Alex POV:
"Kringg.. Krinnggg.. Ano ba yan ang ingay naman inaantok pa ako eh." Inis na bumangon ako at pinatay si alarm clock. Bumalik ako sa paghiga at papikit na ng bigla ko maalala na ngayon nga pala ang first day of school ko sa Brighton University. Mabilis ako tumayo at naligo, First day ko being a college student so dapat di ako ma-late.
"Alex! Alexxx! Hoy! Alexandria Woodward! (knock..knock) Hoy! bakit ba ang tagal mo sumagot at pwede ba pakibuksan nga itong pintuan?! papasok ako!" Si hayley yun ang mabait ko na bestfriend. sigaw ng sigaw at halatang naiinis at naiinip na sa akin at kulang na lang ay pagsusuntukin niya iyong pintuan ng kwarto ko.
"Oo na wait lang naman wag masyadong atat ok?" Binuksan ko ang pintuan at sinalubong niya ako ng isang malakas na batok. "OUCH! Ang sakit nun ha!" Tiningnan ko siya ng masama. "Problema mo ba?! bakit ka ba nandito? Ang aga aga nang-iistorbo ka!" Sinungitan ko siya dahil naiinis ako, ayoko kasi sa lahat ay yung hinahawakan ang ulo ko ano pa kaya yung binatukan niya ako? Badtrip lang! Feeling ko tuloy ay mahihilo at sasakit ang ulo ko. hahaha! ang weird ko noh? Ganyan talaga pag galing mental masanay na kayo.
"Bakit ako nandito? subukan mo kaya tingnan ang phone mo? Ang dami ko ng missed calls at text messages sayo pero ni isang reply wala at hindi mo man lang makuha sagutin ang tawag ko walanghiya ka! Dahil sa hindi mo pagsagot sa mga text at calls ko naisip ko na daanan na lang kita kasi gusto ko sana na sabay tayo pumasok." Sabi niya ng bigla ko maalala na hindi nga pala kami pareho ng school na papasukan. Bangag yata itong bestfriend ko o_O
"Ha?! Anong sinasabi mo diyan? Diba hindi naman tayo pareho ng school?" Naka frown ko na sabi sa kanya.
"Oo nga, Gusto ko lang naman kasabay ang bestfriend ko masama ba?" Seryoso niyang sabi sa akin.
"Hindi naman. Hmmm.. miss mo na ako noh?" pabiro ko na sabi sa kanya.
"Hahahha! Oo naman! Ikaw kasi bakit lumipat ka pa? mamimiss tuloy kita!" Nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang yan pero makikita sa mga mata niya na nalulungkot din siya.
"Bez alam mo naman na gusto ko maranasan ang buhay ng normal na estudyante at hindi ko yun magagawa kung sa Montfort University pa rin ako papasok." Malungkot na sabi ko sa kanya, Si mommy kasi ang may-ari ng MU kaya may special treatment ako sa school na yun at gusto ko maranasan ang buhay ng normal na estudyante kaya ako nag enroll sa Brighton University.
"Basta bez kung saan ka masaya suportahan kita" Nakangiti niya ako na niyakap at bumulong ng "i'll fucking miss you bez" pagkatapos namin magyakapan ay nagtawanan kami.
"Hay nako bez tara na, tama na ang drama mo ok? baka kasi ma-late pa tayo, bugbog ka sa akin kapag na-late ako" Nagtawanan ulit kami na parang mga baliw at lumabas na pasakay sa kotse ko. Ang sabi niya nagtaxi lang daw siya papunta dito kaya wala siya dala na kotse at gusto niya daw kasi na ihatid ko siya sa school gamit ang bago ko na yellow lamborghini aventador.
Sa wakas nandito na rin ako sa BU. Naihatid ko na rin si hayley sa MU at palong palo ang gaga dahil feeling daw niya ay driver niya ako, napaka walanghiya talaga ng bestfriend ko di man lang magpasalamat sa kabaitan ko nakuha pa ako na laitin.. Nandito ako ngayon sa parking area ng school at pagbaba ko ng kotse at kasabay ng paglock ko ng door ay may papalapit sakin na babae, she is wearing a plane white scoop shirt that highlights her curves and a gray skinny jeans emphasising her long slim legs. yeah i think i just checked her body out before looking at her face, and damn i must say, she is hot. did i just say that?! Alex alex alex! erase! back to the girl in front of me who is smiling so wide at inilahad ang kamay nya sa harap ko upang makipagkamay kasabay ng pagsabing "Hi! I'm Jamie and you must be Alexandria Woodward?" ..natameme ako, i can't help by notice how beautiful this girl is in front of me, her skin is light in color, she has a long jet black big curly hair which looks like a natural one and with that full bangs which could be her way of pointing out her very light brown eyes a pointy nose and a pink thin lips. awww so cute. so thin. siguro ang sarap niyang ikiss. omg! ano ba tong naiisip ko. napapailing kong sabi sa sarili ko ng biglang tumikhim yung nasa harap ko at sinabing "uhm, Ms.Woodward ok ka lang ba?" pagaalala nyang tanong sakin, kasi hanggang ngayon wala pa din akong imik ni hindi ko pa nga tinatanggap yung hand nya napakarude ko! Alexandria! get your shit together and act like a lady. "Sorry, Hi jamie, inabot ko kamay ko at nakipagshake hands nako kagad sakanya bago pa nya bawiin yung kamay nya. kuryente!!! kuryente po ang dumaloy sa kamay ko pataas patungo sa may leeg ko. O.o first time ko naramadaman toh. napalunok ako ng di sanasadya. "h..how did you know my name?" tanong ko sakanya na may pagkakaba kelangan ko ng magact normal baka isipin pa nito Abnoy ako. "Let's just say I welcome newbies here and guide them on their first day" she said that while walking towards the big blue door which seems to be our way in. "come, i'll show you a little bit around then let's go to our first class together" sabi nyang nakangiti sabay kawit sa braso ko. na sya namang ikinapula ng mukha ko. alam ko na muka nakong kamatis. alam kong anytime soon para ng sasabog yung mukha ko na parang bomba sa pagkapula.
We went around the campus, showing me the canteen na kulay green and yellow ang chairs and ang pader, the library wherein all i saw was students sleeping. the dean's office, teacher's office and sabi nya maya nalang daw yung Gymnasium ng school.
"Tara na? Pasok na tayo 5 minutes na lang magstart na ang class." sinabi niya ng mapansin niya ang oras sa wrist watch niya.Nandito na kami ni Jamie sa classroom at nakita niya ang friends niya at ipinakilala ako kila Sky, Jen at Cassy. Lahat naman sila ay mababait kaya naman mabilis napalagay ang loob ko sa kanila. Wala pa ang prof kaya naman nagkwentuhan muna kami, you know getting to know each other lang ang peg.. hahaha! Makalipas ang isang oras ay wala pa rin professor na dumating ang sabi ni jamie baka na sobrahan daw sa tulog kaya di nakapasok. Bigla naman nagring ang bell at masaya kami nagkatinginan dahil break time ang sunod sa first subject namin. Nagkayayaan na pumunta kami sa food court para daw masimulan na ang chibugan, hahaha! ang saya ko dahil mga PG din pala itong mga new friends ko :D weeee!
"Guys! ayun may table doon, halika baka maubusan kasi tayo ng table ayoko kumain ng nakatayo.hehe" biro ko sa kanila, tinawanan nila ako at hinila at sinabing " Dont worry hindi natin kailangan makipag agawan ng table sa kanila" Bigla nag smirk si jamie ng sinabi niya iyon kaya naman nacurious ako, bigla naman ako inakbayan ni jen at sinabi na mag order na daw kami. Nagulat ako dahil hindi sila pumila at hindi man lang nagalit ang mga taong nauna sa amin at kanina pa nakapila roon.
"It's ok sweetie, order ka na" nakangiting sabi ni cassy sa akin. Tumango ako at nag order na.
"Lets go guys!" Sabi ni sky na halatang gutom na.
Tiningnan nila ako na parang sinasabi na halika na. Sinundan ko sila at pumasok kami sa isang private room and WOW! para ka lang nasa bahay, may malambot na sofa, tv, refrigerator, dining table at may air con din.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni jamie sa akin, ngumiti ako at sinabing maganda ang pagkakaayos sa room na ito.
"Exclusive lang yan para sa group natin" sabi ni jen na naka smile at bigla nagwink sa akin. napatawa ako sa ginawa nya, mukang magugustuhan ko ang school na toh. my first day is simply good with my new found friends, nakangiti kong sabi sa sarili.
"Lets eat na guys kanina pa ako nagugutom mamaya na kayo mag-usap" singit ni sky na halata ang pagkainip at pagkagutom. haha
Umupo na kami sa dining table at kumain at bigla ko naalala ang sinabi ni jen na exclusive lang room na ito para sa grupo namin. naisip ko na magtanong sa kanila kung bakit may exclusive room na para lamang sa grupo nila.
"Uhmm, excuse me guys pero pwede ba magtanong?" nahihiya ako na sabi sa kanila kasi naman ay busy sila sa pagkain naistorbo ko pa yata.
"Sure, ano ba itatanong mo alex?" Sagot ni jamie na lagi naka smile, ganda tlaga nya. nakakagaan ng pakiramdam ang smile nya. "Bakit nga pala exclusive itong room na ito para sa atin?" Nagtataka ko na tanong sa kanya. bago pako mawala sa sarili ko dahil sa maladyosang ngiti nito.
"Ahh..kasi exclusive lang itong room na ito para sa mga anak ng school owner na ito, magkaka business partner kasi ang parents namin" proud na pagkakasabi niya sakin na ikinagulat ko at dahilan para maibuga ko ang juice na iniinom ko.
"Ok ka lang alex? tanong ni jen sa akin sabay abot sa akin ng tissue.
"A..ahh.. oo ok lang ako, salamat" nginitian ko siya at kinuha ang tissue na iniabot sa akin, pinunasan ko muna ang dapt punasan at nagtanong ulit ako. " So that means na kayo ang mga anak ng may-ari ng school na ito?" Gulat ko na tanong sa kanila.
"Yup! kami nga" sabay sabay nilang sagot na may mga nakakalokong ngiti sa mga labi nila.
OMG! Anyare?! Lumipat ako ng school para maranasan ang buhay ng normal na estudyante pero ano to? ang mga new friends ko pala ang mga anak ng may ari ng school na ito. Oo nga at mababait sila pero halata naman na mga spoiled brat sila at sa tingin ko ngayon na itinuturing na nila ako na kaibigan nila ay makakaranas rin ako ng special treatment dito. Oh! I hate this! Kill me now please! -_- urgghh!
to be continued...
Hello guys! pasensya na kayo sa lame story ko first time ko po kasi magsulat, feel free to message me and give me some opinions about this story i need help. hehe..
I'm friendly and kahit malakas ang topak at may sayad ako, hindi ako snob :)
BINABASA MO ANG
Do You Love Me? (GxG)
RomanceAlexandria Woodward is confused about her feelings. It starts when she knows she is falling for a very good girl, Jamie Anderson who ain't or can't; for whatever reason that girl has; return back the love she is giving. Then comes Audrey Brighton...