Chapter 1: Buddies in Disguise

16 0 0
                                    

Gumising ako ng maaga dahil una sa lahat at hindi pangalawa, MONDAY ngayon. -_- Imbes sana na natutulog pa ko o nakahilata, kailangan kong kaladkarin ang sarili ko pabangon sa kama ko. Kailangan kong harapin ang real world, ang buong student body ng school namin, ang masalimuot na katotohanang may presentation ako sa school, at ang pag-oorganize ng program para sa upcoming JS Prom namin.

Look at the bright side, Laine.

Oh shoot. Ngayon nga pala ang first practice para sa JS Prom namin. May dahilan pa pala ako para ma-excite pumasok. Bakit kamo?

Partner ko si crush sa cotillion. Hmm... Perhaps crush is an understatement dahil alam ko sa sarili ko (at alam din ng isa lang sa dalawang best friend ko, wala nang iba pa) na matagal na kong naghohold-on sa feeling na 'to. Simula first year ako gusto ko na siya, at hindi nagbabago yun hanggang ngayon. Pero simula pa man noon, hanggang tingin lang ako sakanya. T^T

Pangalawang dahilan, dahil nga practice para sa prom, magpapractice din kami para sa turnover ng Key of Responsibility. Sa akin kasi inassign iturn-over ang key dahil ako ang vice-president ng student council at siya naman ang president. Pero kahit na madalas kaming nag-oorganize ng mga program at iba pang bagay together, hindi parin ako naging close sakanya. Nakakahiya kasi eh. Pakiwari ko, he's out of my league. President na siya ng student council, running for valedictorian pa, at chairman din siya ng at least 3 school clubs. But wait, there's more... Nag-uwi din siya ng ilang trophies sa school sa iba't ibang quiz bees.

Eh ako? I'm just a lone student council vice-president. Laging second. Hanggang second lang. I never make it to the top.

Kung nagtataka kayo kung sino ba 'tong emoterang potato na nagkekwento kung gaano kaperfect ang crush niya, ako pala si Patricia Laine De Guzman. Pero wag niyo kong tatawaging Patricia ha? Siya lang ang tumatawag sakin niyan. <3 Laine nalang. Hihi.

At kung nagtataka naman kayo kung sino yung prefect gift package na dinedescribe ko at kung saan ba nakakabili ng ganyan, asa pa kayo. Akin lang siya. Dejoke. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung saan nakakabili niyan eh. Sorry ha. Kusa lang yatang binabagsak ni God from heaven once in a blue moon yung mga ganyan. Pero siya pala si Samuel Fajardo. SF ang tawag ng mga students sa school at ng iba pang mga tao sakanya pero for some reasons, Sam ang tawag ko sakanya. And for some reasons din, hindi niya ko kinocorrect or hindi siya nagagalit sakin. Sweet ba? <3

Weird diba? Iba ang names namin sa isa't isa pero hindi kami close. Ewan ba, siguro dahil na din yun sa madalas kaming mag-work together dahil nga president siya at ako naman ang vice-president.

Nakarating na ko dito sa classroom namin and as always, ako ang unang dumarating. Typical student council officer life.

Dahil nga maaga ako at isang oras pa bago magring yung bell para sa flag ceremony, naidlip muna ako dito sa classroom. Wala pa sa kundisyon yung utak ko at yung katawan ko para pumasok eh. -_-

Wala pang 5 minutes, nakarinig ako ng pamilyar na boses na kilala ko na since kinder palang ako.

"Uyyy Dugs!! Aga natin ha?" Best friend kong si Charles. Dugs ang tawag niya sakin. Short for my last name, which is De Guzman. Pauso 'to eh.

"Cha naman, alam mo namang maaga ako lagi eh." Medyo inis ang tono ko dahil inaantok pa talaga ako at wala pa ko sa mood talagang pumasok. Isa pa, alam ko namang mangungulit nanaman 'tong isang 'to eh.

"Oo nga, maaga ka lagi. Pero hindi ganito kaaga. Usually dumarating ka 30 mins bago mag-bell. Hindi isang oras." Tsk. Makikipagtalo pa eh. Gantong inaantok ako.

"Whatever." Sabi ko sabay yuko ulit. Antok na antok talaga ako eh.

Finally, narinig ko na rin yung bell na tumunog. Madali akong pumunta sa stage para sa flag ceremony. At syempre, mukha ni Sam agad ang bumungad sakin. Hayy ganito yata talaga pag inlove. Blurred ang buong paligid liban sakanya.

The Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon