"Public Displays of Affection"
Written by: Senpai Dynxrea//Errors Ahead//
Nine months na kaming nagsasama ni Claire ngunit hindi siya nagpapahawak sa akin. Sa tuwing hahawakan ko siya bigla-bigla naman itong bibitaw at titingin sa akin ng masama para bang senyales na ayaw niya na hinahawakan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganun siya boyfriend naman niya ako pero bakit ayaw niya magpahawak sakin?
"Baby?" tawag ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot.
Sabay kami ni Claire ngayon papauwi ngunit hindi siya umimik simula nung lumabas kami sa gate ng school. Ako kasi lagi ang naghahatid sa kanya papuntang bahay nila, sa loob ng siyam na buwan yun lang ang tanging pwede kong gawin ang ihatid siya sa kanila.
"Oy? Baby?" muling tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at tumaas ang kilay nito mukhang wala siya sa mood makipag-usap sa akin.
"Ano yun?" tugon niya.
"Baby, pwede ba?" tanong ko ngunit umiling-iling lang siya.
Akmang hahawakan ko na siya sa kamay ngunit bigla siyang tumingin sa kamay ko at sabay umiwas. Hindi ko nalang tinuloy ang gagawin ko halata naman na niya makipag-holding hands sakin habang sabay kaming naglalakad.
"Ano ka ba? Maraming tao, maraming makakita sa atin." sagot niya.
"Pero baby... boyfriend mo naman ako ah." paliwanag ko at sabay napakunot ang noo ko.
"Kahit na." madiin na sabi niya.
"May limitasyon parin tayo." dagdag niya.
Hindi na lamang ako umimik lagi nalang siyang nagagalit sakin sa tuwing nagbabalak ako hawakan siya, tinatanong ko naman kung pwede ko ba hawakan ngunit init ng ulo ang lagi niyang tugon sakin. Kahit na magkasintahan kaming dalawa hindi namin ginagawa ang mga bagay na dapat ginagawa ng magkasintahan.
Nang makarating ako sa bahay nila Claire, pumunta kaagad siya sa gate nila dideretso lang siya hindi manlang lang siya nagpaalam sakin.
"Baby? May nakalimutan ka ata." saad ko.
Tumingin kaagad siya sakin "Ano naman iyon?" madiin na tanong niya.
Ibinuka ko ang mga braso ko na tila ba nanghihingi ng yakap. Hinihintay ko lang siya na lumapit sakin ngunit nakatingin lang siya ng diretso sa akin hindi manlang siya umaalis sa pwesto niya.
"Baby, pwede ba?" tanong ko.
Nakatingin parin siya sakin at walang imik hindi niya yata nakuha na gusto ko ng yakap bago ako umuwi sa amin.
"Alam mo Andre, mas mabuti kung umuwi ka na ngayon." sagot ni Claire at sabay pumasok siya sa loob ng gate nila.
"Goodbye." dagdag niya habang nilalock niya ang gate nila.
Nakaramdam kaagad ako ng paninikip ng dibdib kahit manlang yakap ay ayaw niya rin. Umuwi na lang ako at bakas sa aking mukha ang labis na kalungkutan habang ako'y naglalakad.
Simula nung naging kami ayaw niya talaga magpahawak sakin kahit manlang yakap ay ayaw rin pati halik lang sa pisngi ay ayaw niya parin, lahat ata ng ginagawa ng magkasintahan ay ayaw niya. Napapaisip nalang ako minsan kung bakit siya ganun sa akin boyfriend niya naman ako ngunit hindi siya nagpapahawak sa kasintahan niya. That's very weird...
-----
Naglalakad kami ngayon ni Claire ngunit kasabay namin ang boybestfriend niya na hindi pa niya nababanggit sa akin noon. Ni-hindi siya pamilyar sakin mukhang bagong lang dito ang boybestfriend ni Claire.
BINABASA MO ANG
Dynxrea's Short Stories Collection
Historia CortaPlagiarism is a Crime. Picture is not mine. Credits to the rightful owner.