Nagmamadali ako ngayon, naiwan ko kasi ang envelope ko na naglalaman ng lahat ng files ko para sa papasukan kong university, kaya naman dali dali akong sumakay sa'king motorbike at humarurot.Its already 11:30 sana naman bukas pa ang coffee shop na yun.
At nang nasa highway ako, I saw a group of men na nagkakatuwaan at sa bilis ng takbo ko ang muntik ko nang mahagip ang isa sa mga yun.
Bat kasi sa daan pa nag-aasaran.
Bulong ko na lang sa sarili.Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga kasama nya. kaya naman tumigil ako malapit sa lalaking muntik ko ng masabitan at humingi ng pasensya, Hindi ko na nga natanggal ang helmet ko dahil nagmamadali ako.
Nakatulala lang yung lalaki kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagharurot ng motorbike ko.
May narinig pa akong sumigaw pero diko na lang pinansin dahil mas mahalaga ang pupuntahan ko.
Nang makarating ako sa coffee shop ay malapit na rin itong magsara buti na lang naabutan ko at nakuha ko ang ang aking mahiwagang envelope.
Buti na lang at naitabi ng isa nilang staff.Maraming salamat po at pasensya sa abala.
Ngiting sabi ko sa may-ari ng coffee shop.Nakauwi naman agad ako sa Bahay at sinalubong ng aking Ina.
Ano nakuha mo naman ba?
nag-aalalang tanong ni MamaOpo Ma, buti at naitabi nung staff ng coffee shop.
Sabi ko sabay upo dahil bigla akong nakaramdam ng pagod.Sya magpahinga kana at kakain na tayo mamaya.
Sabi ni mama sabay punta sa kusina para icheck ang niluluto nya.I'm Pia Xyrelle Montecarlos, College student. Employee si papa sa isang company at si mama naman ay may maliit na restaurant. Mayroon akong bunsong kapatid na lalaki Si Jake Isang Elementary student.
Mahaba ang aking buhok, May natural na rossy cheeks, medyo chinitang eyes at small lips. di naman ako ganun kaganda. Okay Lang, pwede na.After magdinner ay natulog na ako dahil maaga pa kaming papasok bukas ng kapatid ko.
Kinabukasan.
Nagmadali ako sa pagligo at pag-aayos saking sarili. alas-otso na kasi pero di manlang ako ginising ni Mama Huehue.
Uminom lang ako ng gatas at kagat-kagat ko ang sandwich habang nag-aayos ng sapatos.
Mama naman e, bat di mo'ko ginising?
Nakasimangot kong sabi, sabay kagat ulit sa sandwich.Dalaga kana Anak, know your responsibility.
Natatawa pang sabi ni mamaInayos ko ang palda ko pagkasampa sa motor ko. nakalugay parin ang aking buhok at pinasok ko na lang ang aking salamin, mamaya ko na susuotin pag nasa school na.
At habang nasa may tapat ako ng traffic light at hinihintay na tumawid ang mga tao, napatingin ako sa kabilang side ko para kasing pamilyar yung kotse. Isa siguro yun sa mga sasakyan nung mga grupo ng lalaki kagabi.
Nagsimula na ulit akong magmotor at nakarating ng ayos sa university.
nasa may parking lot pa lang ako ay may tumitingin na sakin.Tss ngayon lang ba sila nakakitang ng babaeng nagmomotor papuntang university?
Pabulong kong sabi.Kinuha ko ang salamin sa bag at sinuot ito. Di naman malabo ang mata ko, feel ko lang magsalamin ngayon.
Waaaaahh piaaaaa.
Atungal ng kaibigan kong si Annie, Habang tumatakbo papalapit sakin.Wow ha, parang di tayo nagkita kahapon Ah.
Irap ko sabay tawa sa kanya.Feel ko lang magganun, panira ka naman ng moment e.
Nag-iinarteng sabi nya.Wag kang ano dyan agang-aga Annie, Tara na sa AC at baka nagsisimula na sila.
Sabi ko na lang.Sa AC (Activity Center) kasi gaganapin ang Orientation ng CAS Department (College of Arts and Sciences) at ang ibang department naman ay nasa kani-kanilang lugar/office para mag-orient din sa mga freshmen at dati ng estudyante.
bakit ka naman nagsalamin? anong drama yan? HAHAHA
may pagkurot pang sabi nya.At humanap na kami ng aming pwesto na mauupuan.
Mama mo drama, wag ka ngang maingay nag-oorient ang prof. oh
Kunwari kong saway sa kanya para tumahimik na.Ilang sandali pa, napansin ko ngang masyadong nanahimik si Annie kaya naman nilingon ko ito at nakatulala sa Malayo.
Huy yang bibig mo! mapapasukan ng langaw, ano bang tinutunganga mo?
pagbibirong sabi sa kanya.Napatakip bigla ito ng bibig upang pigilan ang pagsigaw dahil sa kakiligan.
OhMyyyyyGhaaad! OhMyyyGhaaaad.
impit nitong tili.Ang gwapo nya talaga.
Sabi nya na kulang na lang ay maghugis puso pa ang mga mata.Tss! kahit kailan ka talaga Annie.
di'ko na lang ito pinansin at nakinig na lang ulit sa prof.Tingnan mo kasi sila pia Oh. Ang gwapo talaga ni Dave lalo na sa Maroon shirt.
Turo nya sa kabilang side ng AC.Wala akong oras dyan sa kalukahan mo Annie.
Sabi ko at hindi manlang sya nilingon.Saglit lang kasi, tingnan mo ayunn Oh. Wiiiihhhh grabe.
at may paghampas pa sya sa braso ko.Kaya naman para tumigil ito sa kakulitan ang lumingon na ako sa kabilang side ng AC. hindi naman mahirap hanapin ang tinuturo nya dahil halos lahat ng estudyante ay nakatingin din sa kanila,
ewan ko nga ba kung may nakikinig pa, ang Iba naman ay pasimpleng kumukuha ng litrato nila.Sabi ni annie ay may banda daw ang mga ito at sikat mapaloob o labas man ng bansa, wala naman akong alam tungkol sa kanila, hindi ko rin naman ikakayaman kung makilala ko sila. Hindi rin ako masyadong babad sa Social Media masyado na kasing toxic ang mga tao dun.
May itsura naman pala talaga ang Grupo ng bandang yun kaya naman pala ganito kabaliw si Annie lalo na sa Crush nyang si Dave daw. pero itsura pa lang nito mukhang babaero na, Kinindatan na yata nito lahat ng babaeng tumitingin sa kanya, Yung katabi naman nya ay halos humagalpak na kakatawa buti na lang at hindi ito sinisita at mas nakakaagaw pansin pa sa mga estudyante ang pagtawa nito. habang ang isa naman ay seryoso lang sa isang tabi at patingin tingin lang sa kanila, ito siguro ang pinakamatino sa mga ito. Habang ang isa naman ay pangiti-ngiti lang habang nagcecellphone. required ba talagang pag may banda lahat may itsura. Kung sa Itsura lang din naman ay wala talagang mapipintas sa kanila.
pero naagaw ang atensyon ko sa lalaking nasa unahan nina Dave.
Napakagwapo naman nito malayo pa lang, pano pa kaya sa malapitan?
Teka nakita ko na ba 'to?
para kasing pamilyar.
Bulong ko sa sarili.Hindi ko namamalayan na nakatitig na pala ako sa kanya habang nag-iisip.
bumalik lang ako sa katinuan ng bigla itong lumingon sa direksyon ko.Nakaramdam ako bigla ng kakaiba pero Isinantabi ko na lang ito at agad na umayos na ulit ng pwesto at nakinig na lang ulit sa prof.
Oh anong masasabi mo pia?
Gwapo nila di'ba? Wiiiihhh.
Kinikilig na sabi ni annieOkay Lang.
Simpleng sagot kay annie at nakita ko ang pagkagulat nya.Okay Lang? yun Lang?
Oo Okay Lang, kaya manahimik kana at makinig na Lang.
Hindi na'ko lumingon muli sa Grupong yun at nakinig na lang sa prof. na nag-oorient samin.
•••
Votes and comments are highly appreciated.Thanks For Reading.
©SyntaxErrorQn
BINABASA MO ANG
THAT GIRL
General Fiction"If dreaming is the only way to be with you, then I won't mind to sleep Forever." "In my dreams your mine, But in reality your my dreams"