My Introvert Girlfriend pt. 2

62 3 0
                                    

Malalim akong napahinga habang nakahiga sa kama ko at tinititigan ang cellphone ko. Friday na ngayon at sa linggo na ang debut ni A.

From: My Cutiepie Cesshikka

I'm sorry, Vin.

Napa-iling na lang ako para mabawasan ang mga iniisip. Inaya ko siya kanina para sa debut ni A kahit matagal ko na iyong nabanggit sakanya pero tanging pasensya lang ang sinagot niya.

Isa lang naman lagi ang rason niya... hindi siya komportable dahil maraming tao.

Alam ko naman ng mangyayari na talaga to simula palang ng makilala ko siya at minahal dahil tanggap ko at palagi ko siyang uunawain. Hindi ko naman talaga inexpect na magbabago ang mga pagtanggi niya dahil lang girlfriend ko na siya.

To tell you frankly, yes nag-expect ako na baka mabago naman. Baka ituring na niya talaga akong boyfriend pero hindi. Kung ano kami two years ago nang magsimula akong manligaw, ganon pa rin kahit sinagot na niya ko 3 months ago. Yeah, tatlong buwan na kami pero parang bago pa rin. Ang naiba lang siguro ay nagkaroon ako ng karapatan para sabihin sakanya ang mga nararamdaman kong selos.

Isang beses siyang dumalaw sa bahay at ayokong isipin na napilitan lang siya dahil sinabi kong nakwento ko kena mommy na girlfriend ko na siya at gusto nila siyang makilala pero parang yun yung lumalabas ngayon. Base sa mga hindi niya pagpapa-unlak sa mga imbitasyon namin. Siguro nga no choice lang talaga siya that time?

Ewan. Ni hindi ko alam kung normal paba kaming magkasintahan dahil hindi kami nagdedate... we had pero mabibilang ko sa kamay, siyam na beses palang sa buong panliligaw at opisyal na relasyon namin... no late night talks kung sabihin nila... tamad siyang magreply at mas lalong hindi siya sumasagot ng tawag dahil ayaw niya nun what more pa ang facetime kaya hindi ko na rin pinilit dahil ayoko siyang maging hindi kumportable...

Haayyy buhay. Napapikit na lang ako at nireplyan ang mensahe ni Fero.

From: Alferoce minion

Pupunta ba si Aika, Vin, sa Sunday? Sabay sabay na tayo! Eh sina Trevor?

To: Alferoce Minion

Sus, di pa diretsuhin, talagang gagamitin mo pa ko para mapalapit kay Landon. Kayo na lang magsabay, malelate ako.

May cotillion bago magstart ang program kaya mas mabuti na siguro kung hindi ko na yun maabutan dahil wala ang gusto kong maka-pareha.

Nilapag ko na ang phone ko at pumikit. Hindi ko na nireplayan ang mensahe ni Cesshikka.

Hindi naman sigurong masamang medyo mapagod ngayong araw? Gusto ko lang munang itulog lahat ng pag-iisip ko sa mga pagtanggi niya. I don't want to overthink. Alam kong mahal niya ako.

Hindi lang talaga siya komportable. I don't need to overthink things baka lalo lang maging komplikado.

Damn, posible naman talagang mangyari to. Why did I expect too much?

Tss. Sana pala hindi ko muna tinapos yung proposal ko para may pagkaabalahan ako.

...

Sunday morning when I decided to visit her. Yeah right. I've been sulking in my room for the whole day and intentionally ignore her flooded messages for the first time. If she would only call me, nawala na siguro ang tampo ko.

But maybe that's a bit too much kaya bumisita na lang ako. I miss her so bad! Hayy.

Agad akong pinapasok ni Tita Cheska, ang mommy ni Cesshikka. Yap, kilala rin nila ako since papansin talaga ako sakanya kahit nanliligaw palang. Well, nagbunga naman ang pagpapapansin.

Introvert SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon