sa Lab @ 3 pm

353 5 4
                                    

Nasa Laboratory stock room sina Kim at Crystal. Pinatawag kasi sila ni Maam Aila upang mag review sa nalalapit nilang quiz bee competition.

Crystal: Ah Kim, ireview mo ang molecular bio ha ? hatiin na natin ang mga topics para hindi na mahirap magmemorize.

Kim: okie cge. Ahm teka di ba pinapaphotocopy ni Maam ung isang book ? Ibabalik na daw kasi ni Sir sa library eh ..

Crsytal: Ahm oo. cge Teka pinapatawag lang ako ni maam Julie. Diyan ka muna iscan mo nalang ung mga pages. 

Kim: okay sure.

Umalis si Crystal. Naiwan mag-isa si Kim sa lab. Mga 10 mins ang nakalipas. May pumasok  na estudyante at nagtanong kay Kim.

Student: Ate, si Maam Josie po ? MAgheheram po sana ako ng calculator.

Kim: wala siya ehh nasa kabila. Balik ka nalang.

Umalis na ang estudiyante. Maya maya may nakita ulit si Kim na nakatayo sa malapit na pinto ng Lab. May hawak itong papel at hindi masyadong kita ang mukha nito. Pero sigurado si Kim na bata ang nakita nito.

Kim: ahhh Wala parin kasi si Maam. Halika pasok ka muna dito. Hintayin mo siya. 

Walang response na nangagaling sa estudyante.

Kim: Ahh bata wag ka ng mahiya. Teka nga ako ng lalapit sa iyo. Ahm naglalaro ka ba ng posporo ?  Ano yan? Bakit amoy nasusunog. Hoy . Ayaw mo ba talagang sumagot ha ?

Lumapit si Kim at biglang nawala ang batang kinakausap niya.

Kim: ha.. Impossible naman na wala akong kinakausap.Psh. Hay nako Kim naloloka ka na ata.

Tumalikod si Kim . Biglang lumakas ang amoy ng nasusunog na buhok. Lumingon siya at biglang sumigaw. Kitang kita ng dalawang mata niya ang batang tila hindi makilala ang hitsura dahil sa sunog na sunog ang mukha nito. Tumatawa ang bata ng makita niya. Palapit ito ng palapit sa kanya . Saka naman siya umurong at biglang nauntog sa salamin ng cabinet sa Lab at biglang nawalan ng malay.

---------------------------------------

Actually, medyo mahaba ito. Isang araw kasi nagparamdam ung bata ehh ..

Next chapter. Sa Clinic @ 6:00 pm

Heheh wala lang :) God Bless

Caught on Cam ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon