Chapter 1

15 4 0
                                    

•Chapter 1•

Margy

"Whooooo! HAHAHAHA paano ba yan? Panalo ako." may halong pagyayabang sa boses ni Ferdy na lumapit sa akin. Nakaangat pa ang chin nito at bahagyang naka-arko ang balikat, senyales na nagyayabang. Tch. Inilahad niya sa harap ko ang isang palad at umangat- angat ang dalawang kilay.

Pinalo ko sa palad niya ang isang libo at tumayo para kaltukan siya. Nasa bleachers kasi ako dito sa court, nakaupo sa unang baitang at nagpapahinga habang siya naman ay nasa ibaba. Tatawa- tawang tumingkayad si Ferdy at ginulo ang buhok ko na nakasuot pa ng bonnet.

Kaming dalawa lang ang tao sa court. Nakaalis na ang ibang kasama namin ng matapos ang laro. Nagkaroon kasi kami ng pustahan sa basketball kanina at obviously, talo ako. Tch. Kayabang nitong si Perding! E dadalawang beses pa lang naman siyang nanalo saken.

"Alam mong kulang ang bayad mo di'ba?" nakangiting aniya pero halatang nang-aasar. Inis kong inalis ang kamay niya. Kadiri tong taong to dikit ng dikit--kala mo nagpunas ng pawis?

"Tama na yan! Wala na'kong pera! Alam mong kakatanggal ko lang sa part time job na pinasukan ko!" reklamo ko pero tumawa lang siya.

"Kasalanan mo yan. Kung hindi ka ba naman tanga e."

Naasar na naman ako. Naalala ko bigla  Yung nangyari sa cafe na pinagpart- time- an ko. May naging customer ako na magandang babae. Siyempre dahil empleyado ako, nginingitian ko at pinakisamahan ko. Malay ko bang mamatain ako  at akusahang pinopormahan siya. Ang feeling amp. Ayun, nainis ako at pinatulan ko then boom! Tanggal! Hindi ko naman alam na fiancé iyon ng boss ko. Tch.

Lumapit pa sa akin si Ferdy at umupo sa tabi ko at parehas kaming nakatingin sa mga varsities na kararating lang ng court may kaniya-kaniyang bitbit na duffle bag, kasunod si Coach Urias, coach ng basketball team. Mukhang maghahanda na sila para sa practice.

"Hoy! Bat ako? E masyadong feeling yung malanding babae na yon. Porket maganda at sexy siya---papatusin ko na siya? Neknek niya." depensa ko.

"Relax hahahaha basta marami ka pang dapat bayaran sa'kin." aniya at inakbayan ako. Nangiwi ako nang maramdaman ko ang pawis sa kili-kili ni Ferdy. Dahil naka sando lang ako ay lapat na lapat ang balat niya sa akin. Hindi naman siya mabaho, nakakaasiwa lang talaga tong taong to. Kung umasta akala mo hindi mayaman. Tch. "Kita mo yon?" tinuro niya ang lalake na kasama sa mga varsity. Nangunot ang noo ko nang mapagtanto kung sino yon. Ano naman si Rosas-- este Chua?

Si Ross Davin Chua. Siya ang team captain ng WST o Westside Basketball Team, kilala yan dito sa Westside High pati na din ang grupo nila. Isang beses ko lang siyang nakaharap at nakausap pero last year pa yon. Tahimik siya at madalang magsalita, snobber pa. Pero yung ugali niyang yon ang nakadagdag sa mga dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniyang kababaihan,(hindi ako kasama ron, lol) bukod sa gwapo siya at matangkad. Siguro kung babaeng- babae lang talaga ako, baka isa na ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya pero hindi eh.

"O e ano naman siya?" tanong ko, hindi pa rin naaalis sa kaniya ang tingin. Halos mapatalon ako nang tumingin rin sa akin si Chua. Humalakhak naman si Ferdy sa tabi ko.

"Nakatingin si Chua sa'yo! Hahahaha" pabulong niyang sigaw sa tenga ko kaya hinampas ko ang noo niya palayo sa akin. Nang tingnan kong muli si Chua ay nakatingin pa rin ito sa akin-- malala ay nakatitig na siya. Tumaas ang kilay ko nang maghubad ito at magpalit ng jersey......nang hindi pa rin inaalis ang titig sa akin. Hindi ko na sana siya papansinin pa nang maramdaman kong may nakatitig pa rin sa akin. Nang tingnan ko siyang muli ay tama nga ang hinala ko. Nakatitig pa rin siya sa akin at sa pagkakataong ito ay nakangisi na siya. Ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko, naaasar ako kapag may taong lakas na loob na maghubad sa harap ko at ang pangahas na iyon ay si Chua.

Played by A Tomboy (Westside Series #1) Where stories live. Discover now