Ang Simula

3 1 0
                                    

Prologue

Nakaupo ako ngayon sa may single sofa,kinakagat ang aking kuko sa daliri habang nakatingin kay Shayne na nakaupo at nakayukong hawak ang kamay ni Damian .

" Excuse me Ma'am Mendoza." Napalingon at napatayo ako sa tinig na iyon ng doktor .

" Yes, doc?"

" Ichecheck ko lang po Ma'am ang vital signs at gamot ng pasyente." Saad Ng doktor Kaya naman tumango ako saka tinignan nya ang vital signs at gamot na nakakabit Kay Damian.

" Doc, matagal pa po ba sya magigising" nag-aalalang tanong ko matapos nyang magsulat ng Kung ano sa isang notepad.

" Don't worry he'll be wake up soon. Maayos na ang lagay nya Kaya naman ang kailangan mo lang gawin ay ang hintayin ang pag-gising nya." Malumanay na saad Ng doktor. Tumango ako saka umupong muli.






Gabi na kaya naman nagpresinta nako na ako na ang bibili ng pagkain sa labas. Bumili ako sa isang food stall malapit sa hospital at pagkatapos ay bumalik din kaagad.

Nakita ko sa nakabukas na pinto ang doktor at mga nurses na nag-aasikaso Kay Damian. Napangiti ako ng masulyapan ko syang nakadilat na ang mga Mata. Kaya naman inilapag ko kaagad ang mga pagkain sa Mesa saka tumingin sa kanya.

Naluluha at nakangiti pa ding hawak hawak ni Shayne ang kamay ni Damian,kinakamusta nya ang lagay nito at niyayakap nya. Nagsidatingan na din ang mga pamilya nila at kaibigan namin. Hindi nila napansin ang presensya ko at nagpatuloy na pumunta lang sa loob ng room ni Damian.


Bumuntong hininga ako saka napagdesiyunan kong umalis na ng kwarto. " Wala nakong lugar dito."  Hinanap ko ang mga gamit ko saka inayos Ito.

Mapakla ang ngiti kong sumulyap muli sa kanya.

" Ipinangako ko sa sarili ko na once na magising ka hinding Hindi na kita muling guguluhin pa."

" Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo hindi ko na alam ang mabuti at masamang epektong nadudulot at nagagawa ko mapasakin Ka lang."

" Suko nako tanggap ko na ang lahat. Hindi mo na ako makikita pang muli.... Damian." Saad ko sa aking sarili ko habang nakatingin sa kanya.

Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang mga luhang nagbabadya mula sa aking mga Mata. Saka tumalikod mula sa kanila at ipinihit ang pinto pabukas nito.

"Lianna" mahina ngunit dinig kong sambit nya. Kaya naman napahinto ako sa labas ng kinatatayuan ko.

"Babe?" Dinig kong sambit ni Shayne. Hindi naman sya sinagot ni Damian.

Nanatili akong nakatayo at nakatalikod mula sa labas Ng kwarto nila. Ramdam ko ang tahimik na presensya na nasa loob Kaya naman napapikit ako saka bumuntong hininga at nagpasyang aalis na.

"Lianna....baby"mahinang sigaw na sambit nya Kaya naman napasinghap akong tumingin sa kanya.













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the Name of Love[slowed update]Where stories live. Discover now