CHAPTER 14

236 11 0
                                    

(Vincent)

Kahit si daddy at mommy Nagulat din sa balita.Nilabas ni mommy ang mga lumang album.
Talagang hindi maikakaila ang mukha ng bata sa tv.at ang mukha ko sa album.

"Aba gumawa kana ng aksiyon Vincent.Kailangan kong makilala ang apo ko." Si daddy.

"Apo ko din" si mommy.

Apo talaga?
"Wag po kayo mag-alal gagawa ako ng paraan.

" Sir wala po kayong appointment" sabi ng sekretay niya.

"I don't need an appointment.He is my son!"
Parang namutla ang sekretarya.
Naiinis na kasi ako.

"Sir pasinsya na po.Nasa meeting pa po si sir Vince."

"Okay!maghihintay ako". Sabi ko.
Despirado na ako.Dito kolang sya pwede puntahan kahit kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya.

Nangalay na ang pang-upo ko.
Kanina pa ako dito.Hindi pa ba tapos ang meeting?
Tayo at upo ang ginawa ko.

Nakita kona rin sya.Sa wakas makakausap kona.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Titig na titig ako sa kanya.
Habang parang wala itong nakikita.Dinaanan lang ako.
Napakaseryoso ang batang ito.
Nakita kolang syang tumawa noong kasama niya ang mommy nya.

" Ahm..!Sir.Busy daw po si sir Vince.Marami pa syang ginagawa.Bumalik nalang po kayo sa ibang araw."

"Hindi pwede.Ngayon ko sya kailangang kausapin"  pilit ko.
Wala ng panahon.Tinabig ko ang babae na nakaharang at pumasok ako.Hinabol nya ako pero na loob na ako.

"Sir Vince nagpumilit po syang pumasok!" Halatang nanginginig ang boses ng babae sa harap ng sir nya.

"Okay sige.Iwan mo mona kami dito." Utos nito na hindi manlang ako tinapunan ng tingin.Pati ako nanginginig sa harap nya.

"Why are you here! Mr.Zamora?"
Pumakla yata ang laway ko.Daddy ang dapat mong itawag.

"Let's just talk for a moment?"
Titig na titig ako sa mukha nya.Samantalang abala sya sa mga papeles.Ni hindi ako magawang sulyapan.Ano ba naman ito.

"Nag-uusap na tayo.Mr. Zamora."
Pakla talaga.

"Pwede ba sa tahimik na lugar?Yong tayo lang! Yong makakapag-usap tayo ng maayos."
Doon sya umangat ng ulo.Hay salamat! Sinulyapan din nya ako.

Bumuntong-hininga sya.

"Tungkol ba saan? My time is important! Hindi ako basta-basta nakikipag-usap kung walang involve sa negosyo."
Grabi ha!Ano ang pinakain dito ni Nicoline at lumaki itong ganito ka-istrikto sa buhay.

"About your mom..and..you..at sa akin". Shit! Nauutal ako sa harap ng anak ko.

Huminga ulit ng malalim.
Tiningnan ako.Ganun din ako sa kanya.Mata sa mata.Lalaki sa lalaki.Ama at anak.

Bumaba ang tingin nya sa mga paperworks.Pero sinisinop na nya ito.May tinawagan sya sa celfone.

" Hintayin mo nalang ako sa labas Mr.Zamora."

Tumango ako at lumabas.
Nasalubong ko pa ang sekretary nya.Ito siguro ang tinawagan niya.Baka may ibibilin.

Hindi rin nagtagal at lumabas na sya. Sabay kaming pumasok ng elevator. Naghiwalay kami sa parking lot.Sinabi nya ang address kung saan kami pwedeng magkita.

Isang magandang hotel ito.Halata na sya ang may-ari dahil sa pagbati ng mga empleyado sa kanya.
Sa rooftop kami.Maganda ang mga halaman dito sa rooftop.Kita  ang mga building sa palibot.Ang dagat.Napakatahimik.Tamang-tama ang lugar para sa aming dalawa.
Narinig kong nagpapaakyat siya ng pagkain at alak.
Not bad.

"Ano ba ang impotanteng sasabihin mo sa akin...Yong pagiging walang kwenta mong tao?" Bungad nya agad habang papaupo sya.
Nagtaka ako sa tinuran nya.
May alam pala sya. Walang kwenta ba ang pagpapakilala sa akin ni Nicoline?

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.Pampalakas loob.

"Hindi lang kami nagkaintindihan ng mommy mo.Bigla kasi syang umalis."

"Ano pa bang paliwanag ang dapat nyang marinig bukod sa panloloko mo?"
Napalunok ako.Napapaharap yata ako sa matinding tanungan.

"I love her son!
I love your mom!"

Ngumisi sya.
Dumating narin ang inorder nyang mga pagkain.Wait!Mga paborito ko ang mga pagkain.
Sinabi ba ng mommy nya?O nagkataon lang?o kaya'y paborito din nya?.Alin man ang tamang sagot.Alam ko lang natatakam na ako.

"Mayaman ka na noon.Bakit dimo hinahap?pinahanap? Kayang-kaya mong gawin iyon."
Kahit masarap ang pagkain.Pakiramdam ko diko rin malunok sa mga mapagparusa nyang tanong.

"Okay!kakain mona tayo." Bigla nyang sinabi.Natuwa ako.

Pakiramdam ko nga nagutuman ako ng ilang araw.Magana ang pangkain ko ngayon.Siguro dahil naexcite ako dahil kasama ko ang anak ko.

Sinagot ko ang tanong nya pagkatapos naming kumain.
Sinabi ko na hinanap ko.Pero hindi ko makuha ang address nila sa states.
Ipinaliwanag ko narin ang lahat lahat.Malinaw na sa kanya na hindi ko niloko ang mommy nya.
Masaya ako sa takbo ng pag-uusap namin.Sa isang iglap nabawasan ng isang tinik ang aking lalamunan.Ang mommy nalang nya ang problema ko.

"May family dinner bukas son!
Sana maka-attend kayo ng mommy mo."

"Hindi mo sya pwedeng biglain! Sa laki ng galit sayo non.Baka pati ako pigilan nya sa pakikipaglapit sayo."

Tama sya.At ayoko namang mangyari yon.

Napaluha ako ng sya mismo ang yumakap sa akin.Grabi ang laki na nya.Sayang at diko manlang sya nahawakan noong baby pa.Sana ako ang sumasayaw para patulugin sya.Sana ako ang nagpapalit ng diaper nya.Or kahit ang magtimpla ng gatas nya.Tapos ako ang naghahatid sa school nya.Tapos kaming dalawang mommy nya ang umaakyat ng stage sa graduation nya.Kasama ako sa mga activities na sinasalihan.Sa lahat ng masasaya at malungkot na panahon nya.
May naging girlfriend na kaya ito?Kung meron man ako ang una nyang sasabihan.Pero wala na.Naipagkait na sa akin ng panahon.

"Hindi pa huli ang lahat". Sabi sa akin habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
Nahulaan yata nya ang mga iniisip ko.
" Hindi pa huli ang lahat,dahil magkakaroon pa ako ng kapatid.Doon mo ibuhos ang mga hindi mo nagawa sa akin."dugtong nya.
Lalo yata ako naging bakla sa harap nya.
Natatawa naman sya.

"Thank you son! Sa pagtanggap mo sa akin.Sa pagbibigay mo ng karapatan na maging ama sayo.
I love you son!"

"Ayoko ng maging Zamora.Gusto ko nalang maging Lee forever.Ayoko ng bakla eh!" Biro nya.
Nagtawanan kaming dalawa.
Mas gwapo pala ang anak ko kapag nakatawa.Mana sa ama.

Masaya akong umuwi sa mansion.Sigurado ako na masaya sila sa ibabalita ko.Si Nicoline nalang ang kulang.Mabubuo kona pamilya ko.


The Young MotherWhere stories live. Discover now