Chapter 4

27 10 0
                                    



Gumising talaga ako ng maaga dahil bukas na ang pasukan. Aalis na kami ngayun ni Tashia patungong Faith University kung saan kami mag aaral ngayung pasukan, at yeah, bukas na ang pasukan. Sa wakas ay may makikilala na akong mga kaibigan. Napaka dali ng panahon, parang kahapon lang nung nangyari sa may dalampasigan, tapos ngayun it's June 01, 2020!!





Naghahanda na ako. Pagkatapos maligo ay kakain nalang ako ng agahan since di ko na kailangang mag impake dahil kagabi pa lang ay handa na ako. Ganun ako ka excited.






Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Yaya Melva na naghahanda ng agahan. Tumungo na ako sa hapagkainan at umupo.






"Wala ako doon Sanna, walang mag aalaga sayo kaya dapat lagi mong tatandaan iyung mga tinuro ko sayong ulam, kung paano yun lulutuin at kung ano ang mga sangkap. 'Wag masyadong maalat at 'wag din masyadong matabang. Natatandaan ko pa iyung niluto mo noon, grabe ang alat Sanna." Natawa siya habang inaalala yung kahihiyang ginawa ko. Napasapo nalang ako sa noo dahil hanggang ngayun preskong presko pa 'yun sa isipan ko. Kahiya!






"Opo" kumuha na ako ng plato at kutsara na nakahanda sa mesa. Kakalagay ko lang ng kanin sa plato ko nang nagsalita na naman si Yaya. Kailan ba siya matatapos sa mga bilin niya? Hays.






"Iyung bilin ko na wag magpagabi ng uwi. Pagkatapos ng pagkatapos ng klase, uwi agad. Tsaka, isa pa, wag ka munang mag jowa-jowa doon ha? Nakakasira iyan sa pag aaral." Bilin niya ulit tsaka tinawag na sila Katelyn at Kiko upang kumain.






"Yaya, di na po ako bata okey? I can take care of myself naman po. Nabuhay nga po ako na wala kayu nung nasa New York pa ako e. Kaya okey lang po ako at kaya ko po ang sarili ko." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nagpatuloy na ako sa pagkain at salamat naman at di na nagbilin pa ng mga dapat ko kamong gawin kahit alam ko naman lahat kung ano ang pakay ko doon. At isa pa andiyan naman si Tashia, di naman siguro ako pababayaan nun.



----

Pagkatapos naming kumain at magligpit sa hapagkainan ay pumasok na ako sa kwarto sa huling pagkakataon.



Kahit ilang araw lang ako dito, naramdaman ko talaga ang isang tahanan. Pamilya, pamilya kung anong wala ako. Workaholic kasing pareho sina mommy at daddy kaya wala silang oras para sa akin. Kahit holidays nagtatrabaho, minsan nga naiisip ko na hindi ba sila napapagod kakatrabaho? Kaya nga may holidays e, para naman may bonding yung pamilya pero di ko talaga ramdam ang pamilya dun sa New York kahit palagi naman si Mommy sa bahay pero lahat ng atensyon ay sa trabaho, ni katiting na atensyon para sakin, wala. Nabuhay ako sa mala impyernong buhay. Buti nalang dumating si Yaya Melva sa pamilya namin, sa buhay ko. Nung dumating siya, kinulayan niya ang buhay ko. Ginising niya ako sa mahabang pagtulog. Siya ang kauna-unahang gumising sa akin, akala ko di na ako magigising pa sa panaginip na iyon. Pinakain niya ako ng kasiyahan. Nabusog ako sa kasiyahang dala niya, and I'm so thankful because she came into my life. She makes me smile whenever I'm sad, she makes me laugh whenever I'm crying, she makes me feel special, she treat me like it's as if her real daughter. She always makes myday wonderful until now na malaki na ako. I already turn 18 nung May 28.

----


Lumabas na ako sa kwarto kasama ang mga gamit ko.


"Yaya, I'll miss you!" Binitawan ko ang mga gamit ko tsaka ko niyakap si Yaya. I really love her hugs. Tight hugs. I'll miss this.



"Mm, sige na, maiiyak ako neto e. Ikaw na bata ka! Ayoko umiyak kaya 'wag kang ganyan. Para namang hindi kana babalik dito, uuwi ka pa dito noh!" Kumalas ako sa pagkayakap at hinalikan siya sa noo. Matangkad naman kasi ako, mas matangkad pa ako kay yaya.




"Baka po..di na tayo magkikita pa ulit...." Sambit ko. Pero sa halip na malulungkot si Yaya ay tumawa ito kaya tumawa nalang din ako.



"Kahit kailan talaga Sanna, ang pangit mong magbiro." Sinimangutan ko siya at pabirong nagdabog. Niyakap niya ako muli. Maiiyak na ako neto ih!




"Sige na..." Tinulak na ako ni Yaya palabas ng munti nilang tahanan.




Pagkalabas ko ay kakarating lang din nila Tashia sa amin. Kotse nila ang gagamitin namin papunta doon na ipinagpapasalamat ko dahil ayoko rin naman na uutang pa si Yaya para lang may pamasahe ako doon. Buti nalang talaga nakilala ko 'tong si Tashia.




Dala ko ang aking mga gamit palabas. Tinulungan ako ng kanilang driver na ilagay ang mga gamit ko sa likuran. Nasa loob na si Tashia at ako nalang ang hinihintay.



Lumingon ako sa naging pamilya ko dito sa huling pagkakataon.




"Paalam ate Sanna!" Sigaw ni Katelyn na siyang kasama ko sa kwarto tuwing gabi. Ewan ko lang kung naririnig niya ang mga hikbi ko tuwing nananaginip ako. Sinuklian ko siya ng isang ngiti.




Bigla kung naramdamang may yumakap sa akin.


"Ate Sanna, mamimiss kita. Ingat ka doon ha?" Tumingala si Kiko sa akin. Nakita kong may dumaosdos na luha sa kanyang mukha kay pinunasan ko ito gamit ang hinlalaki ko.



"Yung ate mo hindi umiyak na siyang palagi kong kasama sa kwarto. Pero ikaw? Yumakap ka pa talaga sa akin habang umiiyak huh?" Biro ko. Pero as always palaging palpak ang mga biro ko tulad ng sabi ni Yaya.



"Ate naman eh!"


Tumawa ako tsaka siya ginantihan ng yakap.

"Aminin mo nga sakin, bakla ka ba?" Bulong ko.


Kumalas siya sa pagyakap at tumakbo pabalik. Natawa nalang ako sa ikinilos ni Kiko. Baklang toh!



Saka dumapo ang paningin ko kay Yaya na papasok na sa bahay nila. Nakita ko pa siyang palihim na pinupunasan ang takas na luha. Nalungkot tuloy ako bigla.



"Ingat ka ate!" Sigaw ni Katelyn nang buksan ko na ang pintuan ng kotse.



Kumaway nalang ako sa kanila at pumasok na sa kotse.



Katabi ko si Tashia na ngumingiti.


Problema neto?


"Para kang asong ulol, itigil mo yan!" Binato ko siya ng unan na nasa gilid ko.




Nakailag naman ang bruha. Kainis!




"Are you excited?" Tanong niya.


"Yes"


So much excited!







SMILEY FACE (COMPLETED)Where stories live. Discover now