Prologue

2 0 0
                                    

Napalunok nalang ako sa takam ng mga kinakain ng tao dito sa tapat ng restawran na tinatambayan ko. Ang swerte naman ng batang ito sarap na sarap sa kinakain na manok at ice cream. Mukhang ang saya saya niya pa sa pamilya na kasama niya. Nalipat ang tingin ko sa katabi nitong babae.

Maganda ang babaeng kasama nito, makinis, mukhang malinis at mukhang mapera. Kelan kaya ako yayaman? Sa pangalawang pag kakataon ay nalipat ang tingin ko sa bata. Nalipat din ang tingin ko sa lalaking katabi nito.Gwapo ang lalaking kasama nito, marahil ay tatay niya ang kasama. Nagulat na lamang ako ng tignan ako ng lalaki maya maya ay bigla nalamang sumama ang tingin nito sa akin. Napayuko nalang ako.

Pinili ko nalamang umalis sa harapan nila at umupo sa may nakaumbok na bato sa tapat nila. Mabuti nalang at wala pang kotseng naka park dito. Siguro ay okay na ito. Mas malayo sa kanila kahit naman papano ay hindi na siguro nila ito mamasamain hindi ba?

Napatingin ako sa labas ng pintuan ng restawran na ito. Marahil ay isa itong sikat na kainan ang dami kasing tao sa loob karamihan ay puro pamilya, may mga kasamang bata ang iba naman ay mag kakaibigan. Minsan ay may pumapasok dito na siya lamang mag isa. Siguro katulad ko ay mag isa siya sa buhay.

Sa labas nitong restawran ay makikita ang isang lalaki na may hawak na kahoy, may sumbrero ito na kulay asul, ang damit niya ay puti at ang suot niyang pambaba ay kulay asul din. Naka sapatos ito ng balat at makintab. Nang tignan ko muli ang damit niya at mayroon itong mga ginto.

'Totoo kaya yun?' Tanong ko sa sarili ko.

Nakangiti tong mama na nag babantay sa labas ng pintuan para siya yung katabi niyang malaking estatwa na kulay pula, dilaw at puti. Malaki ang ngiti nito, may suot din na sumbrero ngunit ito ay kulay puti, mataba rin tila masayang masaya siya sa pag papaunlak ng mga taong dumarating.

Napanghalumbaba nalamang ako. Nagugutom na ko. Bat ba kasi naisipan kong tumigil dito. Ahh. Naakit nga pala ako sa bangong taglay nitong restawran.

Pauwi na ako galing sa mag hapong pangangalakal ng basura nang padaan ako sa lugar na ito. Mayroon naman akong kinitang singkwenta pesos kailangan ko pa ito mapag kasya hanggang bukas ng hapon.

Ano kayang kakainin ko ngayong araw? Siguro ay okay na yung itlog at kanin. May kaunti pa naman akong bigas na natitira. Aabot pa para sa isang araw. Mangangalakal na lamang uli ako bukas upang madagdagan ang pera ko.

Nagpasya na kong umuwi ng bahay upang makakain na at mag pahinga.

"Bata bata!" napahinto ako ng may nag tumawag na bata. Ako lang naman kasi ang bata sa lugar na ito maliban nalang sa mga bata sa loob ng restawran.

"Bata hoy sandale" narinig ko na mas malapit na ang boses nito sa akin. Lumingon ako upang siguraduhin na ako ang tinatawag nito.

"Ako ba?" tanong ko habang nakaturo sa sarili ko

"Oo ikaw nga. Oh ito oh" sabay abot ng plastic sa akin.

"Ano yan?" nakataas na kilay na tanong ko at nakatigilid ng bahagya ang aking ulo.

"Pagkain ano pa ba" naka abot parin ang kamay nito sa akin ngunit hindi ko parin kinukuha ang inaabot nito.

"Kunin mo na kaya nangangalay na ko eh"

"Para sakin ba yan?" gulat na tanong ko sabay tingin sa plastic nito. Galing ito dun sa kinakainan nila kanina.

"Oo para sayo. Kunin mo na kaya nangangalay na ko eh. Baka naman ayaw mo sige wag nalang" sabay baba nitong hawak niya at tatalikod na sana sa akin.

"Uy sandale" nataranta naman ako ng mag simula na itong maglakad papalayo

"Akin na!" humarap naman ito.

"Kukunin mo naman pala ang bagal bagal mo pa"

"Salamat bata" sabay taas ko sa hawak nito at ngiti.

Tuluyan nang umalis ang bata at tinignan ko naman kung saan ito papunta. Papunta ito dun sa babaeng maganda at gwapong lalaki na tinitignan ko kanina. May kasama pa itong isang batang maliit at isang babae na nakadamit na buo ng puti. Marahil ay kaya hindi ko nakilala yung bata kanina dahil hindi ko siya nakita.

Tinignan ko naman ang babae na humawak sa batang nag bigay sa akin ng pagkain. Nakangiti ito sa akin kahit na hawak niya ang ang batang lalaki. Marahil ay anak niya ito. Di ko naman sinasadyang napatingin sa lalaking katabi nito. Hindi nakangiti ngunit at seryosong nakatingin sa akin. Masungit kung tumingin.

Hanggang sa tuluyan na silang umalis sakay ng isang kotseng kulay itim. Nag simula narin akong maglakad pauwi galing sa tapat ng rewtawran. Ayos! May hapunan na ko! 


Pagdating ko sa bahay ay agad akong umupo sa lapag. Binuksan ang plastic at ang karton sa loob nito. Mayroon itong isang manok at kanin. Binuksan ko ang isa pang kahon na kasama nito. Mayroon naman itong isang mahahabang pagkain ay sa ibabaw nito ay may kulay pulang sarsa. Parang buhok na kulay puti ang mahahabang pag kain. Binuksan ko ulit ang isa pang plastic. Dalawa kasi ang binigay nito. Ang isa ay may isang baso na nag lalaman ng isang inumin tapos ay mayroon itong nakabalot na isang pagkain at isang mahahabang kulay dilaw na pagkain. Kumuha ako ng isa at tinikman ito. Lasang patatas.

Inumpisahan ko nang lantakan ang manok at kanin. Ang swerte ko! Ang sarap ng hapunan ko! Pagkatapos kong kumain ay itinabi ko narin ang pagkain na may balot. Kinain ko narin yung lasang patatas naisip ko kasi na hindi ito masarap pag malamig na.

Niligpit ko na ang pinag kainin ko. Nilagay ko sa lababo yung kutsara't tinidor na nagamit ko. Maari ko pa kasi itong gamitin sa susunod kong kain. Sinara ko narin ang pintuan gamit isang plastic na panali. Yung pagkain naman na natira ay nilagay ko nalamang ito sa isang kahon kung san nakalagay ang mga damit ko.

Kinuha ko narin ang isang malaking kumot at inilatag sa sahig. Nagdasal muna ako bago humiga.

Panginoon salamat po sa masarap na pagkain ngayon araw. Salamat rin po sa biyayang natanggap ko na. Hanggang sa mga susunod po na araw.

Tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko at mahimbing na natulog. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thru Ups and DownsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon