Kaligayahan?
Dili-dili?
Siya?Yan yung kinatatakutan nila
Ngunit dapat pinaghahandaan diba?
Bakit nga naman natin paghahandaan
Upang di tayo masaktan sa araw ng paglisan.Pansamantala
Yan yung iyo sa aki'y pinadama
pansamantala na saya
at sobrang lungkot
ang naging kapalitNgunit ako'y naging masaya
Dahil ika'y nakilala
Kahit na ika'y pansamantala
At babalik sa piling niyaNiya na dapat ay ako
Ako naman talaga dapat
Ngunit di mo naman pala ako gusto
Kaya hinayaan ko na maging masaya ka
Kahit ikasasakit ko paBasta't sa aki'y bumalik
Kung binigyan ka nya ulit ng sakit
Andito lang ako
Hinding hindi ka ipagpapalit
Mag iintay ako,
Basta IkawKahit na maraming mas malapit
Malapit na sigurado akong
Mahal ako pero anong gagawin ko kong ikaw ang gusto ko.Sa iyo'y pinaaalala
Na ako'y handang handa na
Handang tanggapin ka
Kahit alam kong masakit naPangako sayo
Ikaw lang ang aking gusto
Kahit na anong mangyari
Gumuho man itong mundo
Hihintayin ka pangako ko sayo.