Pansamantala

27 3 0
                                    

Kaligayahan?
Dili-dili?
Siya?

Yan yung kinatatakutan nila
Ngunit dapat pinaghahandaan diba?
Bakit nga naman natin paghahandaan
Upang di tayo masaktan sa araw ng paglisan.

Pansamantala

Yan yung iyo sa aki'y pinadama
pansamantala na saya
at sobrang lungkot
ang naging kapalit

Ngunit ako'y naging masaya
Dahil ika'y nakilala
Kahit na ika'y pansamantala
At babalik sa piling niya

Niya na dapat ay ako
Ako naman talaga dapat
Ngunit di mo naman pala ako gusto
Kaya hinayaan ko na maging masaya ka
Kahit ikasasakit ko pa

Basta't sa aki'y bumalik
Kung binigyan ka nya ulit ng sakit
Andito lang ako
Hinding hindi ka ipagpapalit
Mag iintay ako,
Basta Ikaw

Kahit na maraming mas malapit
Malapit na sigurado akong
Mahal ako pero anong gagawin ko kong ikaw ang gusto ko.

Sa iyo'y pinaaalala
Na ako'y handang handa na
Handang tanggapin ka
Kahit alam kong masakit na

Pangako sayo
Ikaw lang ang aking gusto
Kahit na anong mangyari
Gumuho man itong mundo
Hihintayin ka pangako ko sayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PansamantalaWhere stories live. Discover now