Prologue

49 2 0
                                    

A story of creation was once told that one day God took away the most brilliant ray of the sun,from the angels the purest essence of their beautiful ideal,the sweetest fragrance of the flowers that bloom and the most splendid pearl from the deepest depth of the sea. He then combined these things into an amazing and wonderful mixture in which he gave human features and a pure soul, and as it takes form,he then called it a WOMAN.

Kaya ang babae,dapat tinuturing na isang gamit na babasagin at dapat bigyan ng sapat na kalinga at atensyon. Hindi sila hinahayaang masaktan at mahirapan. Dapat silang pahalagahan at alagaan.

I don’t wanna raise the issue of gender discrimination here. At mas ayokong maghanap ng kaaway. Ang sinasabi ko lang,girls will always be girls. Hindi kami nanunuyo,kami dapat ang sinusuyo. Hindi kami ang dapat magbigay ng motibo dahil kailangan namin magpaka-conservative. That is one basic rule sa pagiging babae for us to earn the respect that we deserve.

Pero sabi nga ni John Lapus sa movie na 24/7 in Love, “Ang babaeng nirerespeto,kadalasan zero.”

But I don’t want to take it that far. Hindi ko naman isusuko ang Bataan ng ganun-ganun nalang no! Never!

Ang gusto ko lang naman, maiparamdam sa taong mahal ko ang nararamdaman ko. Ayoko namang magmukhang desperada. Hindi nga ako sure eh kung may gusto siya sa akin. Sinabi lang nung friend ko,na sabi daw ng friend nya na crush daw ako ng classmate nya. Fortunately,crush ko din yung classmate ng friend na friend ng friend ko. Gulo no? Basta,yun na yun. Kaya naman nag.lakas na ako ng loob. Bahala na si Batman! Wait, mas bet ko naman si Hello Kitty no?!

OK,take two. Bahala na si Hello Kitty!

Pero jusko naman,kahit the feeling is mutual,mukhang aabutin pa kami ng isang libong taon para may maganap na ligawan sa pagitan namin. Ewan ko ba sa “taong yun”, mukhang pati presidente ng Pilipinas alam na na may gusto ako sa “taong yun”. Siya nalang yata ang walang kamalay-malay sa feelings ko sa kanya.Oh well, all is fair in love and war. And this is war to get my love!  Coz you know what? In-love ako sa isang manhid! Hell yeah!!  

In Love Ako sa Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon