KABANATA 11
NAGLALAKAD SI Andie papunta sa 3rd building ng may nakabangga siya.
"Ouch." Maarteng ani ng babaeng nakabangga niya.
"Bulag kab-." Sisinghalan na sana siya ng babae ng makita ang mukha niya.
"Oh Andie." Ngiting peke na ani ng babae.
"I'm sorry Jeziel hindi ko sinasadya babayaran ko nalang ang nasayang mong kape."
"Shh. I don't need your money. Hindi naman ako mamumulubi kong hindi ko tatanggapin yang barya mo." Pang-iinsulto ni Jeziel habang nakatingin sakanya mula ulo hanggang Paa.
"Just put a distance between you and Keizer." Ani ni Jeziel sabay ngiti sakanya at alam niyang peke iyon.
"Pero-."
Lumapit agad si Jeziel sakanya sabay lapit ng hintuturo nito sa labi niya.
"Just put a distance naiintindihan mo." At mahinang inalis ang hintuturo niyang nakadikit sa labi ni Andie.
At agad na umalis.
Napasinghap si Andie ng biglang binuhos ni Jeziel iyon sa mukha niya.
"Don't be surprised umpisa palang yan."nakangiseng ani ni Jeziel sabay talikod. At umalis.
Napatingin naman si Andie sa uniform niyang nabuhusan ng kape.
Bakit niya ako binuhusan?
May kasalanan ba ako sakanya.
Mabilis na pumunta si Andie sa locker room. Nakasalubong niya yung lalaking masungit na nakabanggaan niya no'ng isang araw.
Naguguluhang nakatingin ito sakanya at sa damit niyang natapunan ng kape. Mabilis siyang umalis at dumiretsong locker room.
Ng makarating don ay mabilis niyang binuksan ang locker niya at hinanap ang kanyang PE uniform.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang PE uniform.
Kulay lila ang manggas at kwelyo nito at puti naman ang laylayan. Napatingin naman siya sa kanyang jogging pants at shorts na kulay lila.
Joggingpants nalang ang susuotin ko.
Mabilis siyang nagtungo ng banyo at nagbihis. Nilagay niya pabalik sa locker niya ang madumi na niyang uniform na natapunan na ng kape kanina.
At mabilis na lumabas ng locker room.
"30 mins late."ani ng lalaki kaya napalingon siya dito.
Ito yung lalaking nakabangga niya. Nakasandal ito ngayon sa May gilid ng pintuan. may nakasabit na headset sa leeg niya.
"Hinintay mo ako " hindi makapaniwalang tanong ni Andie sa lalaki.
"Stop being assuming Hindi kita hinintay sinundan kita " tanggi ng lalaki at nag iwas ng tingin.
"So hinintay at sinundan mo pala ako" pag tatama niya. Napailing naman ang lalaki.
"Hindi nga kita hininta-." Hindi na niya pinatapos mag salita ang lalaki ng mabilis niyang tinignan ang relo niya.
"God, late na tayo" ani niya sabay tingin sa lalaking na inaayos ang pagkasuot ng headset niya.
Hindi na niya pinatapos ang pagkaka ayos ng lalaki ng headset nito ng mabilis niya itong hinatak.
Nag paubaya naman ang lalaki kaya mabilis silang nakarating sa tapat ng classroom nila.
Kinakabahang nakatingin si Andie sa tapat ng pintuan ng classroom nila.
BINABASA MO ANG
A BROKEN MEMORY
RomanceA BROKEN MEMORY "Oo nagbago ang itsura ko pero hindi ang pagmamahal ko sayo. "nag iba man ang itsura mo hindi hindi mo parin makakalimutan ang unang taong minahal mo. ang unang taong nag nagpabaliw sayo." "kong May nag bago man sakin ang itsura at a...