Chapter 1: Legend of West

18 3 0
                                    


-Legend of West

Isang napaka-laking sana all sa mga kaibigan kong hindi pa napapagod sa kabila ng halos tatlong oras na naming pag-akyat ng bundok.

"T-teka nga!! Kanina pa kayo ah! Ano ba'to.. hiking o patayan?" hingal na tanung ko.

Lumingon naman agad sila sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Manahimik ka nga dyan, Xia. Malapit na tayo ehh.." reklamo ni Ash na kanina pa excited makarating sa tuktuk ng bundok.

"Pagod na rin kami, okay? Sulit din naman 'to pag nakita na natin yung buong lugar" nakangiti ngunit pagod narin na sabi ni Aleah.

Huminga ako ng malalim. "Fine! Fine! Sige na tara nang natapos na 'to." tanging nasabi ko.

Nakakahiya naman dahil mukhang pagod narin naman sila at hindi lang ako.

Agad kaming nagpatuloy sa pag-lalakad na pinangungunahan ni Travis at Clyde, habang nasa pinaka huli naman ni Geo para daw sigurado nyang walang nahuhuli at naiiwan.

Mahilig ang mga kaibigan ko sa adventure at hikings kaya sanay sila. Bakasyon naman ngayon kaya naisip nila akong isama. Simula noong May ay pang-anim na bundok na nila ito, at pangalawa palang para sakin. Mahilig ako sa beach kaya madalas ay hindi ako sumasama, liban ngayong nahikayat nila ako dahil sa isang alamat na sinasabi ni Ash at Travis.

~~~~~~~~~••••

"Guys, May nasagap kaming kwento ni Travis, and for sure magugustohan nyo.." excited na sabi ni Ash.

Tumaas agad ang kilay ko. "Kung chismis yan Ash, out na'ko.." agad na sabi ko at tumayo agad para lumabas ng cottage.

"Xia, Makinig ka muna.." pigil ni Clyde sakin na nasa tapat ng pinto.

"Fine!" inis na sabi ko saka bumalik sa pag-kakaupo.

"KJ mo talaga, Xia.." inis naman na sabi ni Ash sakin.

Hindi ko na sya pinansin sa suminyas nalang na magkwento na.

"So, ganito yun.. Kanina nung bumibili kami ni Ash ng food natin ay may nakita kaming mga toresta na aakyat daw ng bundok sa kabilang bayan.." simula ni Travis.

"So?" inis na tanung ko.

"Oh c'mon, Xia." Si Aleah.

"Shut the fuck up, Xia.." Ani Ash

"Tsk tskk.." tanging nasabi ni Geo.

"Let them finish first, Xia. Hindi ka tatakasan ng dagat.." sabi narin ni Clyde.

Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanila na puro bundok ang gusto.

"Fine, Fine.." I sigh.

Travis chuckled before continuing. "So ayon na nga, tinanung namin sila ni Ash kung maganda ba at kung gaano kalayo ang lugar. Una ang sabi lang nila ay maganda ngunit may kalayuan at kataasan ang lugar, kaso maya-maya ay may nakisali na matanda sa usapan.." putol nya sa kwento.

"Ang sabi nung Ali ay may alamat daw ang bundok na iyon kaya kahit malayo at liblib ay dinarayo talaga ng mga tao. Kada-dalawang taon daw ay may mga nawawal sa bundok na iyon" This time ay si Ash naman ang nagtuloy ng kwento.

"Edi nakakatakot naman pala yon. Bakit pinipayagan pang-paakyatan yon?" singit ko.

"Oo nga nama.." pag-sangayon din Aleah.

"Yon ang alamat e.." ani Ash. "Sa twing may nawawala ay bumabalik yung mga nawawala. I mean, kunwari may nawalang dalawang babae, after two years ay lilitaw sila ulit sa araw mismo na may panibagong nawala." paliwanag nya.

West Witch (A Faraway Land)Where stories live. Discover now