20.5

217 8 0
                                    

Chapter 20.5

Bitter Sweet Cafe

Basa ko sa pangalan ng coffee shop na nasa tapat namin ngayon ni Yex. Nasa tatlong palapag ito, ibang iba sa mga coffee na madalas kong nakikita. Walking distance lang ito mula sa pinanggalingan naming police station.

Sabay kaming pumasok sa loob, at sumalubong sa amin ang isang napakabangong amoy.

Honey

Amoy honey ang buong paligid

Hindi

Dalawang klaseng amoy, honey at lemon. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero mabango ang pinaghalong amoy ng dalawa. Balanseng balanse, nagagawang alisin ng lemon ang sobrang tamis na amoy ng honey.

Nilingon ko ang lalaki sa tabi ko. Nakapikit ito habang inanamnam ang amoy ng paligid, na may ngiti sa mga labi.

His smile is contagious

"You seem to like this place" sabi nito nang mag mulat ng tingin.

"Bakit mo naman nasabi?"

"You're smiling"

Mabilis kong inalis ang kurba ng labi ko at seryosong tumingin sa kaniya.

"Imagination mo lang yon" pagtatanggi ko kaya lalong lumawak ang ngisi sa labi nito.

Hindi ang lugar ang nakapag pangiti sakin

Bakit ba kasi masyadong nakakahawa yang ngiti mo?

Ako ang napapagod sa tuwing nakikita kitang nakangiti pero hindi ko rin naman mapigilang mapagaya sa iyo.

Tsk

"Ako na ang oorder, my treat, okay? What do you want?"

Bigla akong natigilan sa tanong nito

Dahil ngayon ko lang napagtanto

Nasa coffee shop kami

Hindi ako umiinom ng kape!

Alangan akong tumingin sa kanya bago umupo sa nahanap naming pwesto. Napahawak pa ako sa batok ko bago magsalita.

"May gatas ba dito?"

Sandaling katahimikan

Hanggang sa marinig ko ang pagtawa nito.

Dapat mainsulto ako sa pag tawa niya pero hindi iyon ang naramdaman ko. Masyado akong natutuwa sa payapa nitong mukha habang tumatawa.

He looked so relax

Yes, he smiles a lot but his laugh is different

It is way different to his playful smile and his contagious smile.

His laugh has no inhibitions, like he is showing his real self.

And he is showing it just for me

"Sorry for laughing, It's been awhile since I laughed that hard. Thank you, Yna"

Napatigil ako sa pag iisip ko nang marinig kong sabihin niya yan.

Duon ako natauhan

Lintek

Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

Ahh!

Baka kulang lang ako sa gatas

Tama!

Gatas lang ang katapat nito

Kung ano anong naiisip ko. Dapat siguro hindi ako laging sumasama sa isang to.

Pricess Charming (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon