My "Pepsi " Love story

35 5 0
                                    

(one shot story)

"Litoooooooooo may bibili"

Alas otso palang ng umaga boses na agad ni inay ang narirnig ko, 'ni hindi pa nga ako nakakapag hilamos o kaya eh kape man lang . Hayss makabangon na nga.

"Ano iyon?" sambit ko sa bumibili nang hindi sumusulyap sa kanyang mukha.

"Pepsi nga, isang malaki"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi rin makagalaw at parang nalunok ko ata ang matalas kong dila. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang boses na iyan. Sumilip ako sa maliit na butas ng aming tindahan upang makita ang mukha sa likod ng mala anghel na boses.

"Kumusta ka Carmelito?"

Isang ngiti ang bumungad sa kanyang labi.

"Ah-eh-o-okay naman ako". Halos mautal utal kong sambit.

"Kailan ka dumating?" sawakas ay nasa katinuan na rin ako.

"Kahapon lang, balak kasi namin na dito mag pasko kaya ito, umuwi kami dito sa probinsiya"

Parang kahapon lang din noong iniwan mo ako nang walang paalam. Ang sabi mo sa akin pangarap mong makapag aral sa Maynila. Kasi doon mo nakikita ang buhay mo.

Naalala ko pa noon, madalas tayong tumambay dito sa tindahan. Magbubukas tayo ng paborito mong Pepsi at sasamahan ng paborito kong Piatos. Halos araw-araw nga akong kumukupit noon ng meryenda natin tuwing hapon pagkatapos ng klase. Mabuti na lang at hindi nahahalata ni inay.

Pitong taon din pala no? Pitong taon kitang minahal. Ayon nga lang at hindi mo alam. Wala eh, torpe pa ako noon. Dinadaan ko lang sa panlilibre ng Pepsi yung totoo kong nararamdaman sayo. Sabi mo kasi sa tuwing umiinom ka ng softdrinks napapawi iyong lungkot mo. Bawal ka nga dito kasi madalas na sumakit iyang tiyan mo, pero lagi mo lang sinasabi iyong salitang masarap talaga ang bawal. Tapos bigla bigla ka nalang iiyak nang hindi ko malaman kung ano ang dahilan.

May pag-asa kaya ako sayo? Ngayon kaya? Puwede ko na bang ipagtapat sayo na----

"Carmelito? Huyyyy! Tulala ka na diyan kanina pa ako nagkwekwento dito.

"Ay pasensiya na. May naalala lang ako". Sabay kamot sa ulo

"Ahhh Sabrina may sasabihin sana ako sa iyo". May kaba sa aking boses.

"Ano iyon?"

"Tatanungin ko lang kung may Boy-

"Sabbbbbbb asan na yung Pepsi na pinapabili nila?"

Isang lalaking na nasa edad apatnapu pataas ang tansya ko ang lumapit sa'yo.

"Ay pasensiya na mahal, napasarap lang ang kwentuhan. Siya nga pala, Si Carmelito kaibigan at kababata ko. Carmelito si Samuel nga pala, mapapangasawa ko."

Nahulog ko ang Pepsi'ng kakukuha ko lang. May tumamang maliit na bubog sa aking kamay sanhi ng pagdurugo nito.

"Hah-ma-may,eh-- ikakasal ka na?"

"Ayos ka lang ba? Ah, Ou. Matagal na kami ni Samuel, Naala mo iyong parati akong umiiyak noon? Siya iyong iniiyakan ko.Hindi ko maikwento sa iyo noon kasi nahihiya ako baka pagtawanan mo lang ako. Nasa Maynila siya noon, isa siyang guro, kaibigan siya ng papa ko. Pero maayos na ang lahat ngayon! Tanggap na kami nila papa. Punta ka sa kasal namin hah? Di bale at susunod na taon pa naman iyon. Aasahan kita Carmelito."

"Ah sige. Ito nga pala yung Pepsi na binibili mo."

"Sige Carmelito. Mauuna na kami." At isang matamis na ngiti ang pinakawalan mo.

Pinulot ko ang mga bubog na nasa sahig. Kasabay nang pag yuko ko ay siya ring pag bagsak ng mga luha ko. Huli na naman pala ako. Siya pala iyon, ang bawal na sinasabi mo. Akala ko kasi iyong Pepsi ang tinutukoy mo. Mali pala ako, dahil iyong tao palang paborito mo.

"Litoooooooooooo pambihira bente singko anyos ka na nakakahulog ka pa ng bote. Naku naman talaga ohhhhh !. Manot mag asawa ka na kasi at bigyan mo na ako ng apo! Hala kunin mo kila aleng bebang iyong order kong COKE. Wala na daw supply ng Pepsi ngayon, hindi na raw kasi masyadong mabenta. Lumarga ka na bilisan mo".

Sabi ko nga lahat nagbabago.

~~~

My "Pepsi"Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon