15 0 0
                                    

INAY
(woshirennaaa)

Mula pagkabata,
Ikaw ang nag alaga.
Sa mumunting bata,
Ikaw'y nagtiyaga.
Hirap ay di mo alintana.

Marami mang pagsubok
Sa buhay na dumagok,
Iyong nalalampasan
Para sa aking kapakanan.
Maraming salamat sa buhay mong laan.

Pasasalamat aking inaalay,
Sa iyo , oh aking inay.
Kundi dahil sayo
Ako'y walang malay.
Buhay koy walang say-say.

Pangarap mo para sa akin,
Aking tutuparin.
Pagaaral ay aking pagbubutihin.
Ito ang sukli
Ng paghihirap mo para sakin.

Walang makapapantay
Sa pagmamahal mo, oh aking inay.
Nais kong magpasalamat,
Sa pagaaruga mo't gabay.
Para sayo ang alay kong tagumpay.

Stories On The StarsWhere stories live. Discover now