Malakas ang buhos ng ulan. Sabayan mo pa ng malakas na hangin. Rinig mula dito sa loob ng cafe ang ingay na dulot nito. Maling mali na nagpunta pa ako dito para magkape, naabutan tuloy ako ng ulan.
Isang tao ang pumukaw sa atensyon ko. May bitbit siyang drawing tube case. Sa tingin ko ay architecture o engineering student ito.
"Hi! Pwede bang makiupo?" tanong nito at itinuro ang upuan sa tapat ko.
Marami-rami rin ang mga estudyante ang nagpapatila ng ulan dito kaya kaunti na lang ang makikitang bakanteng upuan.
Tumango na lang ako pinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine na hawak ko.
Ten years ago, I let someone sit with me at a cafe. Someone who also waits for the right time to leave after the chaos.
Someone who said hi, and the first to say goodbye.Someone I wish I never met.
BINABASA MO ANG
My Turn to Cry
Romance❝ I was prepared but it still hurts. ❞ After numerous break-ups with her boyfriend, Gabrielle chose to get back with Christopher, taking the risks of loving someone that was never really hers.