A great story comes into a great author.
Errors ahead.
–––––––––––—
Cindy's POVKringggggg!!!!
"Hayyy ano ba yan!" pinatay ko muna ang cellphone ko at bumangon na.
First day of school, panibagong taon at panibagong pangyayari na naman sa buhay ko.
Di pa nga pala ako nagpapakilala I'm Cindy Gale Tuazon Rivera, 17 years of age uhmm ano pa ba? Grade 11 pa lang ako actually kalilipat lang namin dito sa bagong bahay namin kaya ayon. Simple lang buhay namin pera lang ang problema pero masaya parin kami only child lang ako kaya gusto ko yung mga bata nagaaral ako sa isang academy ay lintik! Nakalimutan ko maliligo pa pala ako! nakakainis!
Ginawa ko na ang dapat gawin nagligpit, nagligo at nagayos na simple lang ayos ko tinatali ko lang ang mahaba kong buhok at hinayaan ko lang ang mga baby hair ko sa side para cute.
"Cindy! Kumain kana baka malate ka!" Sigaw ni mama
"Opo!" Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.
Pagkababa ko nakita ko si papa na nakupo sa kanyang upuan at si mama naman ay nilalapag ang mga pinggan. Sakto lang ang laki nang aming bahay kaya kasya na kaming tatlo. Umupo nako sa tabi ni mama at nagsimula ng kumain.
"Magingat ka sa bago mong paaralan Cindy" sabi ni papa
"Oo naman papa ako pa" at ngumiti habang ngumunguya pa ngumiti rin pabalik sakin si papa. Ang trabaho ni papa ay isang construction worker at si mama naman ay housewife napunta lang kami dito dahil napalayas kami sa dati naming tinitirahan dahil sa utang kaya nagpasya na lumipat na lang kami dahil puro kuda na lang ang may ari patungkol samin.
Natapos akong kumain ay nagsuot na ko ng sapatos, tingin sa salamin sabay kindat natawa na lang ako sa sariling gawaain.
"Ma! Aalis na po ako!" Paalam ko kay mama
"Ingat ka anak titingin sa dinadaanan baka madapa ka" biro ni mama
Tumawa na lang ako at nagpaalam na, maglalakad lang ako papunta sa eskwelahan kaya heto ako ngayon naglalakad exercise na rin to noh.
Papasok ako sa aking paaralan at namangha na lamang dahil kalinisan at kagandahan nito hayy di parin ako makapaniwala nasa pangmayaman na paaralan talaga ako. Scholar ako dito sa paaralan kaya ganun na lang ako kamangha sa mga estraktura sa paligid at ang nakasulat sa tuktok ng main building ay talagang napakaganda " Sprouse Academy" ang nakalagay nakakamangha!.
YOU ARE READING
Me ft. You
RomanceSimpleng babae lang si Cindy hindi mahirap hindi mayaman sakto lang maganda, matalino, at mabait ngunit ang normal nyang buhay ay naistorbo ng isang lalaki na walang kupas ang kasungitan at kayabangan na nangangalang Gino. When destiny put them to...