Chapter 1

1 0 0
                                    

Palaka
_______

Pag labas ng bahay diresto tambay ako kila  Aleng Nena at bumili narin ako ng makakain

"Aleng nena pabili nga ho ng chippy tas coke... Ah Aleng nena hmm.. Ako nalang ho ang mag bebenta kay sofia ah.." ani ko sabay ngiti ng suwabe hehe.

Binigyan niya ko ng malisyosong ngiti "Asus kaw talanga ashong sige bubuksan ko yung pinto" ani ni aleng nena umalis siya para buksan yung pinto.

Inaasahan ko ng bibili siya dito kaya nag paalam nako kay Aleng Nena na ako ang mag titinda sa kaniya para maasar nadin.

"Pst Sofia" ani ko sa babaeng nag ba-bike. Kanina ko pasiya pinag mamasdan habang papalapit siya dito sa tindahan.

"Oy kuya Asher wag kana pumasok sa loob" ani niya kabang pinipigilan akong pumasok sa tindahan para pag bilan siya.

"Oh ano bang bibilin mong bata ka amoy pawis ka nanaman" pabirong sabi ko sa kanya na napangiwi naman  sa sinabi ko haha

Inamoy niya ang sarili niya"Hmp hindi naman ei ikaw talaga kuya "ani niya

"Pabili ako ng toyo at suka tas.. hmm.. Ano.. Paminta nadin"


Binigay ko sa kanya at lumabas narin ako sa tindahan ni Aleng nena at pinuntahan ko siya at inasar muli

"Oh maligo kana ha... Tas mag ayos  ka mukha kang tibo ei hahahaha." ani ko


At umalis na si sofia gamit ang kanyang bisikleta tinanaw ko siya habng ng bibisikleta pauwi sa kanila

"hmm kahit di kana mag ayos ok lang maganda pa parin para sakin" naka ngiting bulong  ko at bumalik na sa pag kakatambay


....

"Nanay ito na ho yung pinabili niyo nay. alam  niyo ho ba  na nandun si kuya Asher hihi" nakangiting sabi ko habang iniisip yung gwapo niyang mukha

May girlfriend na  siya...   hmm Ei di naman mag kakagusto yun sakin kasi mabaho daw ako napatingin ako sa suot ko habang iniisip ang sinabi ni  kuya Asher kanina sa tindahan.

"Nay maliligo lang ho ako ha" nakangiting sabi ko bago umakyat sa aking kwarto  para maligo at makapag palit nadin nag bagong damit.

Pag katapos naming kumain ay agad akong umakyat sa aking silid para makapag handa sa pasukan dahil sa lunes na iyon.
grade 11 na ako  kaya nag iipon narin ako para sa aking graduation kahit matagal pa yun.

Lagi akong tumutulong kay nanay sa pag lalaba at dahil wala ang tatay kami nalang ni kuya ang kasama niya kaya tinutulungan namin si nanay. Nag tatrabaho siya kay mrs garcia na mommy ni kuya asher

Tinatawag ko siyang kuya kahit dalawang taon lang ang agwat ng edad namin mag kaibingan sila ni kuya dieter ko kaya madalas ko siyang nakikita  dahil dun nga nag tatrabaho ang nanay sa kanila at kaibingan siya ni kuya hmp paulit ulit nalang ako basta yun

"Hayst buti pa sila ni kuya dieter  kolehiy na. lilipat kaya siya  sa maynila?  Oh dito parin mag aaral " malungkot na sabi sa sarili ko

Grade 5 palang ay hinahangaan ko na si kuya asher mula nung lumipat sila dito sa nueva icija lagi ko siyang nakikita kasama nila kuya lahat  sila mag kakaibingan ay gwapo pero mas kapansin pansin kasi yung kay kuya asher di ko rin alam kung pano ko siya hinangaan siguro dahil magaling siya mag basket ball at mag gitara ewan ko rin ei.

My Childhood CrushWhere stories live. Discover now