Cally's POV:
ako nga pala si Callien Laura Smith bestfriend ako dati ni Sandra, alam niya halos lahat ng sikreto ko..pero di ko alam ang lahat ng sikreto niya si Sandra kasi yung klase ng tao na mapag-lihim unless na lang kung pinagka-katiwalaan niya ang taong yun...
back to the story...
naiyak ako sa mga sinabi ni Sandra..di ko alam pero parang may mali... di ko masabi yun dahil ang hirap
i-explain ng mga naramdaman kong ito... hinawakan ni Renz ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kanya...siguro nga nagtataka din siya kung bakit nagka-ganun si Sandra at halata nman sa kanya, na gustong gusto nyang tanungin si Sandra kung bakit niya nasabi yun, anong dahilan ni Sandra kung bkit niya yun nagawa at bakit niya nasabi na ang mga ito, na ito na ang magiging last na pagkikita naming apat ...pero naputol ang mga iniisip ko ng magsalita si Xaiver..parehas kaming napatingin sa kanya ni Renz at ang mga sinabi nya ay mas lalong ikina gulo ng mga nasa isip namin...
' Renz, Cally...ako na humihingi ng tawad sa mga nagawa namin sa inyo ni Prinzcess. Pero ito lang ang tandaan nyong dalawa... may rason si Prinzcess kung bakit nya yun nagawa sa inyo...at alam ko naman na madami na kayong tanong sa mga isipan nyo ngayon. Bukas na bukas agahan nyo ang pasok nyo...mag kakaron ng general assembly ang dean at dun nyo malalaman ang sagot sa mga katanungan nyo ngayon, lalong lao na, para narin malaman ninyo kung sino ba ang matagal ng dean na hinahanap-hanap ng lahat...pero sa ngayon kailangan muna nmin umalis ni Prinzcess... at siguro nga hanggang dito na lang tayo... paalam at patawad sa inyong dalawa ' Xaiver said...at umalis na sakay ng kanyang kotse... kasama si Sandra.
ng maka alis ang kotseng sinasakyan nila Xaiver at Sandra dun kami napa-upo...nag hari ang katahimikan sa pagitan nmin ni Renz...pinutol ko ang katahimikan at sinabing...
' R-Renz ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng dalwang yun? ni Sandra?? ni Xaiver?? bakit parang may tinatago sila sa atin?? ' tanong ko kay Renz...
' wala din akong alam Cally... tulad mo naguguluhan din ako... pero pansin mo na parang totoo ng yung cnabi ni Xaiver na may rason si Sandra kung bakit sya nagka-ganun or kung bkit siya nag-bago. I mean silang dalawa, kun bkit sila biglang nagbago? at na pansin mo din ba yung biglang paghirap ni Cassy na huminga? yung pagka balisa ni Xaiver sa sitwasyon bigla ni Sandra? oo nasabi ni Sandra noong mga bata pa tayo na may asthma sya...pero bakit parang di lang basta asthma yun? bkit prang feeling ko na mas malala yung kanina? yung sitwasyon knina ni Sandra na para bng mas malala pa sa asthma niya ' pagtatanong din ni Renz at na di rin naka-sagot sa mga katanungan ko...
oo napansin ko rin ang biglang hindi maayos na paghinga ni Sandra...oo alam kong parang may mali...na parang nangyari na yun dati...
oo nga pala ganun din si Sandra nung mga bata pa lang kmi pero hindi si Xaiver ang balisa...at yun ay ang mga magulang ni Sandra...
umuwi kami ni Renz na puno parin ng mga katanungan ang utak nmin...andami nming tanong na kailangan ng mga kasagutan...
nang maka-uwi ako sa bahay wala nanaman itong tao... mga maids at butlers lng ang naanduon... binati nila ako at nginitian ko lang silang lahat... ganito ang eksana sa bahay araw araw... mga workaholic ksi ang mga magulang ko... at wala na akong magagawa don... wala akong kapatid kaya para malaman niyong lahat na yung Cally na kilala niyong masayahin at pala ngiti... ay may tinatagong kalungkutan sila Renz, Sandra at Xaiver lang ang nakaka-alam ng sikreto kong ito. Kaya nung mga araw na inaaway ako at pina-hihirapan ni Sandra, pinagsasalitaan nya ako ng kung anu-ano... at isa na duon ang mga sikreto ko... nung mga araw na yun nagalit ako sa kanya... pero ng marinig ko ang nga paliwanag niya kanina... nawala lahat ng kinikim-kim kong galit para sa kanila... kaibigan ko rin si Xaiver dati pero mas close ko lang tlga si Sandra at siguro nga yun ay dahil parehas kming babae at nagkaka-intindihan kaming dalawa...
si Prinz Xaiver Zamora para sa akin, siya ung klase na tao na sa isang tingin pa lang alam mo na sa sarili mong mahirap siyang basahin... laging nka-poker face, isa sa kilalang dakilang snob at campus hearthrob sa Adamson Academy, ni minsan di ko nakitang ngumite si Xaiver, pero may miracle na nangyari kay Xaiver, na kina-bigla at kina-gulat ng lahat ang makita siyang ngumingite at tumatawa na kulang na lang lumabas ang dimples niyasa ilalim ng mata, duon siya tinanghal bilang isa sa campus hearthrob ng school, pero ang pag-ngiti at pag-tawa ni Xaiver ay makikita o masasaksihan nyo lang pag-kasama niya si Sandra. Nung mga bata pa kami lagi silang magka-sama ni Sandra, ang laking tanong at pala-isipan yon sa lahat pero ni-isa sa amin ay di alam kung bakit kay Sandra nya lang yun pinapakita... at yun din ang naging dahilan kung bkit sila tinanghal na sweetest couple or sweetest loveteam ng Adamson Academy... nagkakasama naman kming lahat pero MAS lng tlga silang dalawa.
Nagtataka siguro talaga kayo kung bakit Xaiver ang tawag namin ni Renz at Prinz nman ang tawag ni Sandra kay Prinz Xaiver Zamora. Dahil yun kay Xaiver. Si Xaiver, oo nasabi ko sa inyo na snob si Xaiver, laging nka-poker face at iba png katangian si Xaiver na alam ko nman na ikaka- turn-off ng lahat ng mga ka-babaehan... pero alam ko at alam din ng lahat na si Xaiver ang pinaka sweet at ma-alagang tao na kilala ko or nming lhat pero cgurado nga na kay Sandra lang nya pwedeng ipa-kita na gnun siya. I know that Xaiver is a sweet peraon right? pero siguro nga kay Sandra nya lang pinapakita ang ganung side niya. ok lang nman samin ni Renz yon at ok lang din nman sa lahat na gnun si Xaiver sa harap ng lahat at sa harap ni Sandra at least daw hbang nangiti or natawa si Xaiver ay na-kukuhanan nila ng mdaming stolen shots. Bagay kasi sila.
At isa pa para di kayo maguluhan, di alam ni Renz na may nararamdaman si Sandra para sa kanya.
Si Renz Iran D.L Santoja or my behbeh <3... siya kasi ung klase ng tao para sa lahat na may pagka-manhid, pero para sa akin naman since boyfriend ko siya. I mean si Renz siya ay napaka-sweet na tao, lgi siyang updated sa lahat ng nangyayari sa akin, kya nga nagalit ako sa kanya ng malaman kong pinag-salitaan niya ng kung anu-ano si Sandra...
si Alexandria Cassandra Mackenley... para sa akin siya ay masikretong tao. Pero para nman sa lahat at ang pinapa-kita niyang side niya sa lahat ay ang side niya na pagiging- certified gal-gal, sweet especially kay Xaiver at pala-ngiti, pero dati lang yun, dahil nga sa biglaang pagbago ni Sandra, para sa lahat, si Sandra ay kilala bilang dakilang BITCH, war freak, cussing machine, cold at may pagka-conyo queen... pero sa kbila ng lahat ng ito di umalis sa tabi niya si Xaiver. At sa kabila din ng lahat na kahit nag-tanim ako ng galit sa kanya siya parin ay isang babae na sobrang masikreto.
back to the story ulit....
naka-tulog ako ng punong-puno parin ng mga katanungang na di masagot ang isipan ko...
matagal na panahon na din ng biglang magbago si Sandra...ang bestfriend ko...nag simula yun ngaging kami ni Renz...at alam kong matagal ng mahal ni Sandra si Renz at mahal nman ni Xaiver si Sandra pero bkit parang may ibang rason ang sinasabi ni Xaiver kanina??...bkit parang mas malalim na rason pa ang dahilan ng pag babago ni Sandra??... na hindi kasali dito ang pag ka gusto ni Sandra kay Renz??... at bkit balisa si Xaiver ng biglang humirap ang pag hinga ni Sandra??...ehh.. simpleng asthma lang nman yun??...o asthma lang ba tlga yun?? o mas malala pa??
yan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko...hanggang sa makatulog ako...
( to be continued )
****************************** author's note:
Hi readers! Hi writers!
ok lang po ba yung POV ni Cally??
> napansin nyo po cguro na di ako gumagawa ng POV ng lalaki...ang rason ko po ay dahil di po ako marunong gumawa ng POV ng lalaki...nag-try po ako dati pero..nag-mu-mukhang bakla lang... kaya pinag-aaralan ko pa po ....<
> comment lang po kayo or mag message sa akin kung paano gumawa ng POV ng lalaki...please...po need ko lang po ng help nyo para magawa ko yun...<
> tnx ^^ <