EUGENE
Aaminin ko na! Pero papaano? Papatulong ba ako? Di ko kaya mag-isa.. Kailangan kong masabi ng kaming dalawa lang. Papano eh palagi nyang kasama ang bestfriend nya. Nagpatulong ako sa mga kaibigan namin.. Ganito ang plano namin.
PLAN #1
Step 1: Nagyaya kaming magpicnic.
Step 2: Lilibangin ng kaibigan ko ang bestfriend nya para makausap ko sya na kaming dalawa lang.
Step 3: Aaminin ko na.
Nagawa namin ang mga plano, pero di ko nagawa ang step 3. Natatakot ako. Kaysa sa aminin ko, nakipagkwentuhan lang ako sakanya. Natutulala ako habang tumatawa sya. Wala akong masabi pag sya na ang nagkukwento. Samantala.. Nakita ko ang kaibigan ko, HOLDING HANDS na agad sa best friend ni Cess o.o NAUNAHAN PA KO?? Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. . . Ganun na ba ako katorpe? Di bale may next time pa naman.. Better luck next time.
Sakto may practice kami bukas! This is the time..
PLAN #2
Step 1: Makikisabay ako sa kanya pauwi, kahit di kami parehas ng jeep na sasakyan. Kungwari may pupuntahan ako banda sakanila.
Step 2: Makikisabay na rin ako sa tricycle sa kanya, para tipid. Pero doon ko aaminin sa kanya.. Ok lang ba yun? Di bale, No other ways..
Kinabukasan...
Pumayag siya na sabay nakaming umuwi at sabay na sa tricycle.
G: May sasabihin ako.
C: Ano?
G: Gusto kita.
C: Hah?
G: Mahal kita.
C: Ahh
G: ..........
G: Narinig mo ba?
C: Hindi eh. Ano ulit? Ang ingay kasi eh.
G: Sabi ko mahal kita..
C: Ahhhhhhhhhhhh?
G: Narinig mo na ba?
C: Oo.
Nakakahiya -.- Bababa na siya sa tapat ng bahay nila.. BYE :| Papansinin pa ba niya ako bukas? Ok lang ba ang ginawa ko? Atleast, MISSION ACCOMPLISH! Haaaaay nakakaluwag ng dibdib.
PRINCESS
Totoo ba yung sinabi nya? Parang hindi eh. Papano nangyari yun? Di bale, ok lang. Pero di ko siya gusto eh? Sasabihin ko ba na di ko sya type? O hahayaan ko lang sya? Sige, bigyan ko nalang ng chance.. Wala namang mawawala kung hahayaan ko sya, may mawawala pag inamin ko sakanya, baka di na nya ako pansinin.
Kahit gusto ni Eugene si Princess, di nya ito niligawan.
EUGENE:
Ok na siguro na ganito nalang. Kung liligawan ko sya, baka babustedin nya ako dahil strict ang parents nya. Pwede na tong friends lang kami, atleast nakakasama ko siya.
Umabot ng pasko, new year, at valentines day.. Di pa rin nililigawan ni Eugene si Princess. At di pa rin nagugustuhan ni Princess si Eugene..
Hanggang sa. . .
Valentines day...
Nagplano nanaaman si Eugene. Dinate nya si Princess..
PRINCESS
Masaya naman pala syang kasama eh. Ngayon lang kasi kami nagkasama na kaming dalawa lang.. Nakakatuwa naman pala sya.
C: Thank you ah? Nag-enjoy ako :)
G: Thank you din :">
Kinagabihan nung valentines.. Tinext ni Princess si Eugene
C: Thankyou ulit ah. I love you :)
G: :))))))) Promise?
C: Seccret :P
Hanggang naging magMU lang sila.. Di naging sila, hanggang sa magbabakasyon na.. Matagal nanaman silang di magkikita.. Sa pasukan nalang sila magkikta muli. Buong summer, puro text-text lang, di sila nagkikita. Puro I miss you at I miss you too ang laman ng text. Aaaaaatttttt, First day of school nanaman, di sila magkaklase. Pero, sabay silang pumasok ng school. Sabay recess, sabay lunch, sabay uuwi. Talagang mag-MU lang sila.. No holding hands, no hugs, no kisses. Araw-araw ganyan ang routine. Pero sa tingin ng iba, mukha na daw silang magBF/GF dahil lagi silang nakikitang magkasama, di sila naghihiwalay. Pero para sakanila, they're just more that best friends less than lovers, but special to each other.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (almost true story)
RomanceNo one knows kung sino makakatuluyan mo. Malay mo, nakatabi mo pala sya sa jeep kanina, nasalubungan mo sa mall, yung bestfriend mo, worst enemy mo, o baka naman yung boyfriend o girlfriend mo ngayon.. *** completed, but their love story is still o...