Chapter 1

45 2 0
                                    

Madaling araw na at may babaeng pababa sa Maynila. Huminto muna siya sa lugar na kitang kita ang mailaw na siyudad na kasing linaw ng mga bituin sa langit. Ngumiti ang magandang dilag habang pinagmamasdan ang paligid. Nakatayo at nakasandal sa kanyang kotse, ramdam niya ang malamig na hangin. Inayos niya angkanyang salamin at tinignan ang orasan sa cellphone. "Pabalik na ako." Bulong nya sa hangin na parang tatangayin ito papunta sa dapat na makarinig. 


Pumasok na siya ulit sa kanyang kotse at nagsimula nang magmaneho. Binuksan niya ang radio at sumabay siya sa pagkanta. "How often have I been there well it really doesn't matter as long as we're together" kanta niya pa. "Wait for me Pat"

------



"Pat! Huy" tawag ni Poch habang hawak hawak ang kaniyang gitara. Nakatingin din ang ibang kasama nila kay Pat.

"Ay sorry, ulit ulit guys" sabi ni Pat ng mawala sa pagkatulala niya.

"Nako may iniisip" pangasar ni Andrew.

"Obvious naman kung sino iniisip niyan" tawa pa ni jam "mukha kang timang nakatulala lang patrica mae"

"bwisit ka jam ewan ko sayo" umirap lang si pat kay jam

Nagtawanan silang lahat. Nasa bahay sila ngayon nila Miguel at Pao, nagjajamming. Madalas nila itong gawin lalo na pag may free time silang lahat. Gumagawa din sila ng kanta at tumutugtog sa mga bar. Minsan tumutugtog din sa mga events at bookings. Hindi pa naman sila ganong kilala sa larangan ng musika pero masaya sila sa ginagawa nila. Ngayon, jamming at inuman lang sila.

"sige guys hayaan na muna natin mag munimuni si Pat inom inom muna tayo" sabi ni Miguel at nilapag ang kaniyang gitara. Sumunod naman ang iba at umupo sa kaniya-kaniyang pwesto. Nag inuman sila at kuwentuhan.

"Kamusta naman ang lovelife ng loverboy" inakbayan ni Miguel si Andrew.

"Going strong yieee"

"Ayownn sana ol may lovelife" sabi ni Toni

"Sana ol ka dyan eh you have one din naman" pang asar ni keifer

"True, ang wala lang naming lovelife right now is smol pat here" tumawa si poch ng malakas. Sinamaan naman ng tingin ni pat si poch. "Aba loko to ah"

"Oh iinom mo na lang yan" Nilagyan ni pao ng beer ung baso ni pat at pinuno ito.

"Grabe Pao baka hindi ako makauwi neto" ininom din naman ni pat at nagpatuloy silang magtawanan at kwentuhan. Inom lang ng inom si Pat at napatulala nanaman siya. Hindi naman siya araw araw nag papakadown pero sadyang tinamaan lang siya ng lungkot ngayong gabi at naalala ang nakaraan niya kasama si Agnes.

"Agnes! Look oh ang cuteee" pinakita ko kay Agnes ang hawak ko we bare bears na stuff toy at tuwang tuwa na tinignan ko ang partner ko. Tumawa siya. "Mas cute ka tho" nagulat naman ako sa bigla niyang banat at namula. "Oh kitam ang cute" tawa pa ni Agnes at pinisil cheeks ko. "Luh para kang sira tumigil ka nga sa banat mo ha" tinawanan niya lang ako, ako naman inirapan siya kahit ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sakanya. Ang ganda ng tawa niya, ng ngiti niya, ng mga mata niyang nakatingin sakin. Ngumiti ako at nginitian niya ako pabalik. "Magkano ba yan? Lika bilhin natin ang cute cute eh parang ikaw." "ewan ko sayo baliw" tumatawa siyang hinila ako pa cashier at binayaran naming ang we bare bears na stuff toys.

Pumunta kami sa sinehan at nanuod ng Frozen 2. Inayos ko ang popcorn sa gitna namin para makakuha din si Agnes. Tinanggal niya ang arm rest sa pagitan namin at hinawakan kamay ko. Napatingin naman ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. Naramdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ba kasi ang lambot ng kamay niya tsk. "what??" tanong niya sakin at napatawa "Ayaw mo ba?" halatang nangaasar pa. Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kamay niya "Hindi noh" ngumiti naman siya at umayos na kami ng upo at nagfocus sa pinapanuo.

Pagkatapos sa sinehan, papunta naman kami sa isang restaurant para kumain. Magkahawak parin ang mga kamay namin habang naglalakad at nagkukwentuhan. Tuwang tuwa kong pinagmamasdan kamay namin. "Kilig ka naman" Sabi ni Agnes

"Luh. Kilig mo mukha mo" inirapan ko siya, tawa naman tong mapangasar na to

"Ay ganon hindi ka pala kinikilig sakin" nag sad face pa si Agnes at akmang tatanggalin ang kamay niya. Hinigpitan ko lang ulit hawak ko "Wag ka ngang pacute dyan syempre kinikilig ako duh"

"Weh?? Talaga ba?" ngiting tagumpay si ate niyo Agnes. Ugh kainis. Ang ganda niya lalo na pag nakangiti. Please, keep smiling Agnes.

"Oo nga lika na gutom na ako" bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Nagulat naman ako at namula ng malala. Shit ano ba bat ka ganyan. Nakangiti lang siya sakin.


"So sino maghahatid kay madam pat? Tulog na oh" sabi ni Toni

"Dito na lang kaya kayo matulog lahat?" pagprisinta naman ni Pao sakanila at mabilis silang sumangayon.

"Sure, kami na bahala kay patricia mae" sabi ni Jam at kaniya kaniya silang linis at pagaayos. Tinulungan naman ni Jam at Toni na humiga ng maayos si pat sa sofa at kinumutan din nila. Lahat sila natulog na pagkatapos.

Just Like a Splendid Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon