"LOOK what have you done, Uno. Kalat na kalat na ang issue tungkol sa pakikipaghiwalay mo kay Nadia," kasabay ng padabog na pagsalampak ni Rob sa couch na nasa harapan ni Uno ay ang paglalapag nito ng isa na namang diyaryo sa center table na nasa mismong harapan niya. Halos mukha na lang niya ang laman ng front page ng nasabing diyaryo. Walang pinagkaiba ang larawang iyon sa larawan na nilalaman ng siyam pang diyaryo –mula sa ibang publication – na nasa center table rin.
Matapos ang tatlong taong relasyon, Uno Montenegro at Nadia Saavedra, hiwalay na! sabi ng isang caption ng diyaryong naroon.
Uno Montenegro kinumpirma ang pakikipaghiwalay niya sa long-time girlfriend na si Nadia Saavedra. Ito naman ang sabi ng isa pa.
Hiwalayang Uno Montenegro at Nadia Saavedra totoo na! Hindi pahuhuling sabi naman ng diyaryong nasa pinakaibabaw ng mesa.
Pakiramdam ni Uno ay sasabog na siya ano mang sandali. Sa lahat ng issue na naibato sa kanya ay ang usapin tungkol sa pakikipaghiwalay niya kay Nadia ang pinakamalala. Siguro ay dahil ito ang pinakatotoo sa lahat ng issue na idinikit sa pangalan niya kaya ganoon.
Katulad ng sinasabi sa isang diyaryong naroon sa harapan niya ay tatlong taon na rin ang relasyon nila ni Nadia. Sabay silang sumikat nito matapos na bumida sa isang pelikula pero bago iyon ay mas nauna na siyang nakilala matapos manalo sa isang reality search. Literal na magkasama nilang hinarap ni Nadia ang mga hamon na hatid ng showbiz. Ilang T.V. series, commercials, pelikula, concert, album at endorsement rin ang pinagsamahan nila sa loob ng tatalong taong iyon. Aminado rin si Uno na totoong masaya siya sa relasyon niya kay Nadia...noon.
Pero iba na ang kaso ngayon. Pakiramdam niya ay hindi na healthy ang relasyon nila ni Nadia. Marami na silang hindi napagkakasunduan. Mas madalas na silang mag-away kaisa lumabas para mag-date. Pakiramdam rin niya ay nag-iiba na ang priorities at mga plano nila sa buhay –bagay na hindi nila masyadong napaghandaan noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila.
"Tell me, what's your plan now?" pagkatapos ng mahaba-habang katahimikan ay tanong ng halatang stressed na si Rob. Rob was his manager for three years now. Ito ang nasa likod ng kung ano man ang mayroon siya ngayon. Utang niya kay Rob lahat...as in lahat. Rob was not just a manager for him. He was his best friend and business partner rolled in one. Kaya naiintindihan niya kung nagagalit man ito ngayon. Alam na alam kasi ni Rob ang mga naging paghihirap at sakripisyo niya para lamang marating ang kinaroroonan niya ngayon. "Nakausap ko ang manager ni Nadia. I even talked and discussed things with her mother. Payag sila na ayusin ang gusot na ito, Uno. Nadia is more than willing to take you ba..."
"No," matigas na putol niya sa ano mang sasabihin ni Rob. Pwedeng nahihirapan at sumasakit ang ulo niya sa stress ngayon pero kung magiging totoo lang siya sa kanyang sarili, aminado si Uno na mas maluwag ang loob niya ngayon.
Freedom. Ito ang kapalit ng pakikipaghiwalay niya kay Nadia. Because hypocrisy aside, being with Nadia was like living in prison. Mas tama nga yatang tawaging sintensiya ang relasyon nila ni Nadia at bilangguan naman ang condo unit na tinitirahan nila sa loob ng tatlong taon. Bukod sa wala siyang kalayaan ay hindi na rin siya masaya. Mas nararamdaman na niya kasi na ang dahilan na lang ng pagsasama nila ay ang katotohanang kailangan nila ang isa't isa para patuloy na sumikat. Hindi na pagmamahal ang pundasyon ng relasyon nila. At ang sabi ng mommy niya bago nakipaghiwalay sa daddy niya noon ay pagmamahal daw dapat ang dahilan kung bakit nagsasama ang dalawang tao.
Eh, saan na napunta ang pagmamahal niya kay Nadia? Hindi rin niya alam. Hindi niya alam kung paanong nawala ang pagmamahal na iyon. O baka naman sa simula pa lang ay wala ng pagmamahal? Dahil kung mahal niya si Nadia, ipaglalaban niya ito. Hindi siya papayag na malayo rito. The fact that he chose to set her free was enough reason for him to think that he never love Nadia. Baka nadala lang siya ng matinding pagnanais na sumikat kaya siya nakipagrelasyon at nakipag-live in kay Nadia ng tatlong taon. He was blinded by his dream of becoming a celebrity. Mainaw rin niyang nauunawaan ngayon na nadala lang siya sa dikta ng libo-libo nilang mga fans kaya akala niya noon ay pwede ring mauwi sa totohanan ang pagiging maglove team nila ni Nadia. "I made my mind, Rob. I don't want to go on having a relationship with Nadia. I'm tired. Pagod na pagod na akong magpanggap. Ayaw ko nang magtago. I never felt this brave to be true about myself, ngayon lang. At ayaw ko nang palampasin ang pagkakataong ito," he said.
Napabuga ng hangin si Rob bago napayuko at napakamot sa batok na halatang biglang bumigat dahil sa matinding stress. "This will take everything you have, Uno," sabi nito nang tingnan siya mayamaya.
He just smiled bitterly. "Is there anything left for me? Wala na, Rob. I have nothing to lose," he said.
And it's true. Walang mawawala sa kanya. Wala na siyang pamilya dahil may kanya-kanya ng buhay ang mga magulang at kapatid niya. Kung pera at pera lang naman ang pag-uusapan ay madali naman siyang kikita sakaling talikuran niya ang industriya. Sa loob ng tatlong taon ay may ipon na siya. He could start his own bussines. Pwede rin siyang bumalik sa pag-aaral –bagay na hindi niya nagawang tapusin dahil sa pag-aartista.
See? Wala nang mawawala sa kanya sakali man na tuluyan na siyang hindi tanggapin ng tao pagkatapos niyang hiwalayan si Nadia. Kaya bakit siya matatakot? Hindi ba at mas magandang harapin na lang niya ang buhay kaisa patuloy na magtago sa relasyon nila ni Nadia?
Buhay. Tama, iyon ang tatlong taon nang nawawala sa kanya mula nang pasukin niya ang pag-aartista. Iyon ang tanging bagay na hindi niya naramdaman ni minsan habang kasama sa iisang bahay si Nadia. At gusto na niyang mabuhay. Gusto niyang tuklasin kung ano ang buhay na mayroon siya sa likod ng tagumpay at kasikatang pinili niyang magkaroon tatlong taon na ang nakakaraan.
"Fine. It seemed that you really made your decision. Ang tanong, handa ka ba sa mga consequences ng desisyon mong ito?" tanong ni Rob pagkalipas ng mahaba-habang katahimikan.
Handa nga ba si Uno? Pagkatapos ng tatlong taon na pagtatago sa liwanag na dulot ng kasikatan niya bilang artista. Ngayong wala na ang libo-libong tagahanga na akala niya ay kumumpleto sa buhay niya. Ngayon iiwan na niya ang pedestal at mamumuhay na siya sa totoong mundo na ilang taon niyang tinakasan ay handa na nga ba siya? Alam pa ba niya kung paanong mabuhay...ulit?
Hindi niya alam. Sana ang tanong na iyon ay kasingdali lang ng pagseselfie na kaunting edit lang at adjust ng camera effects ay nadadaya na ang pangit na resulta.
Paano nga kaya siya magsisimula sa buhay na gusto niya? Isa pang tanong; ano nga ba ang buhay na gusto niya?
BINABASA MO ANG
With Her
RomanceMeet Uno, ang pinakakontrobersiyal na artista ngayon dahil sa pakikipag-break sa long-time partner nito na si Nadia. Ang itinuturong dahilan? Bakla raw si Uno at maraming ebidensiya. Kailngan niya ng magsasalba sa kanya! Sa isang bakanteng mesa sa i...