Prologo

16 1 0
                                    

Sa malayong bayan ng kaharian ng Maharlika isang tanyag na Don na nagngangalang Felipe dela Viegga ang nagmamay-ari ng napakalaking minahan. Sa edad nitong 30 hindi na matatawaran ang galing nito sa pagpapatakbo ng Negosyo at hindi maikaka-ilang napakama-impluwensysa na niyang tao.

Sa karatig bayan na matatagpuan sa kabilang dako ng ilog Maraga naninirahan ang pamilyang Carlos. May munti silang bukirin na sinasaka ng kanilang ama na si Mang Emilyo. Ang ani sa munti nilang sakahan ang pinagkukunan nila ng pangtustus sa mga gastusin. Sa payak nilang pamumuhay sila ay kontento at masaya.



"Mga anak magmadali kayo riyan at nagugutom na iyong tatay niyo" ani ni Aling Sora. Napagpasyahan ng may bahay at mga anak ni Mang Emilyo na roon na sila mananghalian sa may lumang kubo na sahig,nipa na bubong at dalwang pahabang upuan nalang ang mayroon dahil malapit lang ito sa sakahan, pinaghahatian nila ang munting pagsasalohan na kanin, toyo, kamote at saging.



Sa paglalakad nila patungo sa kinaruru-unan ng ama, bugnot na bugnot ang mukha ng pangalawang anak na si Edisa. Mabibigat ang mga yabag nito na mapaghahalata-ang labag talaga sa kanyang loob ang pagsama sa pamilya, kung kaya siya ay napag-iiwanan talaga sa paglalakad.

"Tingnan mo mukha ni Ate Edisa" bulong ni Josefa (ang bunsong ng pamilya) sa kanyang Kuya Ramon ang pang-apat na anak nina Aling Sora at Mang Emilyo. Nilingon ni Ramon ang kapatid at muling bumaling kay Josefa sabay akbay dito na may kasama pang-pagsipol. Agad naman nakuha ni Josefa ang ipinapahiwatig ng kapatid na huwag nalang pansinin ang kadramahan ng kanyang Ate.

Iritang-irita na si Edisa sa dami ng talahib at mga damo na dumadampi sa kanyang hindi makanis na balat.

Anumang gawin niyang paghawi dito ay lumalapat pa rin kaya ay hindi niya maiwasang pagbuntungan ng galit ang dala niyang basket at na-ibagsak ito. Napatingin sa kanyang gawi ang ina kaya dali-dali niyang iniba ang expresyon ng mukha na tila'y nasasaktan mula sa pagkatalisod.

"O, anak anong nangyari?" wika ni Aling Sora na akma pang maglakad pabalik upang makapkapan ang anak kung ito ba ay nasugatan.

"Na talisod lang po ang paa ko inay pero ayos lang po" mahinhing sagot ni Edisa. "O siya tayo na at mag-iingat kayo sa paglalakad ayokong may madapa, ayokong may magalusan sa inyo, mag-aalala ang nanay" Aling Sora.Nang nakatlikod na ang lahat upang muling maglakad napa-irap na lamang si Edisa sabay pulot sa na ibagsak na basket.







"Itay mamaya na po iyan kain po muna tayooo" sigaw ni Manuel sa ama na nandoon pa nakatayo sa sakahan na distansya ang layo sa kinaroro-unan nilang lumang kubo. (Ang kakambal ni Edisa.)

"Emilyo tila humihina kana sa pag-aararo "asik ni Juan na kasama ni Emilyo na nag-aararo sa sakahan. Tiningnan ni Emilyo ang natapos niyang trabaho at kasunod ang kay Juan napagtanto niyang magkasing laki lang ang lugar na natapos nilang ararohin kaya't bumaling siya kay Juan na may pangkwekwestyong tingin.

Sumipol si Juan saka nagsalita "ano't nakaka-pito ka palang samantalang nakakasampu na kami ni Filomena".

Napailing na lamang si Mang Emilyo sa kapilyohan ng kumpare.

"Ikaw talaga kumpare maloko kapa rin, halika't sumalo sa amin mukhang marami at masarap iyong dala nilang pagkain" tugon ni Mang Emilyo.

Sa ilalim ng lumang kubo pabilog silang na-upo at nasa gitna ang ang pagkaing pagsasalohan. Pinangunaha ni Maria ang pagdarasal sa biyayang natanggap. Siya ang pang-limang na anak nina Mang Emilyo at Aling Sora, siya rin ang pinakahinhin at walang kasing pino kung kumilos.

"Alam mo nay at tay balang araw tatawagin akong Donya Glorya. Tapos sa malaking bahay na tayo titira, makakain din tayo ng masasarap na mga pagkain at magagara pa ang kasoutan" may halong akyson pang-pagsasaad ni Glorya sa kanyang pantasya. (Ang pangatlong anak nina Mang Emilio at Aling Sora)

"Alam mo ba ineng na may isang Don na nakatira dyan sa kabilang bayan? Siya si Don Felipe pagmamay-ari niya ang napalaking minahan sa bansa" ani ni Mang Juan.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Mang Emilyo at napakalas ng kalabog ng kanyang dibdib ng marinig ang pangalan ng Don. Idagdag pa ang usapin ng paghahanap ng mapapangasawa nito. Hindi niya na maitago ang ang pagkabalisa sa pinag-uusapan at siya ay umalma.

"Hindi mag-aasawa itong anak ko, napakabata pa niyan. Sina Edisa pa lang ang nasa tamang edad. Hindi maari!" halos masamid-samid na pagtutol ni Mang Emilyo.

Hindi naman maitago ng lahat ang pagkabigla at pagtataka sa inasal ng ama. Nasanay silang napakamahinahon nitong magsalita at hindi padalos dalos sa pagbibigay ng opinyon sa mga bagay-bagay.

"Anong pag-aasawa ang pinagsasabi mo riyan kumpare? Ang gusto ko lang naman sabihin maaaring tanawin ni Glorya si Don Felipe na idolo, na balang araw sa murang edad tulad ng Don na 30 palang nakamtan na ang rurok ng tagumpay" mahabang paliwanag ni Mang Juan sa na-una niyang iminungkahi.



"Kumain ka na nga riyan at kung ano-ano iyang pinagsasabi mo Emilyo" ani ni Aling Sora sabay sandok ng kanin.

Hindi paman na ilalapag ni Aling Sora ang sinandok niyang pagkain sa pinggan ni Mang Emilyo. Isang malakas na putok ng baril ang gumimbal sa pamilya napapikit na lamang sila sabay takip sa tenga. Yakap-yakap ang mga sarili at hindi makapaniwala sa nangyari at ang kapaligiran ay nabalot ng kahindik-hindik na takot.

Kasabay ng pagkahulog ng kanin sa sandok ang pag-agos ng luha ng panganay nilang anak na si Mayumi ng makitang ang ama na nakahandusay sa sahig, duguan at wala ng buhay.



Walang habas na umiiyak at sumisigaw si Mayumi na tila mababalik ng kanyang hinagpis ang pagkawala ng ama.





Dali-daling nagtatakbuhan ang mga alalay sa kanyang silid at ang kanyang pinakamalapit na alalay na si Selda ay walang pag-aalinlang niyakap siya upang mapatahan sabay bulong:

"Tahan na po, Donya Mayumi".

Pinipili Kita, Mayumi!Where stories live. Discover now