Prologue

16 0 0
                                    

NAKATITIG lang sa labas ng kanyang silid ang isang dalaga habang hawak ang isang baso na may lamang pulang likido.

Gustong-gusto na niya lumabas pero simula pa noong bata siya ay hindi siya pinapalabas ng kanyang silid, makakalabas lang siya kapag sinabi ng kanyang magulang o kaya naman pag kasama niya ang isa sa kanyang mga nakakatandang kuya. Pero kapag lumalabas siya ay walang siyang makitang iba sa paligid kundi ang kanyang pamilya lamang.

Ang dahilan? Hindi pa siya maaaring makita ng ibang tao o nino man.

Hangga't maaari ay hindi siya maaaring makita ng iba dahil hindi pa nagigising ang kanyang tunay na kapangyarihan at ang Royal Blood.

Nabibilang siya sa isang nakakataas, makapangyarihan na pamilya. Ang Royal Family.

Wala pang sino man ang nakakakita sakanya maliban sa kanyang pamilya. Pangalan lang niya ang kilala ng lahat pero maliban doon ay wala na, ang dahilan bakit walang maaaring makakita sakanyang iba dahil bukod sa hindi pa nagigising ng buo ang kanyang kapangyarihan ay pinoprotektahan siya sa mga may balak na masamang gawin sakanya.

Napabuntong hininga na lang siya at nag-isip ng maaari niyang gawin sa kanyang silid. Napatigil siya sandali at napaatras sa madilim na bahagi ng kanyang silid ng mapagawi ang tingin ng isang Royal Maid sakanya. Wala ng pinalipas pa na isang segundo ang mga Royal Guards at pinalibutan ito, mukhang nagulat naman ang babae at lumuhod habang pinagdikit ang kamay. Isa kasi sa patakaran sa palasyo ay walang sinuman ang maaaring mapagawi o tumingin sa kanyang silid.

Mula siyang napabuntong hininga at pumikit ng mariin.

Ayaw niya ng ganito, ayaw niyang may ibang nasasaktan ng dahil sakanya.

Nararamdaman niya ang unti-unting paglabas ng kanyang pangil ngunit pinigilan niya ito. Hanggat maaari ay iniiwasan niyang mangyari ito. Alam niya kasi sa sarili niya kung ano ang maaaring susunod na mangyayari at iyon ang kanyang pinipigilan. Iniwasan niyang mag-isip muna ng kung ano sa sandaling ito at lalo pang nagkonsentra sa kanyang ginagawa. Ito ang unang beses niyang gagawin ito at hiling niya na sana hindi ito pumalpak.

Sinusubukan niyang pumasok sa isipan ng isa sa mga Royal Guards na nakapaligid sa babae at nagtagumpay siya. Pasimple siyang napapalakpak at napangiti pero agad ding nawala at ginawa ang dapat niyang gawin.

"Let her go."

Nakita niya ang bahagyang paninigas ng katawan ng inutusan niya at parang tinakasan ng kulay ang kanyang muka. Mukhang alam niya kung sino ang nag-utos sa kanya. Dali daling hinila nito ang kanyang mga kasama at naiwan ang babae. Napahinga naman ito ng malalim at nakita niyang napahawa ito sa kanyang dibdib.

Tuluyan na siyang pumasok sa kanyang silid at umupo sa kanyang kama.

"Malamang yari ako nito kay Yuki." mahina siyang napatawa at napailing.

Si Yuki ang kanyang pangalawang kuya. Hindi niya ito tinatawag na kuya dahil ito na rin mismo nagsabi na huwag siyang tawaging kuya. Hindi naman daw kasi siya sobrang matanda para tawaging kuya.

Hindi naman mahirap na isipin kung sino ang kumausap sa isang Royal Guards dahil ako lang naman ang narito sa palasyo. Ang Ina at Ama ay bumisita sa ibang palasyo habang ang kanyang mga kapatid ay nasa paaralan, matagal tagal pa bago umuwi sakanila ang kanyang mga kuya. Kaya naman boring na boring siya sa kanyang silid.

Pinagpatuloy niya ang kanyang iniisip habang hinigop ang nasa kanyang baso.

Hmm... yummy...

Matapos niyang maubos ang iniinom niya ay tumayo siya at nilagay sa lamesa ang basong hawak at nagpunta sa kanyang closet. Napag-isip isip niyang maglinis at ayusin nalang ang kanyang damitan, hindi siya pumapayag na iba ang nag-aayos ng kanyang mga gamit dahil hindi niya gusto ang pag-aayos ng mga ito.

Habang tinutupi niya ang kanyang mga damit ay napadako ang tingin niya sa isang itim leather pants at boots sa isang tabi. Napangisi siya sakanyang naisip.

Why not?

Matagal na niyang gustong lumabas ng kanilang palasyo at magpanggap na isang estudyante sa pinapasukan ng kanyang mga kuya. 50% ang tyansang mahuhuli siya at 50% din ang tyansang hindi siya mahuhuli, magaling din kasi siyang magpanggap na iba at hindi rin naman nila mararamdaman ang presensya ko kung malayo siya sakanila. At isa pa madali lang naman para sakanya ang magpanggap na isang ordinaryong bampira dahil hindi pa naman lumalabas ang kanyang kapangyarihan at madali lang makihalubilo sa mga ito dahil hindi naman nila kilala ang kanyang mukha. Bukod sa pangalan niya ay wala ng ibang alam ang mga ito kung ano ba ang itsura nito.

Isa pa hindi rin alam ng kanyang pamilya na kaya niyang magpalit ng ibang mukha kung gugustuhin niya. Pero hindi niya iyon gagawin, siguro putulin nalang niya ang kanyang mahabang buhok hanggang sa kanyang balikat. Not bad.

At iyon nga ang kanyang ginawa pagkatapos ang sinuot niya ang leather pants at boots na nakita niya kanina at pinaresan ito ng one sided crop top na puti. Tinakpan niya rin ang kanyang tattoo sa kaliwang balikat niya, isa din kasi ito sa makakapagturong isa siya sa nakakataas na pamilya, kada sumasapit kasi ang ika-pitong kaarawan ng bawat kasapi ng pamilya sa Royal Family ay lumalabas ang unang kapangyarihan at kung anong klase ito. Sakanya ay paru-paro at sa hindi malaman na dahilan ay meron itong shadow na nakaukit din sa ibaba ng paru-paro. Kadalasan kasi ay isa lang ang lumalabas.

Kinagat niya ang kanyang daliri at naglagay ng kaunting dugo sa kanyang labi dahil medyo maputla ito, at tinampal ng mahina ang kanyang pisngi para mamula. Hindi niya na kailangang gumamit ng kahit ano sa kanyang muka dahil ayaw niya ng kahit anong kolorete dito at kapag nasinagan naman siya ng araw ay kusang mamumula ang kanyang pisngi.

Hindi naman porket bampira sila ay takot na sila sa araw at magiging abo. Kasabihan lang iyon ng mga Humans o mas kilala bilang ordinaryong tao.
Pero meron talagang naaabo kapag may nakaharap kang may kapangyarihang apoy, kaya ka nitong gawing abo sa paraang gusto ng may-ari.

Sumulat muna siya bago umalis ng kanilang palasyo. Bitbit ang ginawa niyang pekeng pangalan niya at iba pang kakailanganin kapag siya ay pumasok sa akademya.

"I'm sorry but I'm really bored, and I must do something to avoid what I saw in my dreams." ani niya bago tinalikuran ang kanyang tahanan at tumakas sa mga bantay.

The Royal Heiress in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon