Chapter 1

2 1 1
                                    

Lucy's POV

Matapos ang tatlong subject nag afternoon break kami.

"Uyy lus bat antahimik mo yata ngayon?" Si Anne habang nag lalakad kami

'Si anne ang bestfriend ko since elementary sanggang dikit kami noon hanggang ngayon sya den ang ma swerteng babaeng nililigawan ni joshua'

'Si Joshua Martinez  ay gwapo at sikat sa campus miyembro rin sya ng blue hawks na may posisyon na 2nd base man. Mayaman sya kasi ang pamilya nila ang nag mamay-ari ng baseball stadium na pinag lalaruan ng professional league '

"Nakakainis kasing bully na yon ngi ngiti ngiti ng walang dahilan ano sya baliw?!"

"Hahahaha baka nmn may gusto sayo yon Hehehe"

"Yuck di mangyayari yon"

"Baka nga lng diba? Di ka mabiro hahahaha"

"Saka yung ngiti nya di nakakakilig or nakakatuwa yung ngiti nya parang nang aasar at nakakainis!" Natigilan kami ng may students na nag kukumpulan sa canteen

"Buti nga sakanya naman ng lakas ng loob nyan"

"Oo nga kapal ng face ah"

"Look at her mukhang basura"

"Hahahahahahahahahaha!"

Yan ang mga pinagsasabi ng mga students habang papalapit kami

Nung makalapit kami nadatnan namin ang isang babae na basang basa at kulay orange?! Oo kulay orange kasi orange juice ang binuhos sakanya sigurado akong kagagawan ni Chris toh

'Wala talagang awa pati babae binubuyo hays di na nag babago!'

'Si  Christian Mercado o mas kilalang christ ay isang kilalang bully dito sa campus sikat sya at miyembro siya ng blue hawks ang baseball team namin aminadong gwapo at may angking talino mayaman din siya kasi ang kanyang tatay ay sikat na baseball player at ang nanay naman ay sikat na volleyball player'

Mabilis na tumalikod ang babae at tumakbo palabas ng canteen

'Nakaka awa naman sya kung kanino mo gawin yon sobra sobrang pahiya yon hays'

"Grabe noh lus wala talagang babae babae kay Chris kahit sino binu-bully" nakangusong sabi ni anne

"Tsk tsk di na nag bago di nmn kasi madala sa office yan takot kasi ang mga students jan"

"Ohh mga tehh bat an tagal nyo naman?" Si Oliver pero gusto nyang tawaging olivia hehehe

"May eksena na naman kasing ginawa yung bully boy na yon" ani ko habang paupo na sa tavle namin

"Di ko alam na chismosa ka na pala teh sana sinabi mo saken para naki chika ako don at makita ko si papa ivan" si oliver habang pinapantasya si ivan

'Si Ivan santiago ay gwapo at sikat aishh lagi nlng basta yung apat na mag tropa sikat yon. Mayaman sila at sila ang nag mamay-ari ng sikat na tindahan ng kotse. Miyembro din sya ng blue hawks at may posisyon na shortstop'

"Wala ka ng pag asa don kita mong binabae ka hahahaha" ako habang nakaturo pa sakanya

"An sama mo teh masama bang mag pantasya hah?! Ikaw nga walang pag asa kay theo hahaha may iba nayon teh wag kana umasa" pang aasar din nya

'Si Theoden Milliano  my labs hahaha katulad din ng tatlo kanina pero mas gwapo sya para sakin! Mayaman den sila ang  tatay nya kasi ay isang sikat na detective at ang nanay naman nya ay nag mamay ari ng  sikat na clothes shop'

Matapos ang kainan at asaran ay pumunta na kami sa room namin.



















Im Inlove With Highschool Varsity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon