CHLOE BERNADETTE'S POV
Hi guys I'm chloe bernadette but you can call me chloe ganda hahaha chour.Nandito ako sa loob ng kwarto ko nakahiga sa kama habang hawak ang cellphone dahil tinatamad pa akong lumabas para kumain ng almusal, habang nagbro-browse sa newsfeed ng facebook ko may biglang nakaagaw sa aking atensyon na isang post at ang nakalagay ay “finding girl friend na pwedeng maging girlfriend pm me if interested😉😉”.kaagad ko siyang ini-stalk at nalaman ko na kiel de torres pala ang name and all I can say is ang gwapo nya mga bes at dahil mahilig ako sa mga pogi ay agad akong nag message sa kanya ng “hi” maya maya lang ay nakatanggap ako ng message mula sa kanya na nagsasabing “hello wanna be friends with me?” pagkabasa ay agad akong nag reply sa kanya ng “yeah if it's okay with you”, nagtagal ang aming pag uusap ng halos tatlong oras at nang matapos ay nagpasya na akong lumabas para kumain ng tanghalian.pagpunta ko ng kusina wala na akong naabutan na tao dahil alas dose na kaya dire-diretso akong nagtungo sa kusina upang magluto nang kakainin ko.nagluto nalang ako ng instant noodles dahil ako lang naman ang kakain at tinatamad ako magluto kaya nag umpisa nako magluto at nang matapos ay agad akong kumain.ala una nang matapos ako dahil hinugasan kopa ang pinagkainan ko kaya bumalik nako sa kwarto ko para sana ay magreview nang maalala ko na may practice pala kami ngayon para sa sayaw dahil sasali kami sa isang competition at malalate nako kaya agad akong naghanap ng damit na susuotin at nang makahanap ay patakbo akong pumunta ng banyo.
Pagkapasok ng banyo ay agad akong nag umpisa maligo dahil malalate na nga ako sa takdang oras ng pagkikita at nang matapos ay dali dali akong nagpunas ng katawan at agad na nagbihis.Pagkatapos magbihis ay bumalik ako sa aking kwarto upang maglagay ng pulbos at lip tint para kahit paano ay magmukha akong presentable at hindi magmukhang basahan sa practice kase medyo maraming tao ang nagpupunta sa lugar kung saan kami magprapractice nakakahiya baka may manood samin na pogi hehehe(Ang hilig hilig sa pogi kaya nasasaktan eh tsk)tse..manahimik ka nalang author story ko 'to eh(anong tahimik tahimik baka gusto mo mamatay sa sarili mong story)sabi ko nga ako na mananahimik hehehe.
Fastforward...
Nandito nako sa lugar na sinabi nila kung saan magprapractice malayo palang ay natanaw kona sila, kumpleto na sila at ako nalang ang kulang kaya agad ko silang nilapitan at humingi ng sorry dahil nalate ako.Agad kaming nagsimula nang sabihin nila okay lang daw yun at wag ko nalang daw ulitin kaya agad akong tumango at nagsorry ulit sa kanila natawa pa nga sila kase ang kulet ko daw.lumipas ang limang oras at natapos na kaming magpractice kaya nagpicture muna kaming lahat bago nagsi-uwian pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na kami ng daan pauwi, habang naglalakad pauwi ay napadaan ako sa isang coffeshop malapit samin at sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita ko siya na nakaupo sa loob habang nakaharap sa laptop nya.Papasok na sana ako sa loob ng coffeshop upang lapitan sya nang biglang may natanggap akong mensahe mula kay tita umuwi na daw ako dahil gabi na kaya hindi ko na tinuloy ang balak na pagpasok sa coffeeshop at sa halip ay dumiretso nalang ako sa paglalakad pauwi.Nang makauwi ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at agad na nagpalit ng damit at saka humiga sa kama ko sandali para magpahinga,maya-maya ay tinawag na ako ni tita upang kumain na daw kaya agad akong bumangon sa higaan at lumabas ng kwarto.pagkadating ko nang kusina ay naglalagay na si tita ng pagkain na binili nya sa lamesa kaya nag presinta akong tutulong at agad naman siyang pumayag,pagkaayos ng mga pagkain ay agad kaming nagsimula kumain at nang matapos kumain ay nagpresinta akong ako na ang maghuhugas nang pinggan ngunit tumanggi sya at sinabing siya na daw ang maghuhugas kaya bumalik na ako sa kwarto upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagrereview sana kanina.pagkapasok ay agad kong kinuha ang aking libro at maya maya ay nag umpisa na ngang mag review,dalawang oras ang nagdaan ng matapos ako magreview kaya nahiga na ako sa aking kama at nagmuni-muni nang bigla kong maalala si kiel kaya agad kong kinuha ang aking cellphone at agad na nag message sa kanya at sakto naman na online sya kaya ilang sigundo lang ay nagreply agad siya.sinabi kong nakita ko siya kanina at balak ko sana na lapitan sya kaso nag message ang aking tita na umuwi na daw ako kaya diko na tinuloy ang balak na paglapit sa kanya maya maya ay nakatanggap ako ng message galing sa kanya na nagsasabing sayang daw at di kami nakapag meet in person kaya agad akong nagreply na okay lang yun may next pa naman,nagtagal ang aming pag uusap ng isa't kalahating oras hanggang sa nagpasya na kaming matulog dahil masyado nang malalim ang gabi kaya binaba kona ang aking cellphone at pinikit na ang aking mata hanggang sa maya maya lang ay nakatulog na ako.
Hi guys it's me hehehehe first time kong gumawa ng story kaya sana maintindihin nyo kung meron man akong typographic error pagpasensyahan nyo na I'll try my best to make my story understandable hehehe yun lang goodnight guys😊😊