Prologue

8 0 0
                                    


Nakayuko ako habang naglalakad habang hawak-hawak ko ang nagwawalang tiyan ko, dalawang araw na kasi ang lumipas simula ng palayasin ako ni Mother Lily sa bahay ampunan dahil daw nagbibigay daw ako ng kamalasan sakanila

Naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada habang tadyak-tadyak ko ang latang gumugulong sa harap ko habang nag iisip ng malalim kung saan nga ba ako kukuha ng pagkain para mabuhay

Pesteng buhay to

Napa upo na lang ako sa gilid ng kalsada na kung saan tabi ko rin ang ilog, kinuha ko ang maliit na bato saka ko itinapon sa ilog na parang tumbang preso, sa paghagis ko naka anim na talbog ang bato bago ito lumubog

Yes!!

Masayang sabi ko, kahit papaano ay inaliw ko ang sarili ko para malimot ang realidad na kinakatawan ko

"Oya! Hihi!"

Isang bata?

Tinapik niya ako sa balikat saka niya binigay saakin ang kapirasong papel na may lamang address

"Ano to?"

Agad na tanong ko sakanya subalit ngumiti lang siya saakin saka na siya umalis

"Hoy bata ano to?!"

Sumigaw na ako sakanya ngunit hindi ko na siya nakita, napakamot na lang ako sa ulo at nagdadalawang isip kung pupuntahan ko nga ba ang nakasulat dito

Ilang minuto rin nang mapag desisyunan kong puntahan nalang ang address na nakasulat sa papel, wala rin naman akong mapupuntahan, baka nga isang biyaya rin ang naghihintay saakin doon

Naglakad-lakad ako at nagtanong din sa mga tao dito kung saan nga ba ang lugar na ito ngunit walang makapagsabi kung ano nga ba ang lugar na ito at ni isa ay walang gustong kumausap saakin dahil na rin sa itsura ko ngayon, malamang paghihinalaan lang nila akong isang pulub- hindi pala isa talaga akong pulubi

Sinubukan kong hanapin mag isa ang address nang hindi nag tatanong, kahit maliit na eskinita pinasok ko para mahanap ang lugar na nakasulat kaso bigo ako

Mukhang pinagloloko lang ako ng batang yun, heto naman ako uto-uto, sino ba naman kasi ang maniniwala sa isang bata hay

Sa malalim na paghinga ko may bigla nalang pumalo sa likod ko, isang lalake? Tumalsik palabas ang dugo sa bibig ko, ihahampas uli niya ang baton pero buti nalang at nakailag ako sabay takbo

Habol hininga ako sa pagtakbo para akong nasa thriller movie na hinahabol ng mamatay

Ano ba problema nito?

Nakarating na ako sa ma taong lugar pero di pa rin siya tumitigil sa paghabol saakin, mga tao ay unti-unting naagaw ang attensyon mula saamin, nagsimula na rin sila magbulungan

"Zoricus Tudor!!!"

Sigaw ng lalaking kanina pa humahabol saakin

Napatigil ako sa pagtakbo at lumingon paharap sakanya, tumatawa siya na parang baliw habang dinidilaan ang baton na hawak niya na may konting mantsa nang dugo mula saakin

Malalim ang bawat paghinga ko malamang pagod at gutom na ako isama mo pa ang pagpukpok ng tarantadong nasa harap ko, gulung gulo ako sa nangyayare

Tumigil naman sa pagbubulungan ang mga tao sa paligid ko at agad na inilabas ang mga matutulis na bagay, nakatingin lahat sila saakin habang ang mukha nila ay handang patayin ako sa ano mang oras

Ano ba nangyayare?

Lumitaw uli ang baliw na humampas saakin tawang-tawa ito na parang nakapulot ng ginto sa tabi-tabi habang palo-palo ang baton sa palad nito

"Zoricus Tudor alam mo ba kung magkano ang patong sa ulo mo?"

Ngiting sabi niya

"Ah? Eh? Hindi eh hehe"

Napakamot ako sa ulo pero bago man mangyare yun ay may humila saakin, hindi ko alam kung sino pero go with the flow lang ako, hawak niya ang kamay ko habang sabay kami tumatakbo sa maliit at madilim na eskinita

Lumingon naman ako sakanila, halos lahat ng tao ay nagsisiksikan kung sino unang makapasok sa eskinita para habulin ako pero bigo lahat sila, sa bawat hakbang ko ay nawawala na ang mga taong iyon sa paningin ko

Doon lang ako nahimasmasan sa nangyare, nasa tuktok na kami ng building at hindi ko alam bat ako napunta doon basta ang alam ko lang ay tumatakbo kami

Habol hininga ako ngayon, parang mamamatay ako sa pagod kaya umupo muna ako sa sahig

"Salamat"

Sabi ko sakanya, tumingala naman ako sakanya, napatigil ako nang makita ko ang mukha niya, isang babae? Maamo ang mukha niya para siyang anghel na nahulog sa lupa para iligtas ako, walang bahid ng emotion ang makikita mo sa mukha niya pero kahit na ganon maganda pa rin siya

Tumingin naman siya saakin, seryoso pa rin ang mukha niya, hinugot niya ang mahabang espada na nakasabit sakanya saka itinutok sa leeg ko

"Patayin ang nagkasala"

Sabi niya, napaatras naman ako sa ginawa niya, ano bang buhay to wala nabang katapusan to? Pero kung mamatay man ako ok na ako sa magandang babaeng ito

"Patayin ang nagkasala"

Sinubukan kong tumakas sakanya ngunit mas mabilis pa sa alas kwatro nakatutok uli ang espada sa lalamunan ko, ramdam ko ang tulis at alam ko na tumutulo na ang dugo sa leeg ko

"Patayin ang nagkasal—

"Oo na patayin na ang nagkasala....pero bago mo man ako patayin pwede favor naman hehe"

Nakangiting sabi ko habang linalayo ang espadang nakatutok saakin

Inilayo naman niya ang espada saakin, nakatingin lang ito saakin at hinihintay ang susunod kong sasabihin

"Ehem! Ummh bago mo ako patayin kailangan ko muna mag paalam sa nakababata kong kapatid, siya nalang kasi ang natitirang pamilya ko"

Nakikinig lang siya, nakita ko sa mukha niya na naawa na siya sa kasinungalingan ko

"May matindi siyang sakit, ako nalang ang umaantabay sakanya. Natatakot ako na kapag nawala ako wala ng aantabay sakanya"

Kunwari umiiyak ako kailangan maging tunay ang pag are dahil buhay ko ang nakasalalay dito

"Ano ba pangalan ng kapatid mo?"

Nakaramdam naman ako ng pagka mental block, ano nga ba ang pangalan ng kapatid ko? Pucha! Kung kailan kailangan ng utak saka naman nagtago, nilibot ko paningin ko nakita ko ang billboard na may pangalang

"Rexona....ah este Roxanne"

Kumunot naman ang mukha niya, seryoso pa rin ang mukha niya pero makikita mo na effective ang kasinungalingan ko dahil ibinalik na niya ang espada sa dati nitong lalagyanan

"Patawarin mo ako, papatayin na lamang kita sa susunod na oras...alagaan mo mabuti ang kapatid mo"

Yumuko ito sa harap ko, at aakmang aalis nang marinig niya ang malakas na pagwawala ng sikmura ko

"Ah miss baka may konting pagkain ka man lang dala diyan hehe"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon