DEUS

29 2 0
                                    

Meeting him.


"Deia, anak, pakisuyo naman n'ong mga bag." ani Mama

"Opo." Inabot ko sa agad ang dalawang bag bago kinuha ang bag ko sa likod ng kotse.

"Oh, nakuha niyo na ba lahat?" tumabi sa gilid ko si Papa at sinilip ang trunk ng kotse kung may natira pa bago niya isara.


"Ang ganda naman pala dito!" my mom exclaimed while my dad was getting the bags from her hands

"Ako na mag bitbit niyan, Hon." sambit ni Papa at saka naunang maglakad

Lumapit sa akin si Mama at kinalabit ako. "Nakahiwalay ka sa amin ha." pagpapaalala nito.

Natawa naman ako bago tumango. "Opo, Ma." 

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng resort at hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda nito. Kitang kita ko ang mga nagtataasang puno ng niyog at napakaaliwalas sa mata ang puti ang brown na kulay ng mga gamit.


"Doon daw kayo sa malaking bahay na iyon." Tinuro ni Mama ang two-storey house na tila mansion na sa lawak. 

Mayroong mga nakahilerang nipa hut sa magkabilang gilid ng tulay na nakatayo sa dagat at sa dulo nito ay ang sinasabing mansion kung saan tutuloy ang mga bridesmaid at groomsmen. Sumaglit lamang ako sa tutuluyan nila Mama at Papa ngayong gabi para makita ang kabuuan nito. Mukhang simple sa labas ang hut pero pag pumasok ka sa loob ay mayroon itong touch of modern interior design at sa deck nito ay mayroong swimming pool, sa gilid ay hagdan pababa sa dagat. 

"Wow, hindi ko inaasahan ang ganitong style." puna ko habang nililibot ang tingin sa paligid.


"Ang laki siguro ng gastos nila Kian dito ano?" umupo si Mama sa kama habang si Papa naman ay chinecheck ang ref.

"Oo naman. Para sa ganito kaganda at kalaking resort? Talagang pinaghandaan ng mga ito ang kasal." pagsang ayon ni Papa

Si Kian at Shane ang ikakasal bukas. Inaanak ni Mama sa binyag si Shane at bestfriend nito ang mommy niya kaya nandito kami ngayon. Hindi naman talaga ako dapat kabilang sa bridesmaid pero wala ng iba pang maisip si Shane na kukunin kaya naisipan nito sa ako na lang tutal kinakapatid naman daw niya ako. Nakakalaro ko naman ito noong bata pa ako pero dahil na rin sa agwat ng edad namin saglit lamang kami nagkasama. 


"Nga pala, hindi pa rin ba kayo nagpapansinan ni Amara?" tanong ni Mama

Napabuntong hininga na lamang ako nang marinig ang tanong niya sa akin. "Ma, hindi lang talaga kami naguusap pero okay kami." it was a lie. I don't know her reason but I always feel uneasy whenever she's around.

Pinsan ko ito sa side ni Papa. At hindi ko rin alam kung bakit parang may galit ito sa akin tuwing nagkikita kami sa mga family gatherings. Sinubukan ko itong kausapin noon pero sinabi lamang nito na hindi niya gusto ang aura ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang turing niya sa akin at grabe kung makairap sa akin pag nagtatama ang mga mata namin.

Nasanay na lang din ako sa kinikilos nito at hindi na sinubukan pang makipag-ayos. Ako na lang din ang umiiwas sa kanya dahil pakiramdam ko laging may nagmamasid sa akin kapag nasa iisang lugar kami.


"Ikaw naman, Hon. Ganyan talaga biruin mo limang taon ang pagitan nila at bihira lang sila magkita noon kaya hindi sila close ngayon." puna ni Papa

The Man in My Dream (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon