Patricia's POV
Nagising ako nang sumasakit ang ulo. Pagdilat ko ng mata nakita kong nasa bahay parin ako nila Miguel at Pao. Omygahd? Bat dito ako natulog napaupo naman ako.
"Oh Pat's awake, good morning" sabi ni Poch galing sa dining pa punta sa living room kung nasaan ako. Nilingon ko naman siya. "What?"
"Anong what ka dyan, bangon na huy" sabi naman ni jam at tumabi sakin habang may hawak na kape.
"Nag sleepover pala tayo?"
"Ay hindi, we just got here nga lang eh" sarkastikong sabi ni Poch at tumawa naman si Jam. Umirap lang ako at pumunta sa CR para mag ayos. Ugh sakit talaga ng ulo ko hays. After maghilamos at mumog lumabas na ako at nakita ang buong tropa sa living room.
"Uy Pat kain ka na meron food sa dining" Sabi ni Pao.
"Thanks guys" ngitian ko sila. Buti na lang talaga may mga kaibigan ako katulad nila. Kasama ko sila kaya kahit paano hindi ako nalulungkot masyado. Inalagaan nila ako nung mga panahong lugmok talaga ako. Sobrang down ko kasi talaga after niyang umalis. Para akong naghost pero hindi rin naghost kasi naman after ng "I'm sorry I need to think please, wait for me" biglang nawala. Wala na ung ibang gamit niya sa condo, buti nga ung 'ibang gamit' lang iyon at hindi lahat kasi iisipin ko talagang lumayas na siya. Labing isang buwan na nakalipas simula non. Labing isang buwan na akong naghihintay. Mag iisang taon na pala, hindi ko na namalayan. Kaya ko naman, kaya kong mag hintay sakanya pero kasi wala akong kasiguraduhang babalik siya eh. Hindi ko nga rin alam kung saan siya nagpunta, may hinala akong nasa bahay siya ng pamilya niya sa Baguio pero hindi ko pa nacoconfirm. Hindi ko rin naman siya matawagan kasi hindi niya sinasagot kaya tinetext ko na lang siya kapag namimiss ko siya pero halos tatlong buwan ko na rin siya hindi tinetext baka kasi nakukulitan na siya sakin, ayaw ko rin naman siyang pilitin.
Ano kaya ginagawa niya ngayon....
Nakakain na ako at pumunta na sa living room para kunin ang gamit. Sabay sabay na rin kaming umalis nila Jam at umuwi na. Nasa condo na ako at agad naligo. Umupo ako sa sofa namin, wow 'namin' parin ha napailing ako sa sarili ko. Nag phone na lang at binuksan ang twitter. Nakita ko namang nag tweet si Jam.
'Oh My God. She's back!'
10:23 am
Nagtaka naman ako, sino kaya to? Bigla ko namang naisip si Agnes shit, sana siya ung tinutukoy ni jam, please.
Agnes's POV
Nasa coffee shop ako ngayon nagiisip kung ano gagawin ko kasi naman kabadong kabado ako. Hindi ko alam kung dederetso ako sa condo namin or what. May dala akong flowers and chocolates para kay Pat. May cute na stuff toy din akong binili tsaka isa pang regalo na naka box. Ilang buwan ko rin to pinagisipan, halos isang taon na nga.
Sana hindi pa ako huli.
Ilang buwan ako nagisip kung ano ba talaga nararamdaman ko, kung ano ba talaga gusto ko. Gulong gulo pa ako non, sobrang natakot ako sa mga nangyayari. Natakot ako na baka mawala sakin si Pat, baka may magbago saming dalawa, sobrang naduwag talaga ako at hindi ko pinagmamalaki yon pero nandito na ako pagkatapos ng maraming buwan ng pagkaduwag at pagiisip, pabalik na ako.
Kaso ito nanaman, kaya ako nasa coffee shop ngayon kasi naduduwag nanaman ako. Sabi nga ng kapatid ko para daw akong pagong eh. Hindi ko naman siya masisi, natagalan din ako sa Baguio. Marami din naman akong inasikaso hindi lang sarili ko, pati ung business namin don inaayos ko, tumutulong kay Mama at sa mga kapatid ko.
Natigil ang pagmumuni ko nang may biglang tumawag sakin. "Agnes?!"
"Jam? Omygahd Jam namiss kita" tumayo ako at niyakap si Jam, niyakap naman niya ako pabalik.
"Loko! Since when ka pa nandito?" sabi niya at binatukan din ako
"Aray ha!"
"Ay sorry sorry. Kasi naman! Kelan ka pa dumating? Alam ba ni Pat? Sino kasama mo?"
"Gahd Jam wait hinay lang naman ang dami mong tanong"
"Can't blame me! Nagulat ako nakita kita dito, ororder lang sana ako ng coffee para makauwi na tas napansin kong may kamukha ka and ikaw pala yon!"
"Oh? Pauwi ka pa lang? San ka naman galing? ayan ah, kayo parin ba ni ano?"
"Luh, oo kami parin tsaka galing ako kela Miguel at Pao. Nagjamming buong tropa don, speaking of, namimis ka nanamin makajam! ikaw kasi bigla biglang umaalis wala man lang paalam"
Nalungkot ako sa sinabi ni jam. Totoo naman sinabi niya, kasalanan ko rin naman kasi umalis ako bigla. Nagsisisi akong ginawa ko un, mas lalo akong nagsisisi kasi hindi ko sinasagot si Pat pero kailangan ko yon eh, para sa sarili ko rin. Kailangan ko lang talaga mapagisa non.
"Sorry Jam babawi ako promise" ngitian naman niya ako.
"Okay lang, kung ano man rason mo kung bat ka umalis maiintindihan namin lalo na ni Pat. Siya pa ba, mahal na mahal ka non eh" napangiti ako sa narinig ko
"Talaga ba? Hindi pa ba ako huli?" umakbay naman sakin si Jam
"Naman noh! Naghihintay parin siya sayo kaya wag ka na ulit umalis. Grab her na!" tumawa na lang ako.
"Dahil diyan libre mo naman akong coffee"
"Sure sagot ko na, takeout lang ah kasi papunta na ako kay Pat eh. I can't wait" napangiti ako ng malaki nang maisip kong pabalik na ako kay Pat.
"Yes naman, the ship will finally sail" tumawa lang kami at nilibre ko na siya ng coffee niya. Nagkwentuhan saglit habang hinahantay ung order at umalis na rin si Jam pagkakuha ng coffee. Pumunta na rin ako sa kotse ko at nag ayos ng sarili.
Eto na Pat nandyan na ako.
Third person's POV
Nagdrive na si Agnes papunta sa condo nilang iniwan niya ng labing isang buwan. Kinakabahan siya na naeexcite kasi sa wakas makikita niya na ulit si Pat. Masasabi niya na rin na mahal niya siya pagkatapos ng mahabang panahon. Dahil napatgal ang pagkumpirma niya sa nararamdaman niya, hindi na sasayangin ni Agnes ang panahon na maging sila na ni Pat atsaka nabuhayan din siya ng loob nang malaman niya ang sinabi ni Jam kanina. Hinihintay parin siya ni Pat kaya kailangan na niya bilisan.
Pagkapark niya ay agad na siyang bumaba at kinuha ang mga gamit at regalo niya kay Pat. Pumasok na siya pero dumaan muna sa guard kasi ang tagal niya rin nawala nag iba na ung mga guard sa condo nila at chineck pa kung doon ba talaga siya nakatira. Nang malaman na resident nga si Agnes pinaakyat na rin siya. Nasa elevator na siya ngayon at hindi mapakali.
"Shit ito na." bulong niya sa sarili habang hinahantay makababa sa elevator. Nang nasa floor na nila agad na lumabas ng elevator si Agnes.
Nasa harap na suya ng pintuan nila. Nakatayo lang sya habang nagiisip ng sasabihin.
"Okay Agnes, ilang buwan mo to prinaktis"
"Fuck anong sasabihin ko"
"Hindi okay lang yan, ngingitian ka non tas alam mo na gagawin mo self kaya yan bawal na maduwag"
Tumango tango si Agnes sa sarili niya. Inangat na niya ang kamay niya akmang kakatok na.
BINABASA MO ANG
Just Like a Splendid Love Song
FanficLove story nila Pat at Agnes --- Gusto ko lang gumawa ng fanfic kasi sobrang fan ako ng patnes. Inspired sa ridehome by ben&ben ung pov ni agnes sa chap one. Enjoy kayo kung sino man makabasa neto :)