CHAPTER 1

10 1 0
                                    

"hmm...hmmm...hmmm" nag ha-humming ako habang nagdidilig ng mga halaman namin dito sa bakuran ng may biglang tumawag sakin, nakapag bigay ngiti sakin ng makita ko kung sino ang caller...

Greyson Dane Calling..............

inilapag ko muna ang hawak kong tabo sa timba at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko.

"Oh... napatawag ka?" di ko pinahalatang kinikilig ako sa tawag nya.

"Punta ka dito sa bahay" excited nitong saad.

"sige.. sandali lang" sagot ko at pinatay na ang tawag.

Ano kayang meron at pinapapunta nya ako sa kanila?

nagpaalammuna ako kila mama na may pupuntahan lang saglit at babalik ako kagaad dahil di ko pa tapos ang pagdidilig sa mga halaman.

Nang makarating ako sa kanilaý pinaakyat nalang ako ni tita sa kwarto ni gd.

hindi ko alam kung bakit pero, meron akong nararamdamang di maganda.. bigla akong kinabahan ng matapat na ako sa harap ng kwarto nya.

"tok! tok! tok!" kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto nya..

"Jil!!" nagulat ako ng agad nya akong niyakap at inikot ikot pa.. jusko tong lalaking to!! nahihilo ako sa ginagawa nya pero masaya rin ako at the same time dahil yakap yakap ko sya...

"teka! nahihilo ako!" sabi ko, kahit sa totoo lang ayaw ko ng bumitiw sa yakap nya. Na sana tumigil nalang ang mundo na yakapyakap nya ako. pero kailangan ko gumising sa katotohanang di sya magiging akin.

"Sorry!" paumanhin nito pero di parin nawawala ang saya sa mukha nito na para bang nanalo sa lotto.

"Anu bang meron?" nagtataka kong tanong..

lalong lumapad ang ngiti nya at hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Guess what! kami jil! kami na ni krystal!" di mapuknat ang ngiti nito..

para akong nasemento sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang bagay na yun, bigla nalang uminit ag sulok ng mga mata ko pero pinilit ko itong itago sa kanya at pilit akong ngumiti ng wagas sa kanya..

"T-talaga? edi maganda" saad ko at biglang tingin sa ibang direksyon.

"N-nga pala, kailangan ko ng umuwi. Nagpaalam kasi ako kila mama na saglit lang ako." sabi ko, at agad naman syang tumango.

ng marating ko na ang pinto ay nilingon ko ulit sya.

"Congrats any way! sige alis na ako" saad ko bago tuluyan lumabas ng kanya kwarto..

binilisan ko ang pag uwi samin. Nang marating ko ang bahay namin ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at doon na tuluyang bumagsak ang kanina pa nagkukumawalang mga luha sa likod ng aking mga mata..

agad akong dumapa sa kama at naglagay ng unan sa mukha ko..Ilang oras akong ganun at walang tigil ang pag-iyak hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako..

bandang alas syete na ng magising ako't bumaba na sa sala. dun ko lang ulit naalalang di ko pala naituloy ang pagdidilig ko, lumabas ako upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagdidilig kanina, pero wala na sa bakuran ang naiwan kong timba, kaya't bumalik ako sa loob ng bahay. at sumalampak sa sala at nanood  ng tv kasama ni papa..

"wala pa po si kuya?" tanong kila mama habang nakaharap sa tv. iniiwasan kong humarap sa kanila dahil baka makit nilang namumula ang mga mata ko sa kakaiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

mahal ko o mahal akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon