False date
Alice POV
Nabasa ko na si joon lahat yon.Dahan dahan kong binababa ang cellphone ko ng biglang
*Cellphone ringging*
"HAYST!"Inis kong pag rereklamo.Sinagot ko naman agad ang tumatawag sa cellphone ko
*Hello?*Tanong niya naman.
*Hello ali hindi ka pa ba nakaayos?*Tanong niya naman sakin pero dahil sa antok ko.Biglang kumulo ang dugo ko sa inis.
*Yah!Hindi mo ba kung anong oras palang ha!Kaya pwede ba wag ka ng mangulit*Sabi ko sakaniya.
*pero ali may d-*Binaba ko na ang line at malakas na binaba ang cellphone sa Cabinet.
Sinusubukan kong ituloy ang tulog ko pero sadyang hindi na matuloy tuloy.Tumayo ako at lumabas sa kwarto"Hindi ka pa nakabihis?"Napatigil naman ako sa pag lalakad ng biglang may lalaking nag salita.Anyok antok akong tumingin sakaniya at napatigil ng makita si joon.
Nakaayos ito na parang may pupuntahan.Nilagpasan ko na siya para dumeretso sa kitchen binuksan ko ang ref at kinuha ang isang juice.
"Tulungan na kita"Sabi niya naman.Pero bago niya pa hawakan yon iniwas ko na agad masama ko siyang tiningnan sa mga mata at sinabi na.
"Utang na loob joon wag mo nga kong pakialam"Inis kong sabi sakaniya
"Hindi mo ba naalala yung date natin?"Napatigil naman ako sa pag inom ng juice dahil sa sinabi niyang hindi ko inaasahan.
"Ha!?"Malakas kong tanong sakaniya.Umatras siya ng isa dahil sa pag sigaw ko.
"Hindi mo ba nabasa yung tezt ko?"Tanong niya.Dahan dahan kong nilunok ang namumuong juice sa bibig ko.
*Ali gusto mo bang lumabas bukas?May bagong bukas na restaurant malapit sa Sm gusto mo bang pumunta*Nang maalala ko iyon tumingin ako sakaniya
"Kaya mag bihis ka na at hihintayin kita"Sabi niya naman hinawakan niya ko sa balikat pero inikot ko ang kamay niya.
*Argh!*pag rereklamo niya.
"Anong akala mo sakin tanga?kaya kong mag lakad!"Sigaw at Inis kong sabi sakaniya.Binaba ko ang juice ko sa table at pumasok sa loob ng kwarto sumandal ako sa pintuan ng kwarto ko dahil seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Hindi ako makapaniwala wala akong balak mag ayos ng maganda kaya isang turtle neck black stripe ang sinuot ko,nakapants din na black habang nakasuot ng black na jacket at nag sinuot ko din ang mahaba kong boots na kulay black.Tinaas ko na din ang buhok ko dahil mas sanay akong nakataas ito.
Ilang sigundo pa ng makaayos na ko lumabas na ko sa kwarto at nag lakad papunta sa lalaking nag cecellphone dahil sa napansin ko yon mabilis akong tumigil pero hinayaan ko nalang
"Tapos ka na pala?Tara na?"Tanong niya sakin.Sinusundan ko siya habang siya naman ay abalang abalang nag cecellphone.
Katahimikan ang bumubungad saming dalawa kaya naisipan kong sirain iyon.hinila ko ang kamay niya"bakit?"Tanong niya sakin.
"Tara may pupuntahan tayo"Hila ko sa kamay niya hinila ko siya sa isang lugar dahilan naman ng pag tigil niya.
"Rosewood?"Tanong niya sakin.Tumango naman ako at sinabi na.
"Manood ka"Sabi ko sakaniya.
"Teka lang"Sabi niya naman.tumakbo ako sa gitna ng basketball court
"Yang!"Napatingin ako sa isang lalaking tumawag sakin binigay niya sakin ang bolang kulay red...
Joon POV
Wala akong hilig sa basketball pero hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong panoodin si ali napapangiti ako habang tinititigan ang maangas na babaeng nag lalaro.Nag lakad siya sa harapan ko ng makita kong tinaas niya ang buhok niya dahilan ng pag tigil ko.
Nakapony tail na ito habang nag drdrible.Ilang sigundo pa ang nakalipas ng matapos na siyang mag basket ball nag lalakad na kami ngayon sa kalye.
Ali POV
Nakadating na kami sa restaurant ng mapansin ko bagong bukas ito."Bakit mo ko dinala dito?"Inis kong sabi sakaniya.
"Gusto kita"Sabi niya naman dahilan ng pag tigil ko*Salitang matagal ko ng gustong sabihin salitang sana totoo salitang hindi dapat sinasabi lang...*
****
BINABASA MO ANG
She's a demon BOSS LADY
Teen FictionPrologue Set for the year 2015.Allison is the feared leader of a female gang in highschool,Although she is known gor her tougtness,she has a secret crush on her friend Andy.School playboy.He tried to seduce all the girls in high school except allice...