Episode 1 "Pain of Love"

5 0 0
                                    

"Aey ano ba hindi ka naba babangon dyan sa higaan mo, Magmukmok ka na lang hanggang mamatay ka para kang tanga dyan!" bulyaw sa akin ni Mark. "Hayaan mo na nga sya alam mo naman pinagdadaanan nyan e!" Awat sa kanya ni Paco "Oo andon na ako ba ilang buwan na yang ganyan, payat na nga luluwa na yung mata nya kakaiyak, hoy Aey papaalala ko lang sayo ha hindi lang sya ang babae! Hindi sa kanya titigil ang mundo mo. Babae lang yan!" bulyaw muli galing kay Mark. Biglang nagpanting ang tenga ko at bumangon sa higaan ko at kinuwelyuhan si Mark. "Oo Mark babae yun, pero wag mong nila lang yun kasi minahal ko yun. Hindi naman ikaw ang magugutom, mamamaho at ang mamatay ah, Di mo alam yung nararamdaman kong sakit kase wala ka namang seryosong relasyon diba? Puro ka fling wala ka naman minahal ng higit pa diba kaya wag kang magsalita at mag lang sa babae, palibhasa papalit palit ka masyadong mababa ang tingin mo sa kanila, wag mo silang pareparehasin  kasi iba iba sila, di lahat kagaya ng ibang nakilala mo." di ko namalayan tumulo ang luha ko. Inaawat kami ng mga kaibigan namin. "Tama na yan Aey at Mark!" Pumagitna sa amin si Pat. "Alam mo kami na yung nag aalala sa'yo kami pa yung masama, Aey mahal ka namin na parang kapatid di na namin kayang tignan na inuupos ka dyan sa higaan mo ng kalungkutan mo na nakalimutan mo ng may buhay ka may pangarap ka hindi yan ang Aey na kilala namin. Aey 5 years ago buo na yung pangarap mo nadelay kamo ng kaunti kase magmamahal ka saglit at sabay nyong aabutin yung pangarap, Aey gumising ka na yung kasama mong mangarap iniwan kana kase at the first place wala ka sa binubuo nyang pangarap. Simula ng iwan ka nya 7 months ago parang nawalan ka na ng ganang mabuhay iniwan kana rin ba ng pangarap mo? Halos malumpo ka e, Baka nakakalimutan mong mataas yung pangarap mo na hindi yan dapat sapitin mo. Aey yung pangarap mo naghihintay sa labas ng madilim na kwarto na to! Anong sasabihin mo kala tita Ok ka? alam nilang hindi Aey pero inaantay ka rin ng pamilya mo. Hindi matatapos ang buhay mo kase iniwan ka nya, Hondi porket wala na sya wala ka naring pangarap. Aey yung sales ng business mo bumabagsak, isasara mo na ba? Sge magpakalunod ka dyan sa lungkot hanggang marealize mo na huli na pala ang lahat. Aey andyan lang kami sa labas kung kailangan mo kami hindi kami umalis dito for 7 months salitan kaming lima kase baka isang araw um-ok ka at magsalita maglabasa ng nararamdaman mo Aey for 5 years ganto yung nangyare sayo kami Aey kahit anong mangyari andyan kami talikuran ka man ng mundo mo andito kami bata pa lang magkakasama na tayo ngayon ka pa ba namin tatalikuran!" PAgkatapos ng ganap na yun lumabas silang lima sa kwarto ko. 

Napaisip ako sa sinabi ni Mark, Napaka swerte kong magkaroon ng limang mabubuting kaibigan na lagi akong pinupuntahan sa bahay lalo ngayon. Napka swerte ko kasi kahit mga abala sila sa kani kanilang buhay they make time to check on me. Si Mark kahit Playboy ng Barkada mas malaki ang concern nya sa tropa lalo sa Girls, Para man kaming aso't pusa madalas but the end of the day He still a best friend specially in Bad times. Si Paco na peace boy ng tropa palibhasa kasi may pagka mama's boy kaya lahat ng sabihin ni tita sinusunod nya, Be always good to everyone even they hurts you! yan lagi ang sagot nya sa amin at turo daw ni Tita. Si Pat ang KDrama watcher ng Barkada nag aaral pa kase sya e, NBSB kasi ang taas ng standard like iniisip nyan magkakaron sya ng manliligaw na parang OPPA. hahaha! Si Tin ang pinaka seryoso sa tropa, You can't fool her at di sya basta basta. Jaycee ang beks ng Tropa sya ang balancer namin taga timbang ng lahat ng ganap since girl na boy daw sya kaya daw nyang timbangin. And this is my great friends. And I'm Aey the most Jolly among them.

Sa labas ng kwarto ay nagkaron ng pagtatalo ang apat.

"Mark naman kating kati talaga yang bunganga mo e noh?" Paninita sa kanya ni Pat. "Wala akong nakikitang mali, kung maghihintayan tayo 7 months na ohh unresponsive si Aey maigi na yung ganun ang ginawa sa kanya ni Mark baka magising" pagsang ayon ni Tin kay Mark. "Na kay Aey na yun kung magpapakalugmok parin sya atleast nasabi ni Mark ano ang dapat nyang marinig." Tugon naman ni Jaycee. "Ba't kase umalis pa si Yessa." Malungkot na tugon ni Paco. "Sakit narin kase talaga yun ng karamihan sa nag aabroad naghihiwalay." Sagot naman ni jaycee. "Kaya tayo nandito para tulungan sya e lift up sya. Alam nyo naman na ilang beses gumuho mundo ni Aey, ngayon ba natin sya susukuan. Oo aso't pusa kami pero di naman ako titigil sa sulok at panonoorin syang lamunin ng lungkot, andon tayo sa lahat ng oras saksi tayo. Ngayon paba?" Dagdag pa ni Mark. "Alam namin yung punto mo Mark, Hintayin nalang natin desisyon nya after this." sagot naman ni Paco

Ilang Araw pa ang lumipas, pabalik balik parin ang apat sa bahay ni Aey, Pero walang Aey na lumalabas. Madalas mabulok ang pagkain na iniiwan nila sa Mesa. Halos bumagsak na ang balikat ng apat. Isang araw sabay-sabay silang pumunta sa bahay ni Aey at nakita nila itong naglilinis, at nagluluto pang yayaring nagpatigil sa kanilang apat.

"Aey?" Pabiglang tawag ni Pat. "Oh, andyan na pala kayo. Late ata kayo kanina ko pa kayo inaantay di bale at paluto narin tong huling putahe at sabay sabay na tayong kumain." Nakangiti nitong sagot at bumalik sa pagluluto. Bigla syang niyakap ni Tin at sumunod ang tatlo, napaluha ang apat sa tuwa at pagkabigla. Hinawakan ni Tin ang muka ni Aey  "Aey ang payat payat mo na oh, mugtong mugto mata mo. Tignan mo parang dehydrated ka. Ngayong lang ulit kita natitigan." Naiyak na tugon ni Tin sa kanya at niyakap sya. "Aey ako ng magluluto, umupo kana doon." akmang huhibarin ni Mark ang apron ni Aey. "Hindi umupo kayo dyang apat, Intiendes at Mark kelan kapa natutong magluto itlog na lang basag pa ang yolk, hotdog mo maitim pa sa singit mo." Nakatawang sagot ni Aey. Nagtawanan sila kase mukang bumalik na nga si Aey kasi napikon nanaman si Mark. Pero niyakap parin sya ni Mark. "Umupo na kayo, ako naman ang magsisilbi sa inyo. Kahit ito man lang ay maiganti ko sa inyo." Nakangiting sagot ni Aey. At umupo na nga ang apat, Shock parin sila pero sobrang tuwa naman nila at bumalik na si Aey.



(Please do support my Stories, It's been a decade since I forget and set aside what I really want to do. I actually don't please any body but not now, I want you to inspire and Introduce to my world of writings. So enjoy!)

My Love is a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon