Chapter 3

19 2 1
                                    

Chapter 3

Ashley's POV

''Wala akong klase ngayon. Gala tayo?'' Tanong ko sa kanya nung malapit sya sa akin matapos nyang bumili ng ice-cream. 

''Eh bakit nasa school ka?'' 

''Eh nagkamali kasi yung kalendaryo sa amin. Sabi friday daw ngayon, saturday pala. Hahaha!'' Palusot ko. 

''Ah. Nakalimutan mo na naman ang araw. Ang alam ko, nakakalimutan mo lang ang araw kapag stress ka.'' Tumingin sya sa akin na para bang nagtatanong. ''Stressed ka?'' 

I pouted, he really know me. ''Si daddy kasi, lagi akong kino-compare kay Ate. Alam naman nya na hindi ko kayang pantayan yung nagawa at magagawa ni ate. Pero he keeps on insisting that I should. Argh! Lagi nya kaming kino-compare ni ate! Hindi ba nya alam na ako ay hindi si ate at mas lalong hindi ko kaya yung mga kayang gawin ni ate!'' I can't stop myself from shouting! Sobra kaya ang inis ko sa kanila. 

''Hey, Ash. Listen, don't listen to what your dad or what others say. You are you. If they can't accept nyo, you dont need to change, they are the one who need change.'' Pag-comfort nya sa akin. 

Haay~ It really feels good having a friend like him. ''Thank you, ha.'' 

''Huh? Bakit ka naman nag-thathank you?''

"Kasi naging kaibigan kita."

"Hanggang kaibigan na lang ba talaga?"

Hindi ko nal narinig pa ang huling sinabi nya dahil may biglang dumaan na motor. Napakabilis ng takbo at parang pamilyar din yung motor na yun. Muli kong tinignan si Grey, ''Ano nga ba ulit yung sinasabi mo?'' 

''Wala.. kainin mo na yang ice-cream mo, tumutulo na.'' Batid ko ang lungkot sa tono ng pananalita nya. ''Raine, ano palang course mo?'' 

''Civil Engineering. Hehehe. Ikaw ba?'' 

''Akala ko ba ayaw mo sa math? Eh puro math ang civil ah.'' Nagtatakang tanong nya.

''Ayaw ko nga sa math pero gusto ko kayang tawagin akong Engr. Ashley Raine Fortalejo. Sarap pakinggan, diba?'' Ngumiti na lang sya sa akin. 

''Oo. Pero mas masarap pakinggan yung Engr. Ashley Raine Anderson.'' 

Napansin ko lang, buhat nung magkita kami, lagi na lang syang bumubulong. Ganun ba ang epekto sa kanya ng states? Naiwan ata dun ang boses nya. Lagi na lang tuloy akong clueless sa mga sinasabi nya. Tsk. Ni hindi ko nga alam yung sinasabi nya e. 

Pero speaking of states, galing nga pala sya dun! ''Ay best!''

''Bakit? Bakit?'' Hysterical nyang tanong sa akin.

''Ngayon ko lang na-realize!'' Sigaw sigaw ko pang sabi sa kanya. 

''Na-realize ang alin?'' 

''Na umuwi ka na from states! Na nandito ka na ulit! Na kasama ko na ulit ang bestfriend ko! Na nagbalik ka! Huhuhuhu! Bestfriend, na-miss kita! Sobra!'' Sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Grabe! Ngayon lang talaga pumasok sa isip ko na nagbalik na si Grey. Na nagbalik na yung bestfriend ko. 

Nung pinutol ko ang yakap ko sa kanya, humarap sa akin ang isang Gray na hindi makapaniwala. Yun kasi ang sinasabi ng mukha nya. 

''Bakit?'' Agaran kong tanong. 

''Kanina pa ho kasi tayo magkasama tapos ngayon mo lang na-realize? Ibang klase ka din, eh no? Hahahaha.'' 

Ngumiti na lang ako sa kanya. It's been 2 years since I last met this person. Highschool kami non nung umalis sya. Sumabay pa dun yung sakit na ginawa nya sa akin. Si Gray kasi yung laging nandyan sa akin. Napapangiti nya ako sa t'wing malungkot ako. Napapatawa nya ako sa t'wing badtrip ako. At higit sa lahat, sya lang ang nakakaintindi sa akin. Sya lang. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinky PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon