LIANE'S POV
Nang makita kong bumagsak ang lalaki ay sinulyapan ko ang sumuntok
'Sina k-kyle?oo at hawak ako ni kyle habang sinusuntok nina Drei at Ace yung lalaki'
Tinayo at hinawakan nila ito ng biglang lumabas si Ash sa cr
"Anong nangyari?"naguguluhang tanong ni Ash
"Eto kasing hinayupak na to bastos e"paninimula ni Ace
"Actually kanina pa namin kayo nakita sa arcades naggagala din kasi kami e nagyakag tong si kyle sa cr tapos nakita namin tong hay*p na to na binabastos si Liane"pagkukwento ni naman ni Drei
'coincidence ba to?'
"Panong hindi mamanyakin yan e ganyan ang suot?"sabat naman noong lalaki
Biglang lumapit si Ash sa kanya at hindi na kapagpigil sinampal nya ito ng malakas
"Masama bang magsuot kami ng ganito?ha!kalayaan naming mga babae ang magsuot ng gusto namin at yung komportable kami,kayo 'tong may mali e kasi kung manyak ka manyak ka kahit ano pang suot naming mga babae!manyak!galit na sabi pa ni Ash
"dalhin lang namin 'to ni Ace sa security"sabi ni Drei at styaka umalis
"Babalik kami mamaya,pre dito ka na muna samahan mo sina Liane"pagdugtong ni Ace at styaka sumunod kay Ace
Nang makaalis sila ay nilapitan ako ni Ash para tanungin kung ayos lang daw ba ako o kung gusto ko bang magreport sa mga pulis.
"Hindi na,okay naman ako styaka dadalhin na naman sya sa mga security"
Naramdaman ko ang pagbitaw ni Kyle sa braso ko kaya naman napatingin ako sa kanya
Hinubad nya ang kanyang jacket at ibinigay sa akin habang seryoso ang kaniyang mukha
"Nako hindi na ok na ako"nakangiting sabi ko sa kanya
"Isuot mo malamig pati dito"seryosong utos nya
Kinuha ko ang iyon at tinulungan nya akong isuot ito sa akin
"S-salamat"sabi ko
Pero hindi na nya ako sinagot pa at nagpalinga linga kung saan
'Napaka sungit talaga'
Nagtungo kami kung nasaan ang aming mga kaibigan,naglalaro parin sila at marami ng hawak na tickets
"Bakit ang tagal nyo?"nilingon kami ni Gwen
"May hay*p pa kasi akong sinampal at pinatapon mga bebss"si Ash na ang sumagot
Nabigla naman ang mga ito at styaka lumingon sa amin ni Kyle napapatitig sila dito at saka tumingin sa akin ng may nang aasar na tingin.
"Ahh ano kasi nakasalubong namin sina K-kyle tapos...a-ano nag ccr lang sina Ace papunta din daw sila dito kaya nauna s-si Kyle"pagpapaliwanag ko
Nagpunta naman si Ash sa kanila para makipaglaro ng lingunin ko si Kyle
"Gusto mo b-bang maglaro?"nahihiyang tanong ko
Lumingon sya sakin at tumango sabay nagtungo sa mga machine na may lamang mga teddy bear yun bang nag huhulog ng coins tapos ikaw ang mag cocontrol dun sa kamay na bakal ayy basta yun yon AHAHAHAHAHAH
Sumunod naman ako sa kanya nakita ko syang kumuha ng pera upang magpapalit ng coins nagprisinta ako na magpapalit ng coins pumayag naman sya at binigay ko sa kanya pagbalik ko
Nakita kong pumunta din sa gawi namin sina Gwen at nakangisi habang palihim na kinikilig ang mga gaga
Maraming beses na sumablay si Kyle sa pagkuha pero hindi naman sya sumuko
'Ehe pereng eke leng seyo,di paden ako nasuko ehe'
Nang maghulog sya ng huling coin na hawak nya ginala gala muna nya yung bakal na kamay at styaka pinindot ang botton para makakuha
At yeyyy nakakuha sya,nakuha nya yung pinaka malaki na kulay pink at may hawak na heart sa gitna may nakasulat na 'iloveyou'
Nabigla ako ng ibigay nya sa akin yon at kinig na kinig ko ang mga malalanding tawa ng mga kaibigan ko sa likuran
"P-para s-sakin?"nangangatog na tanong ko
"oum..ayaw mo ba?wala akong pagbibigyan nyan wala naman akong kapatid na babae"sagot nya sabay nag iwas ng tingin sa akin
Kinuha ko naman ito ng kunwari ay seryoso ang mukha pero deep inside kinikilig talaga ako WAHAHAHAHA
"S-salamat"sabi ko
"Ayyy anlaki naman ng teddy bear na yan"biglang sulpot nina Ace
"Awitt duma da moves ka na pre?pang aasar ni Drei
"Tara na may bibilhin pa ako"Kyle
"Ay talaga ba?ambilis naman di pa kami nakakapaglaro ni Ace ikukuha nya den ako ng malaking teddy bear,diba myloves Ace"sabay yakap nito kay Ace
"Nababakla ka na ba ha!tumabi ka nga jan,iwanan na natin yan kyle natatanga na yan"iritang sabi ni Ace
Tumawa namin kami dahil sa paraan ng pagbibiruan nila
Nagpaalam na nga sila na may bibilhin pa kaya umuna na sila"Ako'y kinikilig pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig ohhh aking iniirog na Kyle~"pagkanta ni Xine
"Awittt sanaol ano?isang malaking sanaol Liane!pang aasar naman ni Gwen
"Kilig naman yang kaloob-looban mo gaga kitang kita sa mukha mo HHAHAHAHA"si Ash habang pinagmamasdan nga ang mukha ko
'Namula ba ako?kasi naman nakakakilig kahit walang meaning para sa kanya:("
To be continued
-------------------------------------------------------------Hope you like it:)
Don't forget to vote hihi,keepsafe!!-y♡
YOU ARE READING
I'm Addicted To You
RandomPaano kung kahit gaano nyo kamahal ang isa't-isa mayroon talagang darating na malaking problema its either lalaban kayo o susuko na.LOVE CAN WAIT 'till pede na uli kayo at kaya nyo ng ipaglaban ang isa't-isa. -y♡