// a telegram-inspired story
"Hoy mangbugaw ka na"
yan ang bungad sakin pagbukas sa aking telegram app.
dali dali naman akong nagpunta sa OG Chat Bot nang masimulan ko na mambugaw."Partner found"
"Hi"
" Do you know how to use interests?"yan ang sunod sunod na chat sakin ng partner ko. Englisher pa nga.
"Hindi din eh"
"I'm going to bugaw my friends"
reply ko at dali dali ko din isinend ang bugaw list sakanya.
Agad din naman niyang sinabi na hindi siya interesado at bakit di nalang namin kausapin sarili namin."Stupid" yan ang sinabi niya na nagpahinto sa pagsales talk ko.
Agad ko naman siyang sinabihan na alam ko at dun ko na nakita ang sarili ko na nagoopen up ng mga problema ko sakanya. Nag usap din kami sa kung anong course ang kukunin niya at napagalaman kong future lawyer siya.
hanggang sa hiningi ko ang UN niya na agad din naman niyang ibinigay.Matagal din kaming nagusap hanggang sa umamin ako na gusto ko siya pero agad din niya akong sinabihan na hanggang MAGKAIBIGAN lang kami at wag nakong umasa na magugustuhan niya ko pabalik. Tuloy parin kaming nag uusap hanggang sa sinabi niya sakin na may sakit siya todo alaga ako sakanya hanggang isang araw na wala siya reply sakin at napagalaman kong nasa hospital pala siya.
Alam kong malabo pero nagbaka sakali ako na magugustuhan niya rin ako pabalik. Hanggang isang araw dumating ang pinaka ayaw kong pangyayari nag away kami sa di ko alam na dahilan. Alam kong disappointed siya sakin. Mula noon hindi na kami nag usap ng maayos. Hanggang sa kumuha ako ng lakas ng loob upang comprontahin siya kung gusto niya parin ba akong kausap at kung bakit nagbigay siya ng motibo. Ang tanging sinabi niya sakin ay pasalamat ako dahil nagbigay siya ng motibo dahil sa dami ng problema ko. Dun ko napagtanto na ginamit niya ang kahinaan ko at hayaan akong mahulog sakanya.
" Tuparin mo mga pangarap mo kahit di na ako ang kasama mo, I'm so proud of you my atty." yan nalamang ang nasabi ko.
"Malaya ka na"
"Malaya ka na din"
Pag tapos niyang magpaalam agad akong pumunta sa bathroom at umiyak. Sino ng lalapitan ko kapag nagkaproblema ako?Nag daan ang mga araw at naalala kong ngayong buwan siya magkakaroon ng donor at agad na ooperahan, kaya agad ko siyang kinamusta.
Hey, How are you:
I just remembered this month should be your surgery, right?: Hi, Yes. But i didn't accept the donor.
why?:
: I don't feel like accepting it. Take care, princess.
Pag tanggap ko ng huling mensahe niya alam kong may mali. May naramdaman akong hindi tama. Kaya pag lipas ng tatlong araw agad akong nagchat sa telegram niya.
Hey! How are you doing?:
I hope you're doing great:
Please reply when you red this already:: Hi, this is his brother. I want you to tell the news that my brother has passed away yesterday night. And i thought of sending you a message because before he died, i can hear him call your name and saying sorry. I saw a letter under his pillow and i think it's for you. I will be sending the letter to your address right away.
Matapos kong basahin ang mensahe na iyon ay binigay ko agad ang address ko at agad na humiga sa aking kama at humagulgol. Iniisip kung ano ba ang naging kasalanan ko at bakit kinukuha lahat ng mga mahal ko sa buhay. Iniisip kung may bakit wala akong nagawa para makiligtas siya. Pag karaan ng ilang araw ay may dumating na sulat sa aking mailbox at agad ko itong binasa.
Hi mahal,
I hope you're doing good. I'm sorry for leaving. I'm sorry if i didn't say my last goodbye. I don't want to see you hurting. I know you've fought alot of battles alone but always remember to talk with the stars when you can't handle the pain because i am up there listening. Don't be sad because I'm gone, I'm still at your back hugging you, when you're crying. Please go reach for your dreams without me because i am the happiest watching you being successful. Always take care, Princess. I am now at peace, I hope you find your peace too. Don't always trust ok? I love you.Atty, Bakit naman ganito? Bakit mo'ko iniwan agad? Sana masaya ka dyan ngayon. Hindi man ako gagaling agad sa sakit ng pag iwan mo sakin pero susbukan ko paring maging masaya para sayo, susubukan kong tuparin lahat ng pangarap ko at tutuparin ko parin and pangako ko sayo. Sana bago ka nawala ay nasabi ko man lang na MAHAL NA KITA, ATTY.
END.
______________________________________________
Always Smile :))
BINABASA MO ANG
Mahal na kita, Attorney. ( One shot story)
Short StoryA one shot story about internet love.