Chapter 14

122 11 2
                                    

Veda Lia's POV

"Ano nga pala ang lulutuin mo, hon?"Tanong ni Marcus.

"Ano bang gusto mo?"Tanong ko rin sa kanya. Bigla naman siya napaisip at tumingin sakin sabay ngiting nakakaloko.

"Ikaw, ikaw ang gusto ko"Sagot naman  niya at napansin ko naman na napakagat labi pa siya.

d-.-b

"Landi mo! Hindi na ako magluluto bahala ka sa buhay mo! Sa labas na lang kami kakain"Kunwaring inis na sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.

Tsk!

"Galit ka na naman eh nagbibiro lang naman ako"Sagot naman niya habang tumatawa.

"Ewan ko sayo!"Kunwaring inis ko pa rin sabi sa kanya.

"Oiii, sorry na po"Palambing na sabi niya pero nagkunwari akong hindi siya pinapansin.

"Nagbibiro nga lang ako eh..."Dagdag niya pang sabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero para siyang bata na iiyak.

Eh kung asarin ko kaya siya? Hahaha!

"Wag ka ngang ganyan nagmumukha kang bakla"Kunwaring asar ko sa kanya at palihim naman akong natawa.

"Eh ikaw kasi hindi ka mabiro---------"Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si Blythe at Gale.

"Mommy! Daddy! Pwede po ba akong lumabas today?"Tanong na sabi ni Blythe.

"Saan ka naman pupunta?"Nakataas kilay na tanong ni Marcus.

d-.-b

"Bibili ng cheese cake"Sagot ni Blythe. Bigla naman sumabat si Gale.

"Ang daming foods sa bahay eh bibili ka pa ng pagkain sa labas."Sabi ni Gale.

Oo nga naman.

"Whatever! Ako naman kakain eh hindi ikaw!"Mataray na sagot ni Blythe.

Hindi ko alam kung sa akin ba talaga nag-mana si Blythe o napaglihian ko kay Jewel.

d>>__<<b

"Hays hayaan mo na yan Gale... Sige na, bumili ka na ng cheese cake na sinasabi mo"Biglang sabat naman ni Marcus.

Hays! Ini-spoiled na naman!!!

"Really? OMG! I will buy a cheese cake first.Bye!"Masayang sabi ni Blythe at agad naman siya napatakbo paakyat sa taas.

"Mag-aadvance reading lang po ako"Paalam naman na sabi ni Gale at umakyat na rin siya sa taas.

Naiwan naman kami ni Marcus sa kusina."Ikaw na lang magluto"Utos ko sa kanya. Bigla naman siya tumingin sakin habang nakakunot noo.

"Bakit ako?"Gulat at kunot noo niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ikaw na magluto eh wala ka naman ginagawa tsk"Sagot ko naman at saka ko siya iniwan sa kusina.

Umakyat naman ako sa taas at pumasok sa kwarto para magtiklop ng mga damit kaso hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Marcus sa kwarto.

"Hindi ako marunong magluto"Agad na rinig kong bungad niya. Napapikit naman ako at saka tumingin sa kanya.

"Lokohin mo sarili mo eh marunong ka kaya magluto! So kung ayaw mong magluto edi wag ka ng kumain"Inis na sabi ko sa kanya at saka ko ulit pinagtuunan ang pagtitiklop ng damit.

"Hays... Ano bang lulutuin?"Rinig ko na tanong niya.

"Ikaw bahala basta yung gusto nung dalawa"Sagot ko na lang.

Don't play my Heart Mr playboy (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon