CHAPTER 3: THAT'S MY BABY

13 0 0
                                    

I decided na pagdugtungin ko na lang yung chapter 3 and 4 kasi masyadong maikli pag pinaghiwalay hehe :)) Enjoy reading foodies!!

———————————————

Naghugas na ko ng kamay at inalis ko na ang suot kong apron dahil magsasara na ang karenderyang pinagtra-trabahuhan ko, Nilibas ko ang de-keypad kong cellphone upang tingnan ang oras 'hays nalimutan kong isuot ang relo ko' nakita kong alas-siyete imedya na kaya agad na akong nagpaalam kay Aling Berta. Lunes na naman bukas at may klase nanaman.

Tuwing naalala ko ay napapa iling na lang talaga ako sa sinabi ni Lucas kahapon 'baliw na ata ang isang yon' hindi ko sya sinagot sa offer nyang friendship keme keme siguro ay malakas lang talaga ang trip nya, sino ba 'ko para kaibiganin nya diba?

Nandito ako sa kanto para mag abang ng tricycle na masasakyan kasi mag gagabi na at masyadong delikado kung maglalakad marami pa namang lasenggo sa dadaanan ko, may paparating na sasakyan kaya hindi ko masyadong makita ang daan dahil sa liwanag ng ilaw na nagmumula dito.

Pumikit-pikit ako upang I-adjust ang paningin ko, tumapat ito sakin kaya napansin ko ang pamilyar na kotse sa harapan ko. Bumukas ang bintana nito at bumungad ang gwapong mukha ni Lucas kaya agad na nagtama ang mata namin "Get in" maikling saad nya habang naka iwas ng tingin sakin, magsasalita na sana ako ng tumingin sya ng diretso sa mata ko tumagal ang titigan namin hanggang sa mailang ako at umiwas ng tingin.

'Anong trip neto?' Nagtatakang tanong ko sa sarili.

Agad akong nagsalita "A-anong ginagawa mo dito?" Napabuntong hininga sya bago mag salita "I'm here to pick you up, stupid" Nakakainis naman toh!okay na sana may pa-stupid pa sa dulo psh! "Wow haha!" Sabi ko na may bahid na sarkasmo sa tawa "Sinabi ko bang sunduin mo ko aber?!" Nagiinit dugo ko sa lalaking toh!

"We're friends, right?" Napairap ako sa sinabi nya "Sinabi ko ba? Atsaka ganito ka ba sa mga kaibigan mo?" Nakasimangot kong sabi "It depends" maikli nyang sagot.

"Aba! Katino mo naman kausap chong!" Nakita kong may dumaan kislap at pagkahanga sa mata nya kaya agad akong na alarma don.

"Hoyy ikaw! Crush mo ko noh?" Nasamid sya ng konti sa sinabi at agad tumawa ng mahina 'pwede na sexy tumawa hihi' sinuway ko ang sariling utak.

"Yup, I like you" nakangisi netong saad.

Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya 'ampotek joke joke lang naman ah!' Habang natataranta at iniisip kung anong gagawin ko ay malakas itong napahalakhak habang nakaturo sa mukha ko.

"Pfft hahahaha! Your face is so.. hahaha epic, get in I'm just joking around" Nakasimangot akong pumasok sa kotse nya.

Napapa iling-iling sya habang nag d-drive kaya agad ko syang hinarap "Ano bang trip mong lalaki ka?" Naiirita kong tanong "Nothing, let's be friends" diretso nyang saad "Eh? Bakit ako?" Sinulyapan nya ako ng saglit at tumingin muli sa daan.

"Bakit hindi ikaw?" Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat "Seryoso ka talaga? Walang halong charot?" Di ko kinaya si koya!

"Silly, ofcourse" Narinig ko pa ang malalim na pagtawa nya "Akala ko kasi masungit kang alien" napakunot ang noo neto "What the-- you're insane" napapailing nyang sabi.

"Akala ko talaga crush mo ko" napa palatak kong sabi "Why? Nanghihinayang ka?" Medyo slang ang pag ta tagalog nya.

"Oo! Sayang talaga" nakasimangot kong pahiwatig dahilan upang humalakhak sya ng sobrang lakas.

"You're one-of-a-kind hahahaha!" Kaagad ko syang binatukan "Bwisit ka syempre sayang talaga! Wala pang nagkaka gusto saking pogi noh!" Lalo syang humalakhak sa sinabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Decisive ForgoWhere stories live. Discover now