Hi ako nga pala si Jomarie Morada , noon 17 Years old lang ako fresh graduate ng 4th year highschool. Walang nakong nanay Nakatira ako sa Tatay ko, May Asawa na syang iba Vilma ang pangalan nya at may 4 na anak sa Step mother ko, Tatlong lalake at nagiisang babae, Ako ang pinakamatanda. Yung Panganay nilang anak na si Ace 14 years old , Pangalawa yung babae si Kim 10 years old, at ang dalawang lalake na sina Jun-Jun at Monchi Mahirap makisama sa magulong bahay na iyon, bukod sa Unfair ang bwisit kong StepMom pati mga kapatid ko minsan nakakainis din. Nag enroll ako sa BSU(Malvar Campus) BSIT(Bachelor of Science and Information Technology) Sana ang kukunin ko. Kaso Late enrollees ako kaya Pumatak ako sa BIT(CVL-Technology) Unang pasukan palang sobrang boring na, siguro dahil din sa hindi ko hilig ang lecture/ang pinatakan kong course. Sobrang nakakawalang gana, biruin nyo Major subject namin mag attendace ka lang pede ka ng lumabas, syempre hindi mawawalan ng nanghihinayang sa tuition ,meron paring uma-attend ng klase, at kami naman nasalabas na, yung iba nag bibillyard's, nag dodota , nakikipag date sa mga syota sa mall's at kung ano ano pa, ako naman assusual nagdodota ko kasama ng mga bago kong mga kaklase, at pagkatapos uuwi na. syempre nakapag attendance na hindi na kame nababahalang umuwi. kung may activity man kinabukasan na gagawin. paulit ulit lang ang gawain nameng non. Hanggang sa matapos ang isang sem. Eto na ang pinakaiintay ko.. makakapag shift nadin ako !
nung enrollan na, Hindi ako nag atubiling mag shift ng course , Kumuha agad ako ng "Shifting Form sa Registrar then fill up nagulat ako ng may makasabay akong kaklase. tinanong ko sya. "Marnon bakit ka mag shi-shift?!" ang sabi nya.. Potek ! sino bang mag tatagal sa course na yun ! kulang bumili ka lang ng libro papasa kana . sabi ko naman "Eh anong course ka mag shi-shift? sagot nya.. "ENGENEERING PRE! sabay tawa, Akala ko nagbibiro lang sya pero nung nakita ko yung Shifting Form nya. at aba! mag shi-shift na sa ENGENEERING ampota. makalipas ng kwentuhan namin habang pinipirmahan ng Registrar ang shifting form namin, biglang tinawag na yung pangalan naming dalawa para kunin yung shifting form namin at sabay din kaming umuwi.
1st day sa BSIT-121
At pasukan na naman. syempre excited nako na medyo kinakabahan, May makikilala na namang akong bagong mga kaklase,teachers,crush at mga weird na tao. Pag gising ko ng 6:30 ng umaga una kong hinagilap ang Schedule ko, Pagtingin ko sa sched ko aba ! at ang nakalagay (Moday 7am-9am/Programing l), Pandalas nako ng bangon, kinuha ko ang tuwalya sabay pasok sa banyo, nagulat step mom ko bakit ako nagmamadali, pag baba ko ng hagdan dumeretso agad ako sa banyo at syet! may tao ang kapatid kong babae na sobrang tagal bago maligo ! kinatok ko na ng kinatok sa kaka-katok ko binu-ngangaan na naman ako ng step mom ko. HOY JOMAREE! ano na naman yan alam mong may tao sa banyo kakatukin mo ng kakatukin eh ! kung bumangon ka ng maaga ! cha cha cha chaa!! at syempre pasok sa tenga labas sa ilong ang sermon ng bwisit kong step mom. habang nag sesermon sya naisipan kong kumaen nalang para pagkatapos ko kumaen deretso ligo na , at after almost 30 minutes natapos din ang kapatid kong maligo, pumasok nako agad ng banyo, nagbihis at sipilyo . Pagdating ko ng school Pumunta na agad ako sa room ko . na nakita kong nasa kalagitnaan na ng klase. sa isip isip ko.. (Lintek nayan, 1st day late pero in other side ok lang yun 1st day palang naman wala pang masyadong ginagawa.) Then pagkatapos ng klase. math kasunod . nakita kong paalis na yung teacher namin sa programming , nung nakaalis na, nag aalinlangan padin ako kase nahihiya akong pumasok, hindi ko alam ang irere-act ko sa at talagang nahihiya ako. mga 5minutes din akong nakatayo,rinig ko ang ingay nila , ini-imagine ko pag pumasok ako. ano kayang irere-act nila? hmm. ok sige bahala na. (hingang malalim hawi ng buhok lipbite then pasok !
sa kalagitnaan ng pag iingay nila napatingin sila lahat saken. sabay parang wala silang nakita na akala moy walang pumasok na tao , pag upo ko sa huli , may lumapit agad sakin, si "Ricky" Boy ! ano shifter ka? sabi ko "Oo pre galing akong Civil tech. ang dami nyang natanong , late kase yung teacher namin sa math kaya wala pang teacher na dumarating, maya maya may narinig akong nag kwekwentuhan tungkol sa dota, tinanong nila ko kung marunong ako. sabi ko "Oo nagdodota din ako sabay nagkayabangan .. pilian ng line-up bayad p.c daw muna. sabi ko sige sige , tapos sabi nung isa kong kaklase , tara mag cutting nalang tayo ! muka namang hindi na darating si maam eh, sumang-ayon naman lahat. at sabi ko (Patay..)
Natapos namin ang 3games at inabot kame ng 4pm. sabay sabay kaming umuwi , nagkakwentuhan , asaran at syempre nagkakakilanlan(Nakita ko si Crush)
2nd day ko sa BSIT-121
Pag pasok ko ng pinto, may napansin akong babae, maputi,makinis,at naka clear glass sya. Parang nag slow motion lahat ng nasa paligid ko at parang may electricfan sa muka nya at sya lang yung nakikita ko. sobrang gandaa nyaaa! pag upo ko . sa upuan ko tinanong ko si "JEROME" pre sino yun?! sabi nya "ah si cess? bakit crush mo?!" sabi ko naman. "ahh-e- hinde ang cute lng. hehe" sabay ngiti.. "nililigawan yan ni airo nung 1st sem pa," sabi nya.
ako: ahh kaya bakit hindi pa sinasagot?
Jerome : ah ewan hindi siguro type ni cess ..
ako : ahh sayang.
Jerome : Sama ka samen mamaya?
ako : ah sige sige wala naman akong pupuntahan eh
Jerome : ah sige sige,
Pagkatapos ng klase..
Jerome : oy Joms ! tara
ako : san tayo pupunta?
Jerome : samen mag fo-foodtrip.
nagulat ako nung palabas na kame ng gate, nag aabang yung crush ko. pati ibang barkada nina jerome at airo.. (si Lyn, Cess , Pat , Raven , Airo ,Litto ) 8 kaming lahat.
ako :kasama pala si cess? (ayos to sa isip isip ko <3 )
Jerome : ay oo kasama lagi yan , yan nga lagi ang naubos ng pagkaen namin,
ako : tumawa ng bahagya kase nahihiya (hindi nako nagtataka kase medyo chubby sya)(Sa bahay nina Jerome)
Jerome : Nay ! andito nako . nag hubad ng sapatos at pumasok sa loob.
Nanay ni J. : papasukin mo ang mga kaklase mo .
kaming lahat .