SXAM POV:
Araw ng biyernes ngayon kaya naman excited ang mga kaklase ko dahil bukod sa maaga ang uwian namin mamaya ay pupunta kami sa quadragle ngayo para mag badminton. P.E namin kasi ngayon friday kaya dapat naka P.E uniform din kami pero dahil hindi ako pumapasok na naka P.E ay nag babaon na lamang ako para pag P.E time na saka lang ako mag bibihis
Ako lang yata ang ganoon hmm..
Nasa kalagitnaan ako ng pag kuha ng P.E uniform ko ng lumapit si Eyks saakin. Kaklase ko nga pala silang tatlo. Si Ylonna, Arra, Eyks at Ako. Mag kakaibigan din kami pero mukhang noon na siguro yun. Dahil ngayon may iba ng kinakasamang kaibigan si Ylonna at Arra. Habang si Eyks naman ay ako ang sinasamahan pero minsan sinasabi ko din na makipag bonding siya kela Ylonna. Baka kasi mag tampo yun at awayin siya eh!
"Sabay na tayo bumaba" Ani Eyks
"Ha?" Nakangangang tanong ko at tinignan siya. Kumunot bahagya ang aking noo dahil pati pala siya ay naka Uniform parin tulad ko
"Nag baon lang ako ng P.E uniform. Kaya sabay na tayo mag bihis" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "I mean bumaba.Chill Sxam alam ko yan nasa utak mo" Natatawang dagdag niya at ginulo niya ang aking buhok
Hobby niya talaga guluhin ang buhok ko Amp!!!
"Wala naman ako sinabi Eyks! Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo" Sagot ko naman at naiilang sa tingin niya. Naka ngisi rin kasi ang lalaking ito kaya medyo naiilang ako
"Kidding! Let's go" Pasimple kong tinignan ang kamay niyang nasa akin na ngayon kaya naman natatawa din ako ng kaonti ng humarap dito
"Hehe! Eyks yung kamay mo" Sabay duro ko gamit ang aking nguso. Tumingin din siya doon at tumawa na naman
"Psh! Ang damot mo ha! Parang hawak lang eh" At inalis ang kamay saakin na natatawa pa din
"Hindi ako madamot Eyks. Ayoko lang may masabi yung maka kakita saatin lalo na yung mga kaibigan natin" Sabay dapo ko ng mata kay Ylonna at Arra na ngayon ay naka tingin na saamin. I know kanina pa sila naka tingin nung pag lapit pa lang ni Eyks eh!
"Hay nako masyadong malandi" Pag paparinig niya. Tinarayan niya ako sabay tinalikuran at lumabas na ng room. Sumunod naman si Arra sa kaniya pero nag iwan pa ng pag taas din ng kilay saakin bago sila tuluyan lumabas
Bagsak balikat akong naiwan na naka sunod tingin na lang sa kanila. Bakit niya sinabi iyon? Wala naman akong ginawa para pag salitaan niya ako ng ganoon. Kaibigan niya ako pero kung paringgan niya ako ay parang kaaway niya
"Tss! Wag muna pansinin si Ylonna" Napa tingin ako kay Eyks dahil sa sinabi niya. Ngumiti ito kaya naman labas na naman ang braces niya
"Ha?"
"Hayaan muna lang sila Ylonna at Arra. Lalapit din yan sayo para makipag ayos" Ngumiti pa siya ng sobrang tamis kaya naman kahit nalulungkot ako dahil sa nangyayari saamin mag kakaibigan ay nahawa pa din ako sa ngiti niya
"Alam ko naman iyon Eyks. Ang diko lang maintindihan bakit kelangan niya mag parinig ng ganoon"
"Nag seselos lang yun"
"Nag seselos? Bakit naman" Ani ko at tinignan siya ng matalim
"Alam mo naman may gusto yan si Ylonna saakin diba? Nireject ko lang" Tapos tumawa na naman siya ng nakakaloko. Pinalo ko nga ang dibdib niya