Prologue

247 9 8
                                    

"Minsan lang mabuhay ang tao, kaya bakit di tayo mag enjoy? Bakit natin pipigilan ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin?"

Yan ang parati kung sinasabi sa lahat.

Lumaki ako na malaya, na lahat ng gusto ko kaya kong makuha. Ganon kasi ako pinalaki ng papa ko, sabi niya sa kin, maiksi lang ang buhay kaya kung anong nakakapagpasaya sa atin, gawin natin.

Ngunit noon yun, kasi ngayon daig ko pa ang isang preso. Hindi ko na magawa ang mga bagay na gusto kong gawin, pati pangarap ko di ko na rin kayang abutin.

Fourteen years old ako ng maaksidente kami ng papa ko. Nung time na yun galing kami sa isang party ng katrabaho niya. Ang saya saya pa namin nun, pakanta kanta pa kami, hawak ko rin nun ang camera na regalo niya sa kin.

Pakuha kuha ako ng litrato, hanggang sa may manakuha akong napaka unique na caption. Sa sobrang excited ko, pinakita ko kay papa. Si papa naman na napaka supportive eh tiningnan ang hawak kung camera, na dahilan para di namin mapansin ang kasalubong naming truck, agad namang umiwas ang papa ko...

ngunit bumangga pa rin kami...after nun wala na akong matandaan.

Nakita ko na lang ang mama ko na umiiyak at ang papa ko na wala ng buhay.

Simula ng aksidenteng yun, naging mahigpit sa akin si mama. Marami ng bawal sa akin, bawal mag party o pumunta kung saan saan. Uwi kaagad pag wala ng klase, alam niya ang buong schedule ko kaya hindi ako makakapagsinungaling sa kaniya kapag na late ako ng uwi.

Ayos lang naman sana sa akin ang ganun kasi naiintindihan ko siya, pero bakit pati ang pangarap kong maging isang photographer, bawal na rin?

"Luhan, dahil sa pagkuha ng litratong yan naaksidente kayong mag ama! Malay ko ba kung isang araw habang kumukuha ka ng litrato eh bigla ka na lang masagasaan? Ayokong pati ikaw kunin sa akin! Makinig ka sa akin anak, mangarap ka na lang ng iba...wag na yan.Please."

Alam mo ba mama kung gaano i give up ang pinakagusto mo at maghanap na lang ng iba? Bakit hindi mo maintindihan na simula pagkabata...eto ang pangarap ko?

Nagsimula ako maging rebelde...naglayas ako, tumira ako sa bahay ng isang kaibigan. Naging malaya ulit ako. Nararamdaman kong unti unti ko na ring natutupad ang pangarap ko.

Sumali ako sa iba't ibang photography contest. Nakuha ko ang ikatlo minsan ikalawang gantimpala. Sayang, kung buhay lang sana si papa, magiging proud sa kin yun...kung buhay lang siya sana hindi ako lumayo kay mama.

Binisita ko ang lugar kung saan kami naaksidente ni papa. Parati akong pumupunta dito sa tuwing masama ang loob ko at sa tuwing malungkot ako. Napi feel ko kasi ang presence ni papa, parang gumagaan ang loob ko sa tuwing nandito ako.

Pero ngayong araw na ito, hindi ako nag iexpect na may makakasama ako dito. Isang babae ang nakatayo at nakatingin sa kawalan. Naaliw akong pagmasdan siya...ang mga buhok niya na sumasabay sa ihip ng hangin...ngunit malungkot ang kaniyang mata.

Sino ka?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhotographyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon