DIEDRE

He placed his arms around her, holding her close to him. He look her in the eyes and said, "I love you"
Zoe find it hard to breathe. He loved her. He actually love her. Halos hindi siya makapaniwala.

Tumigil sa pagta-type si Diedre. Kumuha siya ng sigarilyo at isinubo. Hindi niya iyon sinindihan.
Mag-iisang buwan na siyang tumigil sa paninigarilyo pero hindi siya nawalan ng yosi sa bahay. Force of habit ng may nakapasak sa bibig niya. Nang mag-quit siya, ang lighter ang itinapon niya, hindi ang sigarilyo. Sinubukan niyang alisin lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniyang ex. Kasama na dun ang paninigarilyo.

Nagsimula ang idea nang may mabasa siyang meme sa Internet, kung saan sinabing sa loob daw ng pitong taon ay napapalitan daw ang lahat ng cell sa katawan ng tao, na nangangahulugang pagkalipas ng panahong iyon ay isang bagong nilalang na ang taong iyon. Renewed body, literally, from head to toe.

Sabi sa meme, in seven years, lahat ng bahagi ng katawan niya na nadaanan ng ex-boyfriend-mula sa isip niya, hanggang sa kamay at iba, mapapalitan na. Natuwa si Diedre sa ideya kaya nag-research siya. Hindi naman pala totoo. Pero ang balat ng tao ay napapalitan agad in thirty days. So ibig sabihin, nahilod na niya ang lahat ng bakas ng ex-boyfriend, na-exfoliate na-mula buhok, hanggang talampakan. Dahil pati talampakan niya, nadikitan ng walanghiya nang tadyakan niya ito sa galit.

Nagpatuloy si Diedre sa pagta-type.
Hindi siya makapaniwalang may isang lalaking malakas mambola at sinasabing mahal siya, at pagka tapos lang ng ilang taon -o baka nga ilang buwan lang!-ay mambababae na. 'Kapal ng mukhang mambabae, kahit ang perang ginamit pambabae ay galing sa hard working na girlfriend. Hardworking and devoted. Na ang tanging naging kasalanan ay nagtiwala at nagmahal ng isang hayop. Dahil hayop ang mga lalaki. Kayang mangako ng isang magandang buhay, pero ang totoo, walang ibibigay kundi dusa, sakit, pighati, at utang.

"shit," bulong ni Diedre, saka binura ang huling nai-type. She had to write about a love that readers would dream to have. Kung minsan, hindi niya maiwasang isiping niloloko lang niya ang mga ito.

Sa totoo lang, hindi na siya naniniwala sa romantic love. O siguro, hindi na siya naniniwala sa dati niyang definition niyon. Siguro, may ideyang ibinigay sa kanya ang mga nabasang tula at nobela tungkol sa kung gaano dapat maging ka-powerful ang pag-ibig. At dahil doon, naging devoted siya, lalo na at mabigat ang mga pangakong binitawan ng ex-boyfriend. Simple pero mabibigat-aalagaan, mamahalin, ipaglalaban. Iyon pala, salita lang. Walang gawa. Dahil sinabi lang nito ang mga iyon dala ng emosyon ng mga oras na iyon.

Iba na ang definition ni Diedre ng love. Para sa kaniya, di na papat iyon mag-require ng sakripisyo. Loving someone should not be that difficult. O siguro, kung sakaling magkaroon uli siya ng fiancé o boyfriend, dapat pareho sila ng idea tungkol sa love. Mahirap pala kasing magkaiba ng idea ang dalawang tao tungkol sa isang bagay na nagkokonekta sa mga ito.

Of course, she knew it was impossible to meet a man with the same ideals as hers. It was impossible to meet a descent man, in fact. Gasgas man, pero naniniwala siyang walang forever. She hated the idea of forever now. Or the idea that one must do everything to be with someone until the end of time because forever was such a beautiful idea. Ipaglalaban niya ang forever, kahit nagmukha na siyang tanga.

It was an unusual story. Nakilala ni Diedre ang ex na si Daniel at tumagal sila ng ilang taon. He was a different man back then. Noong mga panahong iyon, masipag ito, mataas ang pangarap sa buhay, may maayos na trabaho. They built dreams together-purchase a house and make it a home. Isang maliit na bahay sa simula at kapag dumami ang ipon nila, makabili ng malaking bahay para sa mga bata ang susunod nilang gagawin. Doon din sila tatandang magkasama. It would have a library for her, and a workshop for him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strings Attached Where stories live. Discover now