"Anak sa labas"
Written by: Senpai Dynxrea"Pagsabihan mo yang anak mo!!" sigaw ng aking ina.
Humagulgol na lamang ako habang nag-aaway ang mga magulang ko ng dahil sakin.
"Joyce naman, wag ka naman ganyan sa bata." sambit ng aking ama.
"Haynaku Fernando! lagi mo nalang ipinagtatanggol yan."
Tanggap ko naman na anak lang ako sa labas pero hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sakin puro nalang pag-aaway at ang mas masakit pa dun, ako ang dahilan ng pag-aaway nila.
"Bakit mo pa kasi kinupkop yan?! Ehh... Anak mo yan sa kabit mo." saad ni mama.
"Anak ko parin siya kahit na hindi ikaw ang totoong ina niya."
"Ay sus ginoo... Hindi ko gugustuhin na magkaroon ng ganyan na anak."
Punong puno ng pandidiri ang mga mata ni mama sa tuwing titingnan ko ito. Ramdam ko kaagad ang pandidiri nito sakin na para bang ayaw na niya akong mabuhay pa dahil anak lang ako ni papa sa labas.
"Joyce tama na! nasasaktan na yung bata tumigil ka na please lang."
"Bahala kayo sa buhay niyo mag-ama letche!" madiin na bigkas ng aking ina at sabay naglakad papalayo.
Nang makaalis ang aking ina, nilapitan kaagad ako ni papa at pinunasan ang luha na patuloy na dumadaloy sa mga mata ko.
"Pagpasensyahan mo na yung nanay mo Jacklyn anak ah." mahinhin na pagkakasabi ng aking ama.
"Hayaan mo andito naman ako sayo para protektahan ka."
"Pa... I-I'm s-so s-sorry..." patuloy parin ako sa pag-iyak.
"Ayus lang yun anak" dali daling niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit "Tahan na anak, wag mo nang isipin yun."
----
Kinabukasan... naglalaro ako ngayon ng mga biniling laruan ni papa para sakin, ito ang tanging libangan ko sa tuwing nasa trabaho pa ang aking mga magulang.Ilang sandali na lang ay malapit na umuwi ang aking ama, naglalaro parin ako ng mga laruan ko. Hanggang sa nakarinig ako ng pagbukas ng pinto inisip ko kaagad na baka si papa na yun pero medyo pa maaga para umuwi siya dito sa bahay.
"Papa!!" excited na sigaw ko at dali daling pumunta sa pintuan.
Ngunit pagkadating ko sa pintuan nakita ko ang aking ina nakatayo sa harap ko at punong puno parin ng pandidiri ang mga mata nito sakin.
"Tumabi ka nga dyan bwiset ka!" inis na sambit niya sakin.
Hinayaan ko na lamang siya dumaan, lagi talagang mainit ang ulo niya sakin. Pumunta ulit ako sa pwesto ko kung saan nandun ang mga laruan ko.
Ni hindi pa nga ako humahakbang papasok sa loob ng bahay sumalubong kaagad ang aking ina sa harapan ko at hinila ang braso ko.
"Halika ka nga dito." galit na sambit niya habang hinahawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hinila ako papasok sa loob.
"B-bakit... p-po m-mama?"
"Wag mo kong tawaging mama! hindi kita anak!"
"Tingnan mo hindi mo niligpit yung mga kalat mo! Pasaway ka talagang bata ka manang mana ka talaga sa kabit ng papa mo bwiset."
"P-pero... M-ma–"
Agad siyang kumuha ng walis tambo at walang awa niya ako pinaghahampas sa iba't ibang parte ng aking katawan. Hindi siya titigil hangga't hindi pa dumudugo ang parte na pinapalo niya.
"M-ma... T-tama na... p-po!" pagmamakaawa ko ngunit hindi niya ako pinakikinggan.
Patuloy niya parin ako pinapalo ng walis tambo "Bagay lang yan sayo! Wala kang kwenta bwiset!"
"T-tama... na... po!" humagulgol ako habang pinapalo niya parin ako ng walis tambo.
Habang pinapalo ako ng aking ina, nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pinto at mga yapak na tila ba nagmamadali. At ang nagmamadali iyon ay ang aking ama.
Inagaw ni papa ang walis tambo na pinaghahampas ni mama sakin "Joyce Ano ba?! Wala namang ginawang masama yung bata pinapalo mo!" galit na sabi ni papa.
"Ayan ka na naman... Pagsabihan mo yang anak mong walang kwenta!"
"Lagi mong pinagdidiskitahan yung bata. Hindi ka ba naaawa?"
"Bakit ako maawa sa dugyot na yan?"
"Jacklyn. Dun ka muna sa kwarto mo" baling ni papa sakin.
Agad naman ako tumayo at pumunta sa kwarto ko. Naririnig ko parin ang pag-aaway nila ang mga sigawan nila, mga masasakit na salita na binibitawan ng aking ina. Nakakaramdam ako ng kirot sa tuwing naririnig ko ang mga ito.
Bakit pa kasi ako nabuhay?
Gusto ko nang tapusin ang gulo na ito. Gusto ko na tumigil sila sa pag-aaway dahil sakin. Gusto ko nang tahimik na buhay. Gusto ko na tapusin lahat para matapos na.
Kinuha ko ang lubid na tinatago ni papa sa kwarto niya na galing sa pinagtatrabahuhan niya kumuha rin ako ng upuan para itali sa itaas ang lubid na hawak hawak ko.
Handa na ko matulog habang buhay para matigil na ang pag-aaway ng mga magulang ko ng dahil sakin.
"Mama, Papa... I'm so sorry for being a worthless daughter to you."
© Senpai Dynxrea
BINABASA MO ANG
Dynxrea's Short Stories Collection
Short StoryPlagiarism is a Crime. Picture is not mine. Credits to the rightful owner.