Prologue

13 1 1
                                    

Wala ng bago sa kwentong mahal mo sya, pero may mahal syang iba. Pero bakit ganun, hindi na napagod ang tadhanang lagi nalang paglaruan ang buhay ng tao.

Akala ko sa mga palabas at libro lang nangyayari ang mga bagay na ito. Di ko inakalang nangyayari pala ito sa totoong buhay, lalo na sa buhay ko..

Ilang beses kong ipinalangin sa may kapal na sana ako nalang. Ako nalang sana ang mahal nya, akin nalang sana sya. Pero mahirap man tanggapin, wala akong magagawa kung may mahal syang iba at kailangan ko nalang maging masaya para sa kanya, kahit na parang unti unti na akong pinapatay sa sobrang sakit na katotohanang hinding hindi sya magiging akin. Na hanggang sa panaginip ko nalang sya pwedeng mahalin, at sabihan ng mga katagang kinakatakutan kong ihayag sa kanya.

Kelan kaya darating sa puntong ako naman ang mahalin nya. Darating pa kaya ang oras na yun? mahihintay ko pa kaya sya, hanggang sa mahulog na rin sya sa akin.

mahal ko o mahal akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon