SACRIFICES

59 2 0
                                    



"Ma, bilan mo naman akong bagong sapatos ohh" request ko kay mama, antagal na kasi nung huli nya akong binilan

"Ano ba Ann? Papabili ka na naman, pinsan mo muna bilan natin ang laki laki muna eh" tumango na lng ako at nagpahuli ng lakad di ko na kasi mapigilan ung luha ko

"Ma! Bilan mo naman ako ng bagong bag! Ung bag nagamit ko nung Grade 9 pa to eh, senior high na ako ohh" excited na sabi ko kay mama, namimili kasi kami ngayon

"Maayos pa naman ung bag mo tsaka ka na" humarap naman sya sa pinsan ko "Ikaw, baby anong gusto mong bag? Grade 7 ka na anlaki na ng baby ko" nakita kong tinuro ni Trisha ung mahal na bag na gustong gusto ko, agad naman kinuha ni mama to at nilagay sa cart

"Ma, kuhaan namin ng card sa Friday kelangan daw ng magulang" excited ako kasi alam kong kasama ako sa top 5, di ko pa sinasabi kay mama pero gusto ko makita nya

"Nako, kasabay ng kuhaan ng card nila Trisha yan walang kukuha ng card nya eh, kelangan mo ba talaga ng magulang?" ngumiti na lng ako ng peke

"Ahh hindi po sige okay lng" pagsisinungaling ko, makikita ko pa rin naman siguro card ko.


"Ano ba to? Sino na naman nakasira neto?" sigaw ni mama, nakita kong sira na lng ung laptop ni mama kanina pag-uwi ko, alam ko naman si Trisha nakasira nun, sya lng naman naiwan dito.

"E-ewan ko po" sagot ni Trisha

Bigla ko na lng naramdaman ang malakas na palo sa braso ko

"Ano na naman ginawa mo dito?! Pinakelaman mo to noh?!" nakagat labi na lng ako at di na napigilang tumulo ang mga luha ko. Kakauwi ko lng nun eh, pero okay lng baka mas lalong magalit si mama pag sumagot ako


"Ma, wala na pong ulam?" tanong ko, kakauwi ko lng kasi galing part time job.

"wala na, kumain si Trisha eh late ka na kasi umuwi nag-gala  ka na naman" ngumiti na lng ako

"Ah sige po okay lng may pagkain naman ako dito" pumasok na ako sa kwarto at kinain ung biscuit na dapat meryenda ko.


And now I got the time that I want, ako naman ung importante sa lahat, this is my time!

Ngayon nakabili na ako ng bagong sapatos, damit, ung bag na gusto ko at andami nang pagkain!

Nakikita ko ang sarili kong suot ung bago kong damit at sapatos, ung bag ko na nakapatong sa bagong kama ko na hihigaan ko habang buhay.

Nandito rin mga kaibigan ko, at mga kamag-anak namin, kumakain ang iba at ang iba naman tahimik lng.

At si mama na tatlong araw nang walang tulog kakabantay sa akin, umiiyak

"Anak, bakit mo kami iniwan? Bakit kelangan mong mawala? Anaak pleasee bumalik ka naa" hagulgol ni mama

Lumapit ako sa likuran nya at niyakap sya

Sorry ma hah? Andyan naman si Trisha para alagaan ka, sorry kelangan ko sumuko di mo naman kasi tinanong kung kamusta na ako eh. Wag po kayong mag-alala wala nang pasaway sa bahay, babantayan ko po kayo palagi, Iloveyou ma!


And no, I didn't commit suicide, I got raped.

Nung gabing hinahanap ko si Trisha kasi sobrang nag-aalala si Mama nakita ko syang kasama ng isang lalake pilit na pinapasama sa kanya, I used myself as a bait para makatakas si Trisha, which is successful naman. Nabuhay sya, ligtas sya, walang gasgas kahit isa, just like what mama wants.


I will sacrifice everything for my mothers happiness, even if it includes my life.

One Shots - Tragic StoriesWhere stories live. Discover now