namin together with the other group ay mas naging okay kami. Nung una kase ay nagkakahiyaan pa kami sa isa't isa dahil narin sa hindi kami magkakasama sa iisang grupo.

Ilang minuto lang din ay dumating na ang Dance Instructor namin kasama ang planner.

"Nagsi-kain ba kayo?" Tanong ng planner. Tumango naman kami bilang pag-sagot "Maganda yun, mahirap sumayaw ng gutom!" Dagdag nito.

Pinindot na nya ang play button sa computer, nagsimula nadin kami sa pag-sayaw. Remix songs ng ibang kilalang grupo ang sasayawin namin at black, white at gray ang kulay ng mga damit na dapat suutin. Maganda naman ito tignan dahil bumabagay ito sa kanta.

"Good job girls!" Sigaw ng planner samin dahilan ng matapos kami sa ilang beses na practice. Tumango na ito at nagpaalam na aalis para puntahan ang ibang grupo pa.

"Bye ate Sera!" Si Kendall, maknae ng grupong E1even. "Bye ate Paige!"

Ngumiti naman ako at kinawayan ito at ang ibang artista para mag-paalam. Hinintay ko naman si Paige para sabay na kaming dumeretso sa sa pwesto ni mama Leila at ni mama Odeth, manager namin ni Paige.

"Nakakapagod" Maya maya'y sabi nito.

"Sobra" sabi ko at inabutan ito ng bottled water.

Natawa nalang samin sila mama Leila at hinila na kami papuntang room para sa grupo namin.

"Sera! Nakita ko si Seline kanina! Nominated din pala sila dito!" Patiling saad ni ate Cali, ka-grupo ko.

Nilapitan ko naman ito ng nakakunot ang noo, ngayon ko lang narinig na pupunta din ang grupo ng kapatid ko dito.

"Sure? Pero di naman sya nag text sakin ah" sabi ko at inilabas ang phone ko, chineck ko ulit ito at wala ni isang message ng kapatid ko.

"Ewan basta nakita ko sya kanina with her group, may kasama nga ding mga lalaki eh, diba Hailey?"

Tumango si Ate Hailey bilang pagsang-ayon "Ang alam ko sa Domino din yung kasama nyang mga lalaki, idols din ata ng Domino" dagdag nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CHASING STARSWhere stories live. Discover now